Yodo

(Idinirekta mula sa Iodine)

Ang yodo (Ingles: Iodine)[6] ay isa sa mga kemikal na elemento na may atomikong bilang 53.[7] Ito ay isang madilim na kulay abo, makintab, may pagkakristal na solido. Kapag pinainit ito ay bumubuo ng isang biyoletang singaw. Ang singaw na ito ay nakakairita at nakakalason. Ang yodo ay bahagyang matutunaw sa tubig, na magbibigay ng kulay-brown na solusyon. Mas mahusay itong natutunaw sa iba pang mga solvents tulad ng alkohol. Dalawang bahagi ng yodo na may siyamnapu't-walong parte ng alkohol ay ginagamit bilang isang malakas na antiseptiko.[8]

Yodo, 00I
Yodo
Bigkas /ˈədn,_ʔdɪn,_ʔdn/ (EYE-ə-dyne-,_--din)
Appearancemakintab na metal na kulay abong solido, itim/biyoletang likido, biyoletang gas
Standard atomic weight Ar°(I)
  • 126.90447±0.00003
  • 126.90±0.01 (pinaikli)[1][2]
Yodo sa talahanayang peryodiko
Hydrogen Helium
Lithium Beryllium Boron Carbon Nitrogen Oxygen Fluorine Neon
Sodium Magnesium Aluminium Silicon Phosphorus Sulfur Chlorine Argon
Potassium Calcium Scandium Titanium Vanadium Chromium Manganese Iron Cobalt Nickel Copper Zinc Gallium Germanium Arsenic Selenium Bromine Krypton
Rubidium Strontium Yttrium Zirconium Niobium Molybdenum Technetium Ruthenium Rhodium Palladium Silver Cadmium Indium Tin Antimony Tellurium Iodine Xenon
Caesium Barium Lanthanum Cerium Praseodymium Neodymium Promethium Samarium Europium Gadolinium Terbium Dysprosium Holmium Erbium Thulium Ytterbium Lutetium Hafnium Tantalum Tungsten Rhenium Osmium Iridium Platinum Gold Mercury (element) Thallium Lead Bismuth Polonium Astatine Radon
Francium Radium Actinium Thorium Protactinium Uranium Neptunium Plutonium Americium Curium Berkelium Californium Einsteinium Fermium Mendelevium Nobelium Lawrencium Rutherfordium Dubnium Seaborgium Bohrium Hassium Meitnerium Darmstadtium Roentgenium Copernicium Nihonium Flerovium Moscovium Livermorium Tennessine Oganesson
Br

I

At
telluriumyodoxenon
Group17
Period5
Block  p-block
Electron configuration[Kr] 4d10 5s2 5p5
Electrons per shell2, 8, 18, 18, 7
Physical properties
Phase at STPsolido
Melting point(I2) 386.85 K ​(113.7 °C, ​236.66 °F)
Boiling point(I2) 457.4 K ​(184.3 °C, ​363.7 °F)
Density (near r.t.)4.933 g/cm3
Triple point386.65 K, ​12.1 kPa
Critical point819 K, 11.7 MPa
Heat of fusion(I2) 15.52 kJ/mol
Heat of vaporization(I2) 41.57 kJ/mol
Molar heat capacity(I2) 54.44 J/(mol·K)
Vapor pressure (rhombic)
P (Pa) 1 10 100 1 k 10 k 100 k
at T (K) 260 282 309 342 381 457
Atomic properties
Oxidation states−1, +1, +2,[3] +3, +4, +5, +6, +7 (isang matapang na asidikong oksido)
ElectronegativityPauling scale: 2.66
Ionization energies
  • 1st: 1008.4 kJ/mol
  • 2nd: 1845.9 kJ/mol
  • 3rd: 3180 kJ/mol
Atomic radiusempirical: 140 pm
Covalent radius139±3 pm
Van der Waals radius198 pm
Color lines in a spectral range
Mga linyang espektral ng yodo
Other properties
Natural occurrenceprimordiyal
Crystal structurebase-centered orthorhombic
Base-centered orthorhombic crystal structure for yodo
Thermal conductivity0.449 W/(m⋅K)
Electrical resistivity1.3×107 Ω⋅m (at 0 °C)
Magnetic orderingdiamagnetic[4]
Molar magnetic susceptibility−88.7×10−6 cm3/mol (298 K)[5]
Bulk modulus7.7 GPa
CAS Number7553-56-2
History
Discovery and first isolationBernard Courtois (1811)
Isotopes of yodo
Template:infobox yodo isotopes does not exist
Kategorya Kategorya: Yodo
| references

