Nagsasanggalang na pader
Ang isang nagsasanggalang na pader ay isang muog na ginagamit upang ipagsanggalang ang isang lungsod o panirahan mula sa mga sasalakay. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga pader ng lungsod (city walls) o nakapader na bayan (town walls) katulad dating bansag sa Intramuros na Walled City, bagaman may mga pader katulad ng Dakilang Pader ng Tsina, Pader ni Hadrian, at metaporikal na Pader ng Atlantika, na lumalagpas sa mga hangganan ng isang lungsod at ginagamit upang bakurin ang isang rehiyon o minarkahang teritoryong hangganan. Maliban sa gamit pang-depensa, may mga pader na mayroong mahalagang simbolikong gamit — kinakatawan ang isang katayuan at kalayaan ng mga pamayanan kanilang niyayakap.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.