Sim (elemento)
(Idinirekta mula sa Zinc)
Ang sink (Kastila: zinc, Ingles: zinc ; mula sa Aleman: zink) ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperatura. Nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya't ginagamit bilang sangkap sa mga aloy o balahak na katulad ng bronse at bras o tansong dilaw. Ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan. Naibukod ni Andreas Sigismund Marggraf ang elementong ito noong 1746.[1][2][3]
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ English, Leo James (1977). "Sink, zink, zinc, bluish-white metal". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731., pahina 1239.
- ↑ De Guzman, Maria Odulio (1968). "Zinc, oksido de si(n)k". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina 195.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Zinc - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.