Ang yodo ay nangyayari sa maraming estado ng oksihenasyon, kabilang ang iodide (I−), iodate (IO− 3), at ang iba't ibang peryodateng anion. Ito ang pinakakaunti sa mga matatag na halogen, bilang ang animnapu't isang pinaka-masaganang elemento. Bilang ang pinakamabigat na mahahalagang sustansyang mineral, ang yodo ay kinakailangan para sa sistesis ng mga hormonang tiroideo.[9] Ang kakulangan sa yodo ay nakakaapekto sa humigit-kumulang dalawang bilyong tao at ito ang nangungunang maiiwasang sanhi ng mga kapansanan sa intelektwal.[10]

Ang yodo ay nasa Talaan ng Mahahalagang Gamot ng World Health Organization.[11]

Pagkakadiskubre

baguhin

Noong 1811, mahalaga ang pagkuha ng mga sodyong asin para sa paggawa ng gunpowder, si Bernard Courtois, isang kemikong Pranses, ay naobserbahan ang misteryosong biyoletang singaw na bumubuga sa abo ng seawead kung saan isinama niya ito sa sulfuric acid.[12]

Noong 1815, itinalaga na itong elementong kemikal ni Joseph-Louis Gay-Lussac[13] kung saan ikinumpirma ito ni Humphry Davy na noon ay bumibisita sa Paris.[14]

Kalusugan

baguhin

Ang yodo rin ay matatagpuan sa mga iba't-ibang uri ng pagkain, karaniwan nasa pormang asin. Mahalaga ito sapagkat isa itong komponent at esensyal sa mga thyroid hormone. Ang mga thyroid hormone naman ay tumutulong sa katawan para maisaayos ang biochemical reaction, kasama na rin ang pagproproseso ng mga protina at kritikal ito sa ating metabolismo. Nakakatulong rin ito sa ating skeletal system at central nervous system.[15]

Iodine Deficiency

baguhin

Ang kakulangan sa yodo ay karaniwang sanhi ng mga sakit sa thyroid, at kung malala naman, maaaring magdulot ito ng pagkasira ng utak pati na rin ang pagkakaroon ng disabilidad sa pag-iisip lalo na sa mga sanggol. Kapag ang bata ay kulang sa yodo, maaaring maapektuhan nito lalo na ang utak at pagkakaroon ng problema sa intelektwalidad. Kapag mga babae naman, magkakaroon siya ng problema sa pagbubuntis at lalong maaapektuhan ang fetus na nasa kanyang sinapupunan.[16]

Ang pagdaragdag ng yodo sa pagkaing asin (table salt) ay higit na naalis ang problemang ito sa mas mayayamang bansa, ngunit ang kakulangan ng yodo ay nananatiling isang malubhang problema sa kalusugan ng publiko sa umuunlad na mundo ngayon.[17] Ang kakulangan sa yodo ay isa ring problema sa ilang lugar sa Europa. Ang pagpoproseso ng impormasyon, mahusay na mga kasanayan sa motor, at biswal na paglutas ng problema ay pinabuting sa pamamagitan ng pagdaragdag ng yodo sa mga batang kulang sa sustansyang mineral na ito.[18]

Iodine deficiency sa hayop

baguhin

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa sa mga daga, nagkaroon ito ng mga komplikasyon sa cerebellum ng utak at may napansing presensya ng neonatal goiter pagkatapos magdiyeta ng katulad ng mga tao sa nayon ng Jixian sa Tsina (ang diyetang ito ay kulang sa yodo) sa loob ng apat na buwan.[19]

