Baryang limang-sentimo ng Pilipinas

Barya ng Pilipinas

Ang baryang limang sentimo (5¢) ng Pilipinas ay ang pangalawang pinakamababang denominasyon sa piso ng Pilipinas, pagkatapos ng isang-sentimo.

Limang sentimo
Pilipinas
Halaga0.05 piso ng Pilipinas
Timbang2.2 g
Diyametro16.00 mm
Kapal1.5 mm
GilidMala-tinubuan ng tambo
KomposisyonNikel na tinubog sa bakal
Taon ng paggawa1903–kasalukuyan
Obverse
DisenyoDenominasyon, pangalan ng bansa sa wikang Tagalog, taon, at inistilong hitsura ng watawat ng Pilipinas
Petsa ng pagkadisenyo2017
Reverse
DisenyoSagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at halamang kapal-kapal baging
Petsa ng pagkadisenyo2017

Kasaysayan

baguhin

Bago ang kalayaan

baguhin
 
5 sentimong baryang ginawa noong 1903―1928

Walang ginawang baryang may halagang 1/20 ng piso noong panahon ng Espanyol sa Pilipinas, at 10 sentimo ang pinakamababang denominasyon ng barya sa peso fuerte ng Pilipinas. Gayumpaman, ang baryang pilak na 5-sentimo ng Mehiko, ay tinanggap sa Pilipinas sa parehong halaga.

Noong taong 1903 ginawa ang unang limang sentimong barya noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas, na nanalo pagkatapos ng digmaang Espanyol-Amerikano. Magkatulad sa mga baryang kalahati- at isang-sentimong barya ang larawang ginamit dito.

Makikita sa harapan ang katututbo sa bulkan, na may denominasyon ng barya sa itaas ng palibot nito, ang nakasulat na 'Filipinas' sa ilalim nito. Makikita naman sa likuran ang eskudo de armas ng Estadops Unidos at may nakasulat na 'United States of America' at ang taong inisyu ang baryang ito sa palibot ng baryang ito. [1]

Natapos noong 1928 ang paggawa ng unang barya nito, na may mas maliit na bersyon nito na ginawa noong 1930 hanggang 1935.[2] Binago ang eskudo de armas nito noong taong 1937, at huling ginawa nito noong 1945.[3]

Kalayaan

baguhin

Noong taong 1958, itinuloy ang paggawa ng mga baryang sentimo na may panibago nitong eskudo de armas sa likuran. Pinalitan ng 'Central Bank of the Philippines' ang palibot ng likuran ng barya nito.

Itinampok sa wikang Tagalog sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1969. Makikita sa harapan si Melchora Aquino, isang Pilipinang rebolusyonarya na kilala bilang Tandang Sora dahil sa kaniyang edad at ang kaniyang mga ambag. Sa likuran nakasulat ang 'Republika ng Pilipinas' at ang taon ng pag-isyu sa palibot ng barya.

Ang baryang tampok si Melchora Aquino at may walong sulok na bulaklakin ang hugis ay ginawa noong taong 1975 hanggang 1983. Nilipat sa harapan ang pangalan ng Republika, at nakaharap na sa kaliwa si Aquino. Makikita sa likuran ang nakaukit na 'Ang Bagong Lipunan' at ang dati nitong sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Inisyu noong taong 1979 hanggang 1982 ang mayroong marka sa barya nito.

Kulay-pilak ang baryang inisyu noong taong 1983 hanggang 1993, na itinampok muli si Aquino, at ang denominasyon nito ay nilipat na sa likuran na may petsa sa harapan nito.

Seryeng BSP

baguhin

Inisyu noong 1995 hanggang 2017, gawa sa tansong tinubog sa bakal at walang tao sa baryang ito. Makikita sa harapan ang pangalan ng republika, ang denominasyon, at ang taon kung kailan ito ginawa. Makikita naman sa likuran ang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginawa noong taong 1993.

Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi

baguhin

Inisyu mula noong 2018, makikita sa harapan ang nakaistilong representasyon ng bandila ng Pilipinas: ang tatlong tala at ang araw; ang pangalan ng republika, denominasyon, at taon ng pag-isyu. Makikita naman sa likuran ang bulaklak na Kapal-kapal Baging (Hoya pubicalyx) at ang kasalukuyang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Seryeng Ingles
(1958–1967)
Seryeng Pilipino
(1969–1974)
Seryeng Ang Bagong Lipunan
(1975–1983)
Seryeng Flora at Fauna
(1983–1994)
Seryeng BSP
(1995–2017)
Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi (2018–kasalukuyan)
Harapan
 
 
 
 
 
 
Likuran
 
 
 
 
 
 

Mga sanggunian

baguhin