Pagdating sa Leyte


Ang Leyte Landing ay mga bantayog na itinayo na nagpapakita ng pagdating ni Hen. Douglas MacArthur sa Leyte noong Oktubre 20, 1944

Pagdating ni MacArthur

baguhin

Bago umalis si Hen. Douglas MacArthur patungong Australia mula sa Corregidor sa utos ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Estados Unidos noong 1942, sinabi niyang "I shall return." ("Ako'y magbabalik."). Tinupad niya ang kanyang pangako nang dumating siya kasama ang isang armada na kinabibilangan ng 700 na barko na may sakay na 174,000 na sundalong Amerikano sa Red Beach, Palo, Leyte bago sumapit ang hatinggabi noong Oktubre 20,1944. Kasama niya sina Sergio Osmena, Basilio J. Valdes at Carlos P. Romulo. Lulan ng landing barge mula sa Nashville, sinundo ni MacArthur sina Osmena at Romulo sa John Land. Huminto ang landing barge nga 50 yarda ang layo mula sa pampang. Mula doon ay lumusong na sila sa tubig paahon sa dalampasigan.

Estatuwa

baguhin

Ang bantayog ni MacArthur at mga kasamahan na kinabibilangan nina Pangulong Sergio Osmena, Heneral Basilio J. Valdes, Brig. Heneral Carlos P. Romulo at Hen. Richard K. Sutherland ay itinayo sa lugar kung saan siya umahon. Ito ay naging bantog at naging pang-akit sa mga turista.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.