Punong Ministro ng Bangladesh

Ang Punong Ministro ng Bangladesh ay ang pinakamakapangyarihang posisyong pampolitika sa Bangladesh. Itinuturing na mas mataas ang Pangulo ng Bangladesh sa Punong Ministro, subalit ang kanyang papel ay seremonyal lamang. Ang Punong Ministro ang may epektibong kontrol sa tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, at nangunguna sa gabinete ng bansa.

Punong Ministro ng Bangladesh
Incumbent
Bakante ang posisyon

mula 5 Agosto 2024
IstiloAng Kagalang-galang
NagtalagaPangulo ng Bangladesh
NagpasimulaTajuddin Ahmed
Nabuo26 Marso 1971
Websaythttp://www.pmo.gov.bd/

Paghirang sa Punong Ministro

baguhin

Ang Punong Ministro ay hinihirang ng Pangulo batay sa sitwasyon sa Jatiya Sangsad(ang parlamentong Bangladeshi). Ang Punong Ministro ay karaniwang pinuno ng pinakamalaking partido (o koalisyon) sa Jatiya Sangsad at dapat mayroong kompiyansa sa Jatiya Sangsad na mamahala. Ang gabinete ay binubuo ng mga ministrong pinili ng punong ministro at hinirang ng pangulo. Hindi dapat bababa sa 90 bahagdan ng mga ministro ang MPs. Ang iba pang 10 bahagdan ay maaaring di-ekspertong MP o "technocrats" na hindi diskuwalipikado sa pagiging piniling MPs. Ayon sa Saligang batas, maaring buwagin ng pangulo ang parlamento ayon sa nakasulat na kahilingan ng punong ministro.

Nagkaroon na debate kung sino ang dapat na tawaging Punong Ministro. Namahala si Mashiur Rahman sa ilalim ng katawaganga "Senior Minister". Maliban sa mga lider bantay (ngunit kasama si Mashiur Rahman, ang Senior Minister), nagkaroon ng labing-isang Punong ministro ang Bangladesh. Nagampanan naman ni Khaleda Zia ang posisyon sa tatlong termino kasama na ang dalawa'y magkasunod na termino.[1] Hawak rin niya ang titulo na may pinakamahabang kabuuang oras na nanilbihan bilang Punong Ministro. Gayunman, hawak naman ni Sheikh Hasina Wazed ang tala para sa pinakamahabang tuluy-tuloy na pagkapunong ministro kung saan ang kanyang termino ay mas matagal ng ilang linggo kaysa sa unang termino ni Khaleda Zia.

Pagpapalit ng Pamahalaan

baguhin

Noong Setyembre ng taong 1991, inaprubahan ng mga mamamayan ang pagbabago sa Saligang batas, na pormal na bumuo sa isang sistemang parlamento at nagbalik ng kapangyarihan ng pamamahala sa tanggapan ng Punong ministro, tulad nang nasa orihinal na saligang batas ng Bangladesh. Noong Oktubre nang taon ding iyon, naghalal ang mga kasapi ng parlamento nang bagong pinuno ng estado, si Pangulong Abdur Rahman Biswas.[2]

Kasaysayan

baguhin

Khaleda Zia (BNP)

baguhin

Nagsilbi si Khaleda Zia (BNP) bilang Punong Ministro ng Bangladesh nang tatlong magkakasunod na termino simula 1991. Sa panahon ng pamumuno ni Khaleda Zia maraming mahahalagang pagbabago ang nagawa ng kanyang pamahalaan sa patakaran sa edukasyon, pagpapasimula ng sapilitang pag-aaral sa mababang paaralan ng libre, libreng pag-aaral para sa mga babae hanggang sa ikasampung baitang, tulong pinansiyal para sa mga babaeng mag-aaral, at programang pagkain para sa edukasyon. Tinaasan din nito ang takdang edad sa pagpasok sa serbisyong sibil mula 27 hanggang 30 taon at naglaan ng pinakamalaking alokasyon ng salaping gugulin sa sektor ng edukasyon.

Naging Punong Ministro siya sa pangalawang pagkakataon matapos manalo ng BNP sa pamamagitan ng malaking lamang noong 15 Pebrero 1996 sa pangkalahatang halalan sa ikaanim na Jatiya Sangsad. Subalit binoykot ang nasabing halalan ng maraming pangunahing mga partido na pinagdidiinan na gawin ang halalan sa pamamahala ng isang pamahalaang walang pinapanigan, mga alegasyong nakita sa halalan noong 1994. Ang bilang nang bumuto ay tinatayang nasa limang bahagdan lamang, kahit pa sinasabi ng pamahalaan noon na mas mataas ang bilang ng mga nakilahok. Noong halalan noong 12 Hunyo 1996, natalo ang BNP sa Awami League ni Sheikh Hasina subalit ito ang naging pinakamalaking partido na oposisyon sa kasaysayan ng batas ng nasabing bansa sa pagkaroon nito ng 116 pwesto sa batasan.

Sa pagnanais na makabalik muli sa pwesto, nakipag-alyansa ang BNP sa mga dati nitong katungali, ang Jatiya Party, at Islamikong partido ng Jamaat-e-Islami Bangladesh at ang Islami Oikya Jot noong 6 Enero 1999 at naglunsad ng ilang programa laban sa namumunong Awami League. Sa pangkalahatang halalan noong 2001 nanalo ang BNP na nakakuha ng mayorya sa mga pwesto sa parlamento at 46% ng mga boto (kumpara sa 40% ng pangunahing oposisyong partido) at muling namuno si Khaleda Zia bilang Punong Ministro ng Bangladesh.

