Atomikong bilang
Sa larangan ng kimika at ng pisika, ang bilang na atomiko o bilang ng proton (Aleman: Ordnungszahl, Kastila: número atómico, Ingles: atomic number o proton number, Pranses: numéro atomique) ng isang atomo ay ang bilang ng mga proton na nasa loob ng isang atomo. Ang mga elementong pangkimika ng talahanayang peryodiko ay nakalista ayon sa pagkakasunud-sunod ng atomikong bilang. Ang mga atomo ay mayroon ding mga elektron at mga neutron. Ang bilang ng mga elektron at ng mga neutron ay hindi nagpapabago sa atomikong bilang ng isang elemento. Ang timbang na atomiko (bigat na atomiko) ay hindi nagbabago ayon sa dami ng mga neutron na nasa loob ng nukleyus ng atom. Ang bilang ng mga elektron ay nakapagpapabago sa karga ng atomo. Kapag ang bilang ng mga elektron ay hindi kapantay ng bilang ng mga proton, ang atomo ay tinatawag na isang iono.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.