Ang ika-2 milenyo BC ay binubuo ng mga taon mula 2000 BC hanggang 1001 BC. Sa Sinaunang Malapit na Silangan, minamarkahan nito ang transisyon mula sa Gitna hanggang sa Huling Panahon ng Tanso. Ang Sinaunang Malapit na Silangang mga kultura ay nasa loob ng makasaysayang panahon: Ang unang kalahati ng milenyo ay dinomina ng Gitnang Kaharian ng Ehipto at Babylonia. Umunlad ang alpabeto. Sa gitna ng milenyo, umusbong ang bagong kaayusan sa pangingibabaw ng Griyegong Minoe sa Egeo at pagbangon ng Imperyong Hitita. Nakita ng dulo ng milenyo ang pagguho ng Panahon ng Tanso at ang paglipat sa Panahon ng Bakal.

Milenyo: ika-3 milenyo BC - ika-2 milenyo BC - ika-1 milenyo BC
Pangkalahatang-tanaw ng mapa ng mundo noong dulo ng ika-2 milenyo BC, naka-kulay-kodigo ayon sa yugtong pangkalinangan:
  Paleolítiko o Mesolítikong mga mangangaso-mangangalap
  nomadikong nagpapastol
  payak na lipunang nagsasaka
  komplikadong mga lipunang nagsasaka (Lumang Mundo Panahon ng Tanso, Olmeka, Andes)
  mga estadong lipunan (Mayabong Gasuklay, Tsina)

Nasa prehistoriko pa rin ang ibang rehiyon ng mundo. Sa Europa, ipinakilala ng kulturang Beaker ang Panahon ng Tanso, marahil may kaugnayan sa pagpapalawak ng Indo-Europeo. Umaabot ang pagpalawak ng Indo-Iraniyano sa talamaps Iraniyano at sa subkontinenteng Indiyano (Vedikong Indya), pinapalaganap ang paggamit ng karwahe. Pumasok ang Mesoamerika sa Pre-Klasikong (Olmeka) panahon. Ang Hilagang Amerika ay nasa huling Arkaikong yugto. Sa Maritimong Timog-silangang Asya, umabot ang pagpapalawak ng mga Austrenesyo sa Micronesia. Sa Aprikanong Sub-Sahara, nagsimula ang pagpapalawak ng Bantu.

Tuloy-tuloy umakyat ang populasyon ng mundo, posibleng lumagpas sa 100 milyon sa unang pagkakataon.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Klein Goldewijk, K. , A. Beusen, M. de Vos and G. van Drecht (2011). The HYDE 3.1 spatially explicit database of human induced land use change over the past 12,000 years, Global Ecology and Biogeography20(1): 73-86. doi:10.1111/j.1466-8238.2010.00587.x (pbl.nl Naka-arkibo 2021-04-23 sa Wayback Machine.). Jean-Noël Biraben, "Essai sur l'évolution du nombre des hommes", Population 34-1 (1979), 13-25 (p. 22) tinatayang 80 milyon noong 2000 BC at tinatayang 100 milyon noong 1200 BC (sa Ingles).