Ang Little Boy ay isang alyas para sa isang bombang atomiko na hinulog sa Lungsod ng Hiroshima ng bansang Hapon noong Ika-anim ng Agosto 1945 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng Boeing B-29 Superfortress Enola Gay, na minaneho ni Kolonel Paul W. Tibbets, Jr ng 509th Composite Group ng United States Army Air Force. Ito ang kauna-unahang bombang atomiko na ginamit sa giyera. Ang pambobomba sa Hiroshima ang pangalawang artipisyal na pagsabog ng nukleyar sa kasaysayan, pagkatapos ng Trinity Test, at ng unang Uranium-based detonation. Ito ay sumabog sa lakas na umaabot sa 15 kilotons ng TNT (63 TJ). Ang bomba ay nagresulta sa malawakang pagkawasak ng Hiroshima at ng nasasakupan nito.

Little Boy
A post-war Little Boy model
Kasaysayan ng Produksyon
Specifications
Weight9,700 pound (4,400 kg)
Length10 talampakan (3.0 m)
Diameter28 pulgada (71 cm)

FillingUranium-235
Filling weight140 lb (64 kg)
Blast yield15 kilotons of TNT (63 TJ; 0.7 g mass equivalent)