Batumbakal

(Idinirekta mula sa Lode)

Ang batumbakal o batong-bakal (Ingles: lodestone, loadstone)[1] ay isang likas na mabalaning piraso ng mineral na magnetite. Ang mga ito ay likas na lumilitaw na mga batubalani na nakakaakit ng mga pirason ng bakal. Unang natuklasan ng sinaunang mga tao ang katangiang-ari ng magnetismo mula sa batumbakal.[2] Ang mga piraso ng batumbakal, na nakabitin upang makaikot ang mga ito, ay ang unang mga aguhon (kompas, kumpas) na magnetiko,[2][3][4][5] at ang kahalagahan nila sa sinaunang nabigasyon ay ipinapahiwatig ng kanilang pangalan sa Ingles na lodestone, na sa Panggitnang Ingles ay may kahulugang 'bato ng kurso' o 'batong nauuna'.[6] Ang batumbakal ay isa sa dadalawa lamang na mga mineral na natatagpuang likas na mabalani o magnetisado; ang isa pa ay ang pyrrhotite na mahina lamang ang pagiging mabalani.[7] Ang magnetite ay itim o itim na makayumanggi na mayroong kintab na metaliko, mayroong katigasan sa Mohs na 5.5-6.5 at maitim na bahid.

Isang batumbakal na nasa Bulwagan ng mga Hiyas (mahahalagang bato) ng Smithsonian.

Pinagmulan

baguhin

Ang proseso ng paglikha ng batumbakal ay isang matagal nang katanungan sa larangan ng heolohiya. Kakaunting dami lamang ng magnetite sa Daigdig ang natagpuang namagnetisado bilang batumbakal. Ang karaniwang magnetite ay naaakit sa isang hanay na mabalani katulad ng bakal at asero, subalit walang gawi na maging magnetisado ang sarili nito. Sa kamakailang mga pananaliksik[8] natagpuan na tanging isang kasamu't sarian lamang ng magnetite na mayroong isang partikular na kayariang kristalina, na kahaluan ng magnetite at ng maghemite, ang mayroong sapat na koersibidad (pagiging mapilit) upang manatiling magnetisado at nang sa gayon ay maging isang permanenteng magnet. Isang teoriya ang nagpapanukala na ang mga batumbakal ay namagnetisado ng malalakas na mga hanay na magnetiko (mga magnetic field) na nakapaligid sa mga kidlat.[8] Ito ay nasusuportahan ng pagmamasid na ang mga ito ay karamihang natatagpuan sa ibabaw ng Daigdig; at hindi nakabaon nang malalim.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. loadstone, balani, batong-bakal, batubalani, lingvozone.com
  2. 2.0 2.1 Du Trémolet de Lacheisserie, Étienne; Damien Gignoux, Michel Schlenker (2005). Magnetism: Fundamentals. Springer. pp. 3–6. ISBN 0-387-22967-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dill, J. Gregory (Pebrero 2003). "Lodestone and Needle: The rise of the magnetic compass". Ocean Navigator online. Navigator Publishing. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-10. Nakuha noong 2011-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Merrill, Ronald T.; Michael W. McElhinny, Phillip L. McFadden (1998). The Magnetic Field of the Earth. Academic Press. p. 3. ISBN 0-12-491246-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Needham, Joseph; Colin A. Ronan (1986). The Shorter Science and Civilization in China. UK: Cambridge Univ. Press. pp. 6, 18. ISBN 0-521-31560-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Lodestone". Mirriam-Webster online dictionary. Mirriam-Webster, Inc. 2009. Nakuha noong 2009-06-12.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Hurlbut, Cornelius Searle; W. Edwin Sharp, Edward Salisbury Dana (1998). Dana's minerals and how to study them. John Wiley and Sons. p. 96. ISBN 0-471-15677-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Wasilewski, Peter; Günther Kletetschka (1999). "Lodestone: Nature's only permanent magnet - What it is and how it gets charged" (PDF). Geophysical Research Letters. 26 (15): 2275–78. Bibcode:1999GeoRL..26.2275W. doi:10.1029/1999GL900496. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-10-03. Nakuha noong 2009-07-13.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)