Sandatang nukleyar
Ang sandatang nuklear[a] o sandatang nukleyar[2] ay isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksiyong nuklear ng fission at/o fusion. Mas makapangyarihan ang pinakamaliit na sandatang nuklear kaysa mga konbensiyonal na eksplosibo maliban sa malalaking uri nito. Maaaring lipulin ng sampung-megaton na sandata ang buong lungsod. Maaari naman masunog ng sandaang-megaton na sandata (bagaman impraktikal ang paghusga) ang mga bahay na yari sa kahoy at ang mga gubat sa isang bilog na 60-100 milya (100-160 kilometro) sa diyametro. Naipadala ng ikalawang ulit ang sandatang nuklear sa kasaysayan ng pakikidigma – parehong tinapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig; nangyari noong umaga na 6 Agosto 1945 ang unang ganoong pagbomba, noong hinulog ng Estados Unidos ang isang uranium na nasa mala-baril na kasangkapan na pinangalang "Little Boy" o "Maliit na Bata" sa lungsod ng Hiroshima, Hapon at nangyari naman pagkalipas ng tatlong araw ang paghulog ng ikalawang bomba sa Nagasaki, Hapon; ipinangalan naman ang pangalawang bomba bilang "Fat Man" o "Matabang Lalaki" na isang plutonium na nilagay sa isang kasangkapan na sumasabog paloob.
Mga pananda
baguhin- ↑ Ayon sa ortograpiya ng Komisyon ng Wikang Pilipino[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Komisyon ng Wikang Pilipino (2013). Ortograpiyang Pambansa (PDF).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philippine Currents (sa wikang Ingles). New Horizons Research and Publications. 1991.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.