Ang Look ng Balayan ay isang malaking look ng Pulo ng Luzon sa Pilipinas. Ito ay bahagi ng Verde Island Passage at ang buong baybayin nito ay nasa lalawigan ng Batangas. May lapad itong nasa 23 hanggang 28 kilometro (14 hanggang 17 milya). Ang Tangway ng Calatagan ang siyang naghibiwalay nito sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at taglay nito ang Tangos ng Santiago bilang pinakatimog na punto nito.[1] Ang Tangway ng Calumpan ay bumubuo sa silangang panig ng look, na naghihiwalay nito sa Look ng Batangas.

Look ng Balayan
Balayan Bay and Calatagan Peninsula (San Piro, Balayan, Batangas)(2018-07-29).jpg
Look ng Balayan at Calatagan Peninsula (San Piro, Balayan, Batangas)
LocationLuzon, Pilipinas
Mga koordinado13°50′N 120°47′E / 13.83°N 120.78°E / 13.83; 120.78Mga koordinado: 13°50′N 120°47′E / 13.83°N 120.78°E / 13.83; 120.78
Max. width28 km (17 mi)

Ang mga sumusunod na munisipalidad ay nakahanay sa look mula sa kanluran papuntang silangan: Calatagan, Balayan, Calaca, Lemery, Taal, San Luis, Bauan, at Mabini.

Look ng Balayan na tanaw mula sa Pantalan ng Anilao, bayan ng Mabini
Magnify-clip.png
Look ng Balayan na tanaw mula sa Pantalan ng Anilao, bayan ng Mabini

TalasanggunianBaguhin

  1. Hopkins, Daniel J., pat. (2007). Merriam-Webster's geographical dictionary (3rd ed., rev. ed., updated edisyon). Springfield, Mass.: Merriam-Webster. p. 105. ISBN 0877795460.

Mga panlabas na linkBaguhin

  •   May kaugnay na midya ang Balayan Bay sa Wikimedia Commons