Ang actinium o aktinyo (Kastila: actinio, may sagisag na Ac) ay isang radyoaktibong elementong matatagpuan sa mga inang-bato ng uranyo, at pinanggagalingan ng mga sinag-alpa. Mayroon itong atomikong bilang na 89. Natuklasan ito noong 1899 ni André-Louis Debierne.[5] Ito ang unang elementong hindi primordiyal na elementong radyoaktibo na unang naibukod o naihiwalay, bagaman napansin din noong dati pa ang polonyo, radyum, at radon, subalit hindi naibukod hanggang sa sumapit ang 1902. Ito ang pinakamatagal na istopo (Ac 227). Mayroon itong kalahating-buhay na 21.7 mga taon. Kabilang sa mga katangian nito ang punto ng pagkatunaw (MP o melting point) na 1,050 °C, punto ng pagkulo (BP o boiling point) na 3,200 °C, espesipikong grabidad (SG o specific gravity) na humigit-kumulang sa 10.07, at V na 3.[5] Ito ang elementong nagbigay ng pangalan sa seryeng aktinido[t 1], na isang pangkat ng 15 katulad na mga elementong nasa pagitan ng aktinyo at ng lawrencium sa talaang peryodiko.
↑Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)