Franklin D. Roosevelt
Si Franklin Delano Roosevelt (Enero 30, 1882 - Abril 12, 1945), na nakikilala rin bilang FDR, ay ang ika-32 pangulo ng Estados Unidos[2] mula 1933 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1945. Pinamunuan niya ang bansa habang nagaganap ang Dakilang Depresyon at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[2] Naglingkod siya bilang Pangulo ng Estados Unidos na higit na matagal kaysa sa iba pang mga pangulo.[2] Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, ipinatupad ang ika-22 Susog sa Saligang Batas ng Estados Unidos na nagbigay ng limitasyon sa kung gaano katagal maaaring maging pangulo ang isang tao. Bago naging pangulo, siya ay naging Gobernador ng New York mula 1929 hanggang 1932, Katulong na Sekretaryo ng Hukbong Dagat (Assistant Secretary of the Navy) mula 1913 hanggang 1920, at isang senador ng estado ng New York.
Franklin D. Roosevelt | |
---|---|
Kapanganakan | 30 Enero 1882[1]
|
Kamatayan | 12 Abril 1945[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | estadista |
Opisina | Q11696 |
Asawa | Eleanor Roosevelt (17 Marso 1903–12 Abril 1945) |
Pirma | |
Mag-anak
baguhinAng kaniyang amang si James Roosevelt, at ang kaniyang inang si Sara Roosevelt ay kapwa mula sa mga pamilyang mayayaman na matagal nang naninirahan sa New York, na si James ay may mga ninunong Olandes (Dutch) at si Sara ay may mga ninunong Pranses.[3] Si Franklin ang kanilang nag-iisang anak. Ang kaniyang lola sa ama na si Mary Rebecca Aspinwall ay ang pinsang buo ni Elizabeth Monroe, asawa ni James Monroe na ika-5 pangulo ng Estados Unidos.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb119835923; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
- ↑ Black, Conrad. Franklin Delano Roosevelt: Champion of Freedom, 2003, ISBN 978-1-58648-282-4 : detalyong talambuhay na may interpretasyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Politika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.