Lawa ng Taal

lawang tabang sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas

Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna). Ang aktibong Bulkang Taal na may kinalaman sa sulpurikong nilalaman ng lawa ay nasa isang pulo sa kalagitnaan ng lawa na tinatawag na Pulong Bulkan. Pulo ang tawag ng mga lokal sa nasabing pulo. Dagdag pa roon, mayroong lawa ng bunganga ng bulkan sa Pulong Bulkan na nasa loob ng Lawa ng Taal na nasa pulo naman ng Luzon. Ang lawa ng bunganga ng bulkan ay ang pinakamalaking lawa sa isang pulo sa buong mundo at ang mismong lawa ng bunganga ng bulkan ay naglalaman din ng sarili nitong maliit na pulo, ang Bahaging Vulcan.

Lawa ng Taal
Kuhang Satellite na nagpapakita ng Lawa ng Taal at ang pulo sa loob nito
Lokasyon Batangas
Koordinado 13°59′13″N 121°00′44″E / 13.98694°N 121.01222°E / 13.98694; 121.01222
Uri ng Lawa lawa ng bunganga ng bulkan
Pangunahing nilalabasan Ilog Pansipit
Mga bansang lunas Philippines
Painakamahaba 25 km (16 mi)
Pinakamaluwag 18 km (11 mi)
Lawak 234.2 km2 (90.4 mi kuw)
Haba ng dalampasigan1 115 km (71 mi)
Pagkakaangat ng ibabaw 5 m (16 tal)
Mga pulo Pulong Bulkan
Mga pamayanan Talisay, San Nicolas, lungsod ng Lipa, Laurel, Lungsod ng Tanauan, Santa Teresita, Mataas na Kahoy, Balete, Cuenca, Alitagtag, at Agoncillo
1 Ang haba ng dalampasigan ay isang hindi tukoy na pagsukat.
Lawa ng taal sa Batangas

Kasaysayan

baguhin
 
Pilipinasat Lawa ng Taal

Ang Lawa ng taal ay dating bahagi ng Look ng Balayan. Ngunit dahil sa mga serye ng mga pagputok noong ika-18 siglo, nasarado ang lawa mula sa dagat sa pagkabuo ng mga bagong tulay ng lupa. Ang kaisa-isahang ugnayan nito sa dagat ay napaliit sa nag-iisang paagusan ng tubig, ang Ilog Pansipit. Ilang mga siglo ng pag-ulan ang nagpa-iba ng dating maalat na tubig ng lawa at naging tubig-tabang.

Mga susunod na pagputok pa ang bumaon sa maraming mga bayan sa tabi ng lawa. Sa kasalukyan, tatlo lang ang mga bayan sa dalampasigan ng lawa. Ang mga naunang bayan sa tabi ng lawa kasama na ang mga gusali at pader ay naitalang makikita sa ilalim ng tubig ng lawa.

Ekolohiya

baguhin

Dahil ang lawa ay dating nakakabit sa dagat at ngayon ay hindi na, maraming mga endemikong uri ang nagbago at humango sa pagkawala ng asin sa lawa.

Ang pinakakilalang endemikong uri ay ang sobrang inaaaning mga tawilis, ang tanging sardinas na nabubuhay sa tubig-tabang sa mundo.

Ang Lawa ng Taal ay may humangong tubig-alat na mga trevally, Caranx ignobilis. Ang mga isdang ito ay mahahanap din sa Ilog Pansipit at karaniwang tinatawag na maliputo.

Ang lawa ay tirahan din sa isa sa mga pinakabihirang mahanap na ahas-dagat sa buong mundo, ang Hydrophis semperi. Ang uring ito ay ang isa sa dalawang "totoong" ahas-dagat na alam lang na naninirahan lang sa tubig-tabang.

Ang mga bull shark, Carcharhinus leucas ay dating bahagi ng dating iba't-ibang ekosistema. Ang mga ito ay pinatay ng mga lokal noong 1930s.

Pagpatay sa mga isda

baguhin

Noong 5 Enero 2008, sinabi ng Kawanihan ng mga Palaisdaan at mga Yamang-tubig (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR) na ang pagpatay sa mga isda sa Lawa ng taal (Enero 2 hanggang 4) ay nagdulot ng 50 metrong tono ng 3.25-milyong (US$1=PhP41) piso pagkawala ng tilapia sa mga pamayanan ng Leviste at Balakilong sa Laurel at sa Barangay Aya at Barangay Quiling sa Talisay. Mayroon ding 6,000 mga isdang maliputo (P 230,000) ang namatay sa Quiling. Nakalalasong asupre at mataas na antas ng hydrogen sulfide sa Ambulong habang mababang antas ng halong oksiheno sa tubig ang sanhi ng mga pagkamatay.[1]

Turismo

baguhin
 
Batangas at Lawa ng Taal.

Madalas na pagdayo ng lawa ang bukas sa mga turista. Matapos ng pagdayo ng lawa, umaakyat sila pabalik ng Pulong Bulkan sa kabayo. SA kanilang pag-akyat at pagbaba ng bundok ang mga manlalakbay ay binibiyayaan ng ganda ng lawa at ng mga lumiligid dito.

Isang alitan noong gitnang bahagi ng 2007 ang naganap nang ang isang Koreanong pag-mamay-aring Jung Ang Interventure ay binigyan ng pahintulot na magpatayo ng isang health spa sa Bulkang Taal sa gilid mismo ng lawa. Sa pagdating ng ilang mga linggo, ilang mga tagapangasiwang pamahalaan ay nagpakita ng kanilang pag-ayaw sa nasabing proyekto.[2][3]

Noong Hunyo 28, ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ay ipinatapon ang pahintulot ng Koreanong pagmamay-ari at hindi na maaaring magpatayo pa sa pulo hanggang tumanggap sila ng ilang kinakailangang mga pahintulot.[4] Dahil sa masamang reaksiyon ng masa sa panukalang gawain, ang pahintulot ng kompanyang koreano ay tuluyang pinawalang-bisa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman noong umpisa ng Hulyo, 2007.[5]

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Inquirer.net, Taal Lake fishkill causes P3-M losses". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-01-17. Nakuha noong 2010-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ramos, Marlon (2007-06-25). "Batangas, Tagaytay execs oppose Taal spa project". Breaking News: Regions (sa wikang Ingles). Inquirer.net. Nakuha noong 2007-07-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Torres, Tetch (2007-06-27). "Vilma Santos takes oath, says vs Taal spa". Eleksyon 2007 Special Coverage (sa wikang Ingles). Inquirer.net. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-06-04. Nakuha noong 2007-07-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Contreras, Volt (2007-06-30). "DENR gives Taal spa firm 1-week ultimatum". Headlines: Nation (sa wikang Ingles). Inquirer.net. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-06-04. Nakuha noong 2007-07-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "DENR voids Taal spa permit". National (sa wikang Ingles). ABS-CBN. 2007-07-08. Nakuha noong 2007-07-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]