Paghihinang

anumang proseso ng paggawa para sa pagsali sa mga workpiece nang hindi nagdaragdag ng hindi magkatulad na tagapuno o materyal na pandikit

Ang paghihinang ay isang proseso ng paggawa na nagdudugtong sa mga materyales, karaniwang metal o termoplastiko, pangunahin sa pamamagitan ng paggamit ng mataas na temperatura upang matunaw ang mga bahagi nang magkasama at payagan ang mga ito na lumamig, na nagiging sanhi ng pagsasanib. Kasama sa mga karaniwang alternatibong pamamaraan ang paghihinang solbente (ng termoplastiko) gamit ang mga kimikal upang matunaw ang mga materyales na pinagbuklod nang walang init, at mga prosesong estadong-solido ng paghihinang na nagbubuklod nang hindi natutunaw, tulad ng presyon, malamig na paghihinang, at dipusyong pagbibigkis.

Paghihinang gamit ang patpat sa itaas

Ang paghihinang ng metal ay naiiba sa mga kaparaanang sa pagbubuklod ng mas mababang temperatura tulad ng pagsoldado ng tanso at pagsoldado ng ibang metal, na hindi natutunaw ang baseng metal (magulang na metal) at sa halip, nangangailangan ng pag-agos ng pampunong metal upang patatagin ang kanilang mga dikit. Sa wikang Tagalog, tinatawag din na paghihinang ang pagsoldado.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang bakal na haligi ng Delhi, Indya

Mababakas ang kasaysayan ng pagkakabit ng mga metal sa ilang libong taon. Ang pinakaunang mga halimbawa nito ay nagmula sa Panahon ng Tanso at Bakal sa Europa at Gitnang Silangan. Sinaad ng sinaunang Griyegong mananalaysay na si Herodoto sa Historíai ng ika-5 dantaon BC na si Glauco ng Tsiyo "ay ang taong nag-iisang nag-imbento ng paghihinang sa bakal".[1] Ginamit ang paghihinang pinanday sa pagtatayo ng haliging Bakal ng Delhi, na itinayo sa Delhi, Indya noong mga 310 AD at tumitimbang ng 5.4 metriko tonelada.[2]

Nagdala ang Gitnang Panahon ng mga pag-unlad sa paghihinang pinanday kung saan binabayo ng mga panday ng paulit-ulit ang pinainit na metal hanggang sa naganap ang pagsasanib. Noong 1540, inilathala ni Vannoccio Biringuccio ang De la pirotechnia, na kinabibilangan ng mga paglalarawan ng operasyon ng pagpapanday.[3] Bihasa ang mga manggagawa ng Renasimiyento sa proseso, at patuloy ang industriya na lumago sa mga sumunod na dantaon.[3]

Mga isyu sa kaligtasan

baguhin

Maaaring mapanganib at hindi maganda sa kalusugan ang paghihinang kung hindi gagawin ang tamang pag-iingat. Gayunpaman, lubos na nakakabawas ang paggamit ng bagong teknolohiya at wastong proteksyon sa mga panganib ng pinsala at kamatayan na nauugnay sa paghihinang.[4]

Mga gastos

baguhin

Bilang isang prosesong pang-industriya, gumaganap ang halaga ng paghihinang ng isang mahalagang papel sa mga desisyon sa pagmamanupaktura. Maraming iba't ibang walang tiyak na halaga ang nakakaapekto sa kabuuang gastos, kabilang ang gastos sa kagamitan, gastos sa paggawa, gastos sa materyal, at gastos sa enerhiya.[5]

Mga kagamitan

baguhin

Suplete

baguhin

Ang suplete[6] (Kastila: soplete, Pranses: lampe à souder, Aleman: Lötlampe, Ingles: blow torch, blowtorch, blowlamp, flame gun, o flamegun) ay isang kagamitan sa paghihinang, na parang baril o sulo, na bumubuga ng apoy para tumunaw ng tanso o tingga. Kinakargahan ito ng mga likidong gasolina, katulad ng kerosina, butano (butane), o propano (propane).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Herodotus. The Histories. Trans. R. Waterfield. Oxford: Oxford University Press. Book One, 25. (sa Ingles)
  2. Cary & Helzer 2005 (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 Lincoln Electric, p. 1.1-1 (sa Ingles)
  4. ANSI/AWS Z49.1: "Safety in Welding, Cutting, and Allied Processes" (2005) (sa Ingles)
  5. Weman, pp. 184–89 (sa Ingles)
  6. Gaboy, Luciano L. Blowtorch - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.