Sa halalan nooong 2008, nakamit nila ang malawakang pagkatalo. Ang pinangungunahang islamikong alyansa ni Khaleda ay nakakuha lamang ng 32 pwesto at naging pinakamaliit na oposisyon sa kasaysayan ng parlamento ng bansa. Nakakuha lamang sila ng 32% ng mga boto samantalang ang kanilang katunggali, AL, ay nakakuha ng 50 bahagdan ng kabuuang boto.

Sheikh Hasina (BAL)

baguhin

Nakuha ng Awami League ang 146 na pwesto sa pang-parlamentong halalan noong 1996. Ang suportang ibinigay ng Jatiya Party at ilang independiyente ay sapat na para makakuha ng 150 o higit pang pwesto para sa kinakailangang mayorya. Nanumpa si Hasina bilang punong ministro ng Bangladesh. Ipinangako niya ang paggawa ng Pamahalaan ng Pambansang Pagkakaisa. Kahit pa sumali sa pamahalaan ang ilang maliliit na partido at ilang indibidwal mula sa BNP nanatili pa ring malaki ang agwat ng dalawang pinakamalaking partidong pampolitika (gayundin ang kanilang mga pinuno).

Natalo ang Awami League sa pang-parlamentong halalan noong 2001. Nakakuha lamang ito ng 62 na pwesto sa Parlamento, samantalang ang alyansa ng apat na partido na pinangungunahan n Bangladesh Nationalist Party ay nakakuha ng mahigit sa 200 na pwesto o mayorya ng Parlamento. Natalo si Hasina mismo sa Rangpur, kung saan nagmula ang kanyang asawa, subalit nanalo sa tatlong iba pang pwesto. Hindi naman tinanggap ni Sheikh Hasina at ng Awami League ang resulta, at sinabing nagkaroon ng anomalya sa tulong ng Pangulo at Katiwalang pamahalaan. Subalit naniniwala ang internasyunal na pamayanan sa nangyaring halalan kaya nagpatuloy sa paggawa ng pamahalaan ang alyansa ng apat na partido.

Sa halalan noong Disyembre 2008, nanalo ang partido ni Sheikh Hasina ng 230 na pwesto na nagbigay sa kanila ng mayorya sa parlamento. Nakipag-alyansa siya sa JP at mga makakaliwa at nakakuha ng 252 na pwesto sa parlamento ang alyansang iyon. Nanumpa si Sheikh Hasina bilang Punong Ministro noong 6 Enero 2009.

Krisis sa politika

baguhin

Nabahiran ng mga kontrobersiya ang nakatakdang halalan noong 22 Enero 2007. Nagprotesta ang Awami League at mga kaalyansa nito at sinabing ang hindi magiging patas ang halalan dahil kinikilingan umano ng Katiwalang pamahalaan si Khaleda Zia at ang BNP. Hiniling ni Hasina na magbitiw na sa kanyang pwesto ang pinuno ng katiwalang pamahalaan na si Pangulong Iajuddin Ahmed, at noong 3 Enero 2007, inihayag niya na iboboykot ng Awami League at mga kaalyansa nito ang halalan.[3] Nang buwan ding iyon, nakialam na ang hukbong pinangungunahan ni Heneral Moinuddin Ahmed at pinagbitiw si Pangulong Iajuddin Ahmed bilang Pangunahing Tagapayo. Isinailalim din niya ang bansa sa Estado ng Kagipitan. Nabuo ang bagong katiwalang pamahalaan na kontrolado ng hukbo kung saan si Dr. Fakhruddin Ahmed ang Pangunahing Tagapayo. Ipinagpaliban na muna ang nakatakdang pang-parlamentong halalan.

2007 pansamantalang katiwalang pamahalaan

baguhin

Noong 12 Enero 2007, pinanumpa ni Pangulong Iajuddin Ahmed si Fakhruddin Ahmed bilang Pangunahing Tagapayo sa pansamantalang Katiwalang Pamahalaan. Para sa isang bansang sinasabing pinakakurap, ang pinakamatinding aspeto ng pamamahala ni Fakhruddin Ahmed ay ang kanyang kampanya sa pagsugpo sa kurapsiyon. Sa huling bilang, mahigit na sa 160 matatandang politiko, matataas na tagapagsilbing sibil at mga opisyal ng seguridad na pinaghihinalaan ng mga krimen ng pagnanakaw at iba pang krimeng may kaugnayan sa ekonomiya ang inaresto[4]. Hindi nakaligtas sa programang ito ang mga dating ministro ng dalawang pangunahing partidong pampolitika, kasama na ang mga dating punong ministro na sina Khaleda Zia at Sheikh Hasina at ang dating tagapayo na si Fazlul Haque.

Tala ng mga Punong Ministro ng Bangladesh

baguhin

Tingnan ang Tala ng mga Punong Ministro ng Bangladesh

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sketch BEGUM KHALEDA ZIA Hon'ble PRIME MINISTER PEOPLE'S REPUBLIC OF BANGLADESH[patay na link]
  2. "History overview". Virtual Bangladesh. Virtual Bangladesh. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-09. Nakuha noong 2008-04-05.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Haroon Habib, "Polls won't be fair: Hasina" Naka-arkibo 2007-01-07 sa Wayback Machine., The Hindu, 4 Enero 2007.
  4. "Time Magazine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-24. Nakuha noong 2009-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)