Seramika

di-organiko at di-metal na solido na inihanda sa pagpapainit

Tumutukoy ang seramika sa iba't ibang materyales na matigas, mabasagin, di-tinatablan ng init, at di-tinatablan ng kaagnasan na ginawa sa paghuhubog, at pagkatapos, pagpapaputok ng inorganiko, di-metalikong materyal, tulad ng luwad, sa mataas na temperatura.[1][2] Kabilang sa mga karaniwang halimbawa nito ang porselana at laryo.

Mga seramika sa iba't ibang istilo

Ang mga pinakaunang seramika na ginawa ng mga tao ay mga pader na ladrilyo na ipinantayo ng mga bahay at iba pang mga istraktura, habang karaniwang pinaniniwalaan na nagsimula ang seramika sa pagpapalayok (mga paso, lalagyan o plorera) o sa mga piguring de-luwad sa ganang sarili nito o hinaluan ng mga ibang materyales tulad ng silika na pinatigas at sininterisa sa apoy. Nang maglaon, pinakintab at inihurno ang mga seramika upang makabuo ng mga makinis at de-kolor na rabaw na nakabawas sa porosidad sa paggamit ng malasalamin at walang-hugis na seramikang pahid sa ibabaw ng mga malakristal na susong seramika sa ibaba.[3] Kinabibilangan na ngayon ang seramika ng mga produktong pantahanan, pang-industriya, at panggusali, pati na rin mga napakaraming uri ng materyales na nilinang sa paggamit sa nakatataas na pag-iinhenyeriya ng seramika, tulad ng mga semikonduktor.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Heimann, Robert B. (16 Abril 2010). Classic and Advanced Ceramics: From Fundamentals to Applications, Preface [Mga Klasiko at Masulong na Seramika: Mula Saligan hanggang Mga Aplikasyon, Paunang Salita] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. ISBN 9783527630189. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2020. Nakuha noong 30 Oktubre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "ceramic" [seramika]. The Free Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-03. Nakuha noong 2020-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Carter, C. B.; Norton, M. G. (2007). Ceramic materials: Science and engineering [Seramikang materyales: Agham at inhenyeriya] (sa wikang Ingles). Springer. pp. 20, 21. ISBN 978-0-387-46271-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)