Huwag itong ikalito sa kakayahan.

Ang pagkatao, katauhan o persona, sa isang kolokyal na pananalita, ay kadalasang kasingkahulugan ng tao. Gayon man, sa pilosopiya, mayroong mga pakikipagtalo sa tumpak na kahulugan at tamang gamit ng salita, at kung anong pamantayan ang gagamitin para sa kahulugan ng pagkatao. Sa nakaraang mga dekada, maraming sikolohista ang nagsikap na magkaroon ng konkretong depinisyon ng kakaniyahan o pagkatao. Subalit sina Larsen & Buss (2008) ay nakapagbuo ng isang pangungusap na nasasakop ang mga importanteng aspetong kakaniyahan. Ayon sa kanilang kahulugan, ang personalidad ay isang pangkat ng mga gawi o mga katangiang pangsikolohiya at mga mekanismo sa loob ng indibidwal na isinaayos at kung tutuusin ay nagtatagal at nakakaimpluwensiya sa kanyang mga pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha sa, at pakikibagay o pag-akma sa mga kapaligirang intrasikiko, pisikal, at panlipunan (Larsen & Buss, 2008).

Sa kanilang sinulat na aklat, Personality Psychology: Domains of Knowledge About Human Nature (ikatlong edisyon), hinimay nila ang mga importanteng elemento na sinasakop ng kanilang depenisyon upang mas lalong maintindihan ito ng mga tao. Ilinarawan nila ang bawat elemento and ipinaliwanag nang kumprehensibo ang bawat isa. Hindi tulad ng kakayahan at saloobin na puwedeng magbago sa pagdaan ng panahon, o kaya nakakulong sa konteksto, o madaling maiba ng karanasan ang pagkatuto, ang kakaniyahan o pagkatao ay matatag at hindi madaling mabago ng anuman. Ngunit mayroon ding mga pangyayari na sa sobrang kahindik-hindik ay naiiba ito.

Maraming mga pagsusulit o pagsubok ang ginawa upang matukoy ang personalidad ng isang tao, gaya ng PEN at 16PF. Ang PEN ay gawa ni Eysenck. Naniniwala si Eysenck na malaki ang papel na ginagampanan ng genes sa pagkatao. Ang ibig sabihin ng “P” ay psychoticism, “E” para sa extraversion, at “N” para sa neuroticism. Ang 16PF na linikha ni Cattell ay nakapagtuturo ng 16 na kaugalian o traits. Ngunit sa karami-rami ng personality tests, mayroong isang personality test na tinutukoy na pinaka-wasto o accurate sa lahat. Ito ang 5 Factor Model nina Costa at McCrae. Ito ang pinakamatagumpay sa lahat na nagawang personality test sa dahilang kaya nitong mag-generalize ng pagkatao.

Mayroon ding personality tests na para sa mga Pilipino. Ang PPP, PKP, at iba pa, ay nagpapatunay na ang Big Five Model (Pangunahing Limang Modelo) ay akma kahit sa mga Pilipino o sa kahit anumang indigenous models.

Pagkatao ba ang lahat ng tao?

baguhin

Isa pang suliranin sa payak na pananaw ay ang mga pagtatalo kung pagkatao ang ilang mga tao. Halimbawa, sa kontrobersiya sa aborsyon, bagaman malinaw na galing sa specie ng tao ang fetus, nasa pagtatalo pa kung isang katauhan ito. O sa kaso ng isang biktima ng matinding pagkasira ng utak na walang aktibidad ang pagiisip, may ilang magsasabi na nawala na ang kanyang pagkatao, o tumigil na ang pamamalagi ng pagkatao niya, iniwan lamang ang isang "walang laman na balutan."

Ang isang pagkatao, sa ilang pangyayari, ay ang isang indibiduwal na, sa pamamagitan ng kanyang mga pinili at desisyon, bumuo ng isang sariling identidad, na aktibo sa higit na mga pinili. Wala pang ganoong pagkakataon ang isang fetus (bagaman pareho din ang masasabi sa bagong panganak na sanggol), at walang kakayahan ang taong may isang utak na may malalang pagkawasak na gumawang pumili pa ng higit.

Pamantayan sa pagkatao

baguhin

Tila pinapakita ng mga punto sa itaas na maaaring mayroong mga pagkatao na hindi tao at mayroong mga tao na hindi pagkatao. Sa mga kadahilanang ito, maraming mga pilosopo ang sinubok na magbigay ng tumpak na kahulugan, nakapokus sa mga ilang katangian o katangian na lahat ng mga pagkatao, totoo at haypotetikal, na kailangang taglayin.

Ang kamalayan ng isip ang pinakamaliwanag na katangiang tinataglay ng mga persona, karaniwan (ngunit di kinakailangan) na kasama ang mga plano, mithiin, hangarin, pagasa, takot, at iba pa. Sa kabila noon, maproblema din ang pag-angkin sa ganoong pag-iisip na kailangan sa buong pagkatao, sa karamihan, tinatanggap na bilang pagkatao ang mga sanggol ng tao, sa kabila noon, tila di pa sapat ang pagsulong ng kanilang mga isip upang masiyahan ang kundisyong ito. May mga ilang pilosopo ang tinatanggap na di persona ang mga sanggol. Gayon man, hindi sa karamihan sa kanila. Sa halip, munungkahi ng ilan na tamang katangian ang potentsyal para sa ganoong pag-iisip.

Sa kabila noon, mayroon pang pananaw na hindi lahat o wala ang pagkatao: maaaring mayroong mga antas ang pagkatao, nakasalig sa kung gaano kalapit sa isang ganap na gumaganang isip ang isang bagay na tinatanong. Kung gayon, isang persona ang isang tipikal na adulto, samantalang di na persona ang tao na permanenteng nasa coma. Tila may mga di magandang kalalabasan din ang mga ganitong pananaw, halibawa, maaari sabihin na kalahating pagkatao lamang ang isang bata o sinumang may katamtamang kapansanan sa pag-iisip (at marahil na may kalahating karapatan o pinagmamasdan bilang kalahati lamang ang halaga). Minungkahi ni Jean Varnier, na ginugol ang halos buong buhay niya sa paggawa at pagtira kasama ang mga taong may kapansanan sa kaalaman, na ang kakayahan na ibigin ang binubuo ng tunay na pagkatao.

Maaaring totoo na sabihing mayroon pa na ibang pananaw, at hindi pa malapit sa pagiging resolba ang pagtatalo.jaime B. Matin-ao

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  • Buss, D.M. & Barnes, M. (1986). Preferences in human mate selection. Journal of Personality and Social Psychology, 50, 559-570.