Apoy

(Idinirekta mula sa Sunog)

Ang apoy[1], ay isang uri ng pagsunog at reaksiyong kemikal na kinakasangkutan ng dalawa o higit pang uri ng mga kemikal. Kung saan nagkakaroon ng reaksiyon ang mga molekula sa bawat isa na nagiging sanhi upang makabuo ng karadagang mga kemikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Hindi isang uri ng materyal ang apoy: sa halip, ito ang proseso ng eksotermikong oksidasyon, na kung saan nagbibigay ng enerhiya ang init at liwanag. Nagsisimula ang apoy kapag ang panggatong na may sapat na panustos ng oksihena o ibang oksidiser ay nagkaroon ng sapat na init at napapanatili sa prosesong nagpapalabas ng enerhiya ang init, gayon din ang patuloy na panustos ng oksihena at panggatong na may kombustyon. Kadalasang nagsisimula ang isang apoy sa isang palito ng posporo o layter na mayroong kombustyon dahil dinisenyo ang mga palito ng posporo at mga layter na may mga materyal na may mababang puntos ng pagkasunog. Napapatay ang apoy kapag natanggal ang isa o higit na mga elemento ng init, oksidiser, o panggatong; ginagamit ang konsepto na ito sa tatsulok ng apoy. Tinatawag na abo ang mga natirang hindi nasusunog na solido.

Isang malaking naglalagablab na apoy.

Hinahatid ng isang dila ng apoy o ningas ang kuryente, habang ginawang may iono ang isang maliit na bahagi ng kahit anong apoy. Namasid ito sa isang laboratoryo at gayon din sa malalaking mga sunog o wildfire na nagaganap sa tabi ng mga linya ng kuryente. Bahagiang nauukol sa katangiang plasma nito ang kakayahan maghatid ng kuryunte ang isang ningas.

Pinagmulan

baguhin

Hindi pa rin natitiyak hanggang ngayong kung paano natuklas ng tao ang paggawa ng apoy, at ang mismong pinagmulan nito. Maraming mga teoryang nagsasabing sa kidlat ito unang nakita. [kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Apoy, fire". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)