Indibiduwal

(Idinirekta mula sa Sarili)

Ang indibiduwal o sarili (Ingles: individual, self) ay isang tao o isang partikular na bagay. Ang indibiduwalidad, na tinatawag ding pagkatao o kasarilihan (Ingles: individuality, selfhood) ay isang katayuan o kalidad o katangian ng pagiging isang indibiduwal; isang persona o tao na nakabukod mula sa iba pang mga persona o mga tao at nag-aangkin kaniyang pansariling mga pangangailangan o mga layunin; at may pagiging mapagpahayag ng sarili, at may pagsasarili o hindi umaasa sa ibang mga tao (independiyente).

Mula ika-15 daantaon at mas maaga pa, at pati na rin ngayon sa mga larangan ng estadistika at metapisika, ang indibiduwal ay nangangahulugang hindi mahahati (hindi mapapagparte-parte, hindi maihihiwalay), na karaniwang naglalarawan ng anumang bagay na pangnumerong nag-iisa, subalit paminsan-minsang nangangahulungang "isang tao" o "isang persona" (tingnan din ang "ang suliranin ng mga pangngalang pantangi). Mula ika-17 daantaon at pasulong pa, ang indibiduwal ay nagpapahiwatig ng bukod o pagkakabukod, katulad ng sa indibiduwalismo.

Ang indibiduwalismo ay maaaring kasingkahulugan o may kaugnayan sa mga salita o mga pariralang ito: nag-iisa, pang-isa, isa, para sa isa, bawa't, para sa bawa't isa, at panarili.[1][2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.