Mga iba pang gamit ng Yodo

baguhin

Ang mga iodized salt ay ginagamit sa iba pang mga bagay maliban sa pagkain. Ito ay ginagamit sa panggagamot, disinfectant, mga dye at bala sa pag-iimprenta, at tsaka pambahog para sa mga hayop. Ginagamit din ang yodo bilang polarising filters sa mga LCD displays.[14]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Standard Atomic Weights: Iodine" (sa wikang Ingles). CIAAW. 1985.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Prohaska, Thomas; Irrgeher, Johanna; Benefield, Jacqueline; Böhlke, John K.; Chesson, Lesley A.; Coplen, Tyler B.; Ding, Tiping; Dunn, Philip J. H.; Gröning, Manfred; Holden, Norman E.; Meijer, Harro A. J. (2022-05-04). "Standard atomic weights of the elements 2021 (IUPAC Technical Report)". Pure and Applied Chemistry (sa wikang Ingles). doi:10.1515/pac-2019-0603. ISSN 1365-3075.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. I(II) is known to exist in monoxide (IO); see Nikitin, I V (31 Agosto 2008). "Halogen monoxides". Russian Chemical Reviews (sa wikang Ingles). 77 (8): 739–749. Bibcode:2008RuCRv..77..739N. doi:10.1070/RC2008v077n08ABEH003788.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Magnetic susceptibility of the elements and inorganic compounds, in Handbook of Chemistry and Physics 81st edition, CRC press.
  5. Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN 0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. https://diksiyonaryo.ph/search/yodo
  7. Ferriols-Pavico, Josefina, Morales-Ramos, Anna Cherylle, Bayquen, Aristea, Silverio, Angelina, Ramos, John Donnie (2019), Exploring Life Through Science Series: The New Grade 10, Phoenix Publishing House, Inc.
  8. Encyclopaedia Apollo Volume VII (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd.
  9. "Iodine". Micronutrient Information Center, Linus Pauling Institute, Oregon State University, Corvallis. 2015. Nakuha noong 20 Nobyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. McNeil Jr DG (2006-12-16). "In Raising the World's I.Q., the Secret's in the Salt". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-12. Nakuha noong 2009-07-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. World Health Organization (2021). World Health Organization model list of essential medicines: 22nd list (2021). Geneva: World Health Organization. hdl:10665/345533. WHO/MHP/HPS/EML/2021.02.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Leung, Angela M.; Braverman, Lewis E.; Pearce, Elizabeth N. (2012-11-13). "History of U.S. Iodine Fortification and Supplementation". Nutrients. 4 (11): 1740–1746. doi:10.3390/nu4111740. ISSN 2072-6643. PMC 3509517. PMID 23201844.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "iodine". Britannica Kids (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Iodine - Element information, properties and uses | Periodic Table". www.rsc.org. Nakuha noong 2022-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Office of Dietary Supplements - Iodine". ods.od.nih.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Australia, Healthdirect (2021-08-26). "Iodine deficiency". www.healthdirect.gov.au (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Micronutrient deficiency: iodine deficiency disorders". WHO. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Zimmermann MB, Connolly K, Bozo M, Bridson J, Rohner F, Grimci L (Enero 2006). "Iodine supplementation improves cognition in iodine-deficient schoolchildren in Albania: a randomized, controlled, double-blind study". The American Journal of Clinical Nutrition. 83 (1): 108–114. doi:10.1093/ajcn/83.1.108. PMID 16400058.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Eastman, Creswell J.; Zimmermann, Michael B. (2000), Feingold, Kenneth R.; Anawalt, Bradley; Boyce, Alison; Chrousos, George (mga pat.), "The Iodine Deficiency Disorders", Endotext, South Dartmouth (MA): MDText.com, Inc., PMID 25905411, nakuha noong 2022-12-26{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)