Henosidyong Armenyo

Ang Henosidyong Armenyo[note 4] na kilala rin bilang ang Holokaustong Armenyo,[10] ay ang sistematikong paglipol ng gobyernong Otomano ng 700,000 hanggang 1.5 milyong Armenyo,[note 2] karamihang mga mamamayan ng Imperyong Otomano, mula, humigit-kumulang, 1914 hanggang 1923.[11][12] Karaniwang pinepetsahan ang panimula sa ika-24 ng Abril 1915, ang araw na ang mga awtoridad ng Ottoman ay nagpalikom, nag-aresto, at nagdeporta mula sa Konstantinopla (Istanbul ngayon) sa rehiyon ng Angora (Ankara), mga 235 hanggang 270 Armenyong intelektwal at pinuno ng komunidad. Karamihan dito ay pinatay sa huli.

Henosidyong Armenyo
Bahagi ng mga huling henosidyong Otomano[1][2]
Mga Armenyong sibilyan, inihatid ng mga sundalong Ottomano, nagmartsa mula Harput (Kharpert) hanggang isang bilangguan sa malapit na Mezireh (Elâzığ sa kasalukuyan), Abril 1915
Lokasyon
Petsa1914–1923[note 1]
TargetPopulasyong Armenyo
Uri ng paglusobDeportasyon, henosidyo, pangmaramihang pagpatay, kagutuman
Namatayc. 1.5 milyon (pinagtatalunan)[note 2]
UmatakeImperyong Otomano (Komite ng Unyon at Pag-unlad)
MotiboMga damdaming Anti-armenyo,[9] Turkipikasyon

Isinagawanag henisodyo noong at pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig at ipinatupad sa dalawang yugto—ang pakyawang pagpatay sa kalalakihang di-baldado sa pamamagitan ng masaker at pagsupil ng mga konskrip ng hukbo sa sapilitang trabaho, kasunod ng pagpapalayas ng kababaihan, kabataan, matatanda, at ang mga may-sakit sa mga martsa ng kamatayan na humantong sa Disyerto ng Sirya. Ipinatuloy ng mga konsorte ng militar, binawian ang mga deportado ng pagkain at tubig at sumailalim sa panaka-nakang pagnanakaw, panggagahasa, at pagpapatay.[13] Naging isang direktang resulta ng henosidyo ang karamihan sa mga pamayanang diaspora ng Armenya sa buong mundo.[14]

Pinalipol rin ang iba pang mga pangkat etniko sa henisodyong Asiryano at ang henosidyong Griyego, at itinuturing ang pagtrato sa kanila ng ilang mga mananalaysay na bahagi ng parehong patakarang henosidyo.[1][2]

Pukaw na pukaw si Raphael Lemkin sa pagkalipol ng mga Armenyo na binigyan niya ng kahulugan ang sistematikong at planadong paglipol sa loob ng mga ligal na parametro at naglikha ng salitang genocide (henosidyo) noong 1943.[15] Kilala ang Henosidyong Armenyo bilang isa sa mga unang modernong henosidyo,[16][17][18] dahil itinuturo ng mga iskolar ang organisadong paraan sa pagsasagawa ng pagpatay. Ito ang pangalawang pinakapinag-aralan na kaso ng pagpatay ng tao pagkatapos ng Holokawsto.[19]

Itinatanggi ng Turkey na angkop na termino ang salitang henosidyo para sa mga krimeng ito ngunit sa mga nakaraang taon pinipilit sila upang aminin na ganyan siya.[20] Magmula noong 2019 itinuring ng mga gobyerno at parlamento ng 32 mga bansa, kabilang ang Brasil, Canada, Pransya, Alemanya, Italya at Rusya, pati na rin ang Estados Unidos, ang mga kaganapan bilang henosidyo.

Terminolohiya

baguhin

Naganap ang Henosidyong Armenyo bago nalikha ang terminong genocide o henosidyo. Kabilang sa mga salita at parirala sa wikang Ingles na ginamit ng mga kontemporaryong salaysay upang ilarawan ang kaganapan ang "massacres" (mga masaker), "atrocities" (kabangisan), "annihilation" (pagkalipol), "holocaust" (holokawsto), "the murder of a nation" (ang pagpatay ng isang nasyon), "race extermination" (pagpapalipol sa lahi) at "a crime against humanity" (isang krimen laban sa sangkatauhan).[21] Naglikha si Raphael Lemkin ng salitang "genocide" (henosidyo) noong 1943 na nasa isip ang kapalaran ng mga Armenyo; kalaunang ipinaliwanag niya na: "Nangyari ito nang maraming beses ... Nangyari ito sa mga Armenyo, at pagkatapos ng mga Armenyo kumilos si Hitler."[22]

Gumamit ang mga nakaligtas sa henosidyo ng iilang mga terminong Armenyo upang pangalanan ang kaganapan. Isinulat ni Mouradian na ang Yeghern (Krimen/Kalamidad), o mga baryante tulad ng Medz Yeghern (Malubhang Krimen) at Abrilian Yeghern (ang Krimen ng Abril) ay ang mga salitang pinakamadalas na ginagamit.[23] Ang pangalang Aghed, na karaniwang isinasalinwika bilang "Kalamidad", ay, ayon kay Beledian, ang salitang pinakamadalas na ginagamit sa panitikang Armenyo upang pangalanan ang kaganapan.[24][25] Matapos ang paglikha ng salitang henosidyo, ang langkaping salitang Armenocide (Armenosidyo) ay ginamit din bilang pangalan para sa Henosidyong Armenyo.[26]

Madalas na nakalakip sa mga gawa na sadyang nagtatatwa sa Henosidyong Armