Palabaybayan
Ang palabaybayan o ortograpiya (Ingles: ortography) ay isang kalipunan ng mga pamantayan sa pagsusulat ng isang wika. Kabilang dito ang mga pamantayan sa pagbaybay, paggigitling, pagmamalaking titik, paghinto ng salita, diin, at bantas.
Ang karamihan ng mga wikang transnasyonal sa modernong panahon ay may sistema ng pagsulat, at para sa karamihan ng gayong mga wika, nabuo ang isang karaniwang ortograpiya, kadalasang nakabatay sa karaniwang uri ng wika, at sa gayon ay nagpapakita ng mas kaunting diyalektikong pagkakaiba kaysa sa wikang sinasalita.[1][2] Paminsan-minsan, maaaring magkaroon ng baryasyon sa ortograpiya ng isang wika, tulad ng Amerikanong at Britanikong pagbaybay sa kaso ng ortograpiyang Ingles.
Sa mga ilang wika pinangangasiwaan ng ang ortograpiya ng mga akademya ng wika, ngunit para sa karamihan ng mga wika (kabilang ang Ingles) walang gayong mga awtoridad, at nabubuo ang ortograpiya sa mas natural na paraan. Kahit sa mga huling wika, natural na magkaroon ng makabuluhang pagkakasunduan, ngunit nagkakaroon lamang ng pinakamataas na pagkakasuwato o pagsasapamantayan kung itinakda ng mga gabay sa istilo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ulrich Ammon (2004), "Standard variety", Sociolinguistics (sa wikang Ingles), bol. 1, Walter de Gruyter, pp. 273–283, ISBN 978-3-11-014189-4
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Coulmas, Florian; Guerini, Federica (2012), "Literacy and Writing Reform", sa Spolsky, Bernard (pat.), The Cambridge Handbook of Language Policy (sa wikang Ingles), Cambridge University Press, p. 454f
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
[[Talaksan:Padron:Stub/Lingguwistika|35px|Lingguwistika]] Ang lathalaing ito na tungkol sa Padron:Stub/Lingguwistika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.[[Category:Stub (Padron:Stub/Lingguwistika)]]