Antimonyo
(Idinirekta mula sa Antimony)
Ang antimony o antimonyo[1] (baryant: antimonya;[2] Kastila: antimonio) ay isang uri ng elementong kimikal na may sagisag na Sb (Latin: stibium, may kahulugang "marka") at atomikong bilang na 51. Bilang isang metaloyd, mayroon itong apat na alotropikong mga anyo o porma. Isang matatag na anyo nito ang metaloyd na kulay asul-puti. Hindi matatatag na mga hindi-metal ang dilaw at itim na mga antimonya. Ginagamit ang antimonya sa hindi-pagtalab ng apoy sa isang bagay, sa mga pintura, sa mga seramika, sa mga enamel, sa malawak na mga sari ng mga aloy, sa elektroniks, at sa goma.
- Huwag itong ikalito sa antinomya, isang uri ng kabalintunaan.
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ Almario, Virgilio, pat. (2010). "antimony : antimonyo". UP Diksiyonaryong Filipino (ika-Ikalawang (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. ISBN 978-971-635-033-3.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Antimony, antimonya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.