Baryang dalawampu't limang-sentimo ng Pilipinas

barya ng Pilipinas

Ang baryang dalawampu't limang sentimo (25¢) ay ang pangatlo sa pinakamababang denominasyon sa piso ng Pilipinas.

Dalawampu't limang sentimo
Pilipinas
Halaga0.25 piso ng Pilipinas
Timbang3.6 g
Diyametro20.00 mm
Kapal1.67 mm
GilidMakinis
KomposisyonNikel na tinubog sa bakal
Taon ng paggawa1958–kasalukuyan
Obverse
DisenyoDenominasyon, pangalan ng bansa sa wikang Tagalog, taon, at inistilong hitsura ng watawat ng Pilipinas
Petsa ng pagkadisenyo2017
Reverse
DisenyoSagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Petsa ng pagkadisenyo2017

Noong panahon ng Espanyol, inisyu ng Espanya at Amerikanong Espanyol sa Pilipinas sa halagang 25 sentimos ang mga baryang nagkakahalaga ng ¼ dolyar ng Espanya (piso) o dalawang reales. Dahil sa paglunsad ng baryang 20 sentimos, itinigil ang paggawa ng 25 sentimong barya hanggang matapos ang mga panahon ng Espanyol at Amerikano sa Pilipinas.

Nilunsad noong 1958 ang unang barya ng malayang Pilipinas na nagkakahalaga ng sangkapat ng piso o dalawampu't limang sentimos. Ang harapan nito ay nakatayong lakambini malapit sa isang bulkan. Nakasulat noon sa wikang Ingles ang denominasyon sa itaas na bahagi, samantala nakalagay sa ibabang bahagi ang taon kung kailan ito ginawa. Makikita sa likuran ang sagisag ng Pilipinas at ang salitang 'Central Bank of the Philippines' sa palibot nito. Noong 1966 huling ginawa ang ganoong barya.[1]

Kasaysayan

baguhin

Kalayaan

baguhin

Itinuloy noong 1958 ang paggawa ng baryang sentimo na may panibagong eskudo de armas sa likuran. Pinalitan ng 'Central Bank of the Philippines' ang palibot ng likuran ng barya nito.

Itinampok sa wikang Tagalog sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1969. Makikita sa harapan si Juan Luna, ang Pilipinong tagapinta, iskultor, at aktibistang politikal ng himagsikang Pilipino noong huling bahagi ng ika-19 siglo. Sa likuran nakasulat ang 'Republika ng Pilipinas' at ang taon ng pag-isyu sa palibot ng barya.

Ang pangalawang barya na may mukha ni Luna ay inisyu noong 1975 hanggang 1983. Nilipat sa harapan ang pangalan ng Republika, at nakaharap na sa kaliwa si Luna. Makikita sa likuran ang nakaukit na 'Ang Bagong Lipunan' at ang dati nitong sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Inisyu noong taong 1979 hanggang 1982 ang mayroong marka sa barya nito.

Kulay-dilaw ang baryang inisyu noong taong 1983 hanggang 1993, na itinampok muli si Luna, at ang denominasyon nito ay nilipat na sa likuran na may petsa sa harapan nito. Makikita rin sa likuran ang Graphium idaeoides.

Seryeng BSP

baguhin

Inisyu noong 1995 hanggang 2003 ang gawa sa tansong dilaw, at noong 2004 hanggang 2017 ang gawa sa tansong dilaw na tinubog sa bakal at walang tao sa baryang ito. Makikita sa harapan ang pangalan ng republika, ang denominasyon, at ang taon kung kailan ito ginawa. Makikita naman sa likuran ang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginawa noong taong 1993.

Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi

baguhin

Inisyu mula noong 2018, makikita sa harapan ang nakaistilong representasyon ng bandila ng Pilipinas: ang tatlong tala at ang araw; ang pangalan ng republika, denominasyon, at taon ng pag-isyu. Makikita naman sa likuran ang halamang katmon (Dillenia philippinensis) at ang kasalukuyang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Seryeng Ingles
(1958–1967)
Seryeng Pilipino
(1969–1974)
Seryeng Ang Bagong Lipunan Series
(1975–1983)
Seryeng Flora at Fauna
(1983–1990, 1991–1994)
Seryeng BSP
(1995–2017)
Seryeng Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi
(2018–kasalukuyan)
Harapan
 
 
 
 
 
 
 
Likuran
 
 
 
 
 
 
 
Taon Gawa Timbang
(gramo)
1958–1967 Nikel-tansong dilaw 4.8
1967–1975 Nikel-tansong dilaw 4.0
1975–1983 Tanso-nikel 4.0
1983–1991 Tansong dilaw 4.0
1991–1994 Tansong dilaw 2.0
1995–2004 Tansong dilaw 3.8
2004–2018 Tansong dilaw na tinubog sa bakal 3.6
2018–kasalukuyan Nikel na tinubog sa bakal 3.6

Mga sanggunian

baguhin