Ang Ouagadougou[1] ( /ˌwɑːɡəˈdɡ/, IPA[ˈwɔɣədəɣʊ], Pranses: [waɡaduɡu]) ay ang kabisera ng Burkina Faso[2] at ang sentrong administratibo, komunikasyon, pangkalinangan at ekonomiko ng bansa. Ito rin ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na may populasyon na mga 2,200,000 noong 2015. Kadalasang pinapaikli ang pangalan ng lungsod sa Ouaga. Tinatawag na ouagalais ang mga naninirahan dito. Hinango ang baybay ng pangalang Ouagadougou mula sa ortograpiyang Pranses na karaniwan sa dating Aprikanong kolonya ng Pransya.

Kabilang sa mga pangunahing industriya sa Ouagadougou ay ang pagproseso ng pagkain at tela. Siniserbisyuhan ito ng paliparang internasyunal na nakakabit sa pamamagitan ng riles patungo sa Abidjan sa Ivory Coast at, sa Kaya para sa kargamento lamang. May ilang lansangang-bayan ang nag-uugnay sa lungsod sa Niamey, Niger, timog sa Ghana, at timog-kanluran sa Ivory Coast. Isa ang Ouagadougou sa may pinakamalaking merkado sa Kanlurang Aprika, na natupok noong 2003 at simula noon ay muling binuksan kasama ang mas magandang pasilidad at pinabuting mga patakaran para sa pag-iwas sa sunog. Kabilang sa mga atraksyon dito ang Pambansang Museo ng Burkina Faso, ang Palasyo ng Moro-Naba (ang lugar ng Seremonyang Moro-Naba), ang Pambansang Museo ng Musika at ilang pamilihan ng kasanayan o craft.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ouagadougou | Facts & History". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bienvenue sur le site Officiel du Premier Ministère du Burkina Faso". www.gouvernement.gov.bf (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Setyembre 2010. Nakuha noong 22 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)