Kladohenesis
Ang kladohenesis o cladogenesis ay isang pangyayari sa ebolusyon ng paghihiwalay ng isang species kung saan ang bawat sangay at mas maliliit nitong mga sangay ay bumubuo ng isang "klado"(clade) na isang isang mekanismo ng ebolusyon at isang proseso ng ebolusyong pag-aangkop na humahantong sa pag-unlad ng mas malaking iba ibang mga magkakapatid na species. Ang pangyayaring ito ay karaniwang nangyayari kapag ang ilang mga organismo ay napupunta sa isang bagon at kadalasang malalayong mga lugar o kapag ang mga pagbabago sa kapaligiran ay nagsasanhi ng ilang mga ekstinksiyon na nagbubukas ng mga bagong niches na ekolohikal para sa mga nakaligtas nito. Ang isang halimbawa ng kladohenesis ang ang kapuluuang Hawaiian kung saan ang mga ligaw na organismo ay naglakbay sa mga karagatan sa pamamagitan ng mga daloy ng karagatan at mga hangin. Ang karamihan ng mga species na nasa mga kapulugan ay hindi matatagpuan sa iba pang lugar sa mundo dahil sa paghihiwalay na pangebolusyon.
Ang kladohenesis ay kadalasang sinasalungat sa anahenesis kung saan ang unti unting mga pagbabago sa ninunong species ay humahantong sa kalaunang pagpapalit nito ng isang bagong anyo (i.e., walang paghahati sa punong pilohenetiko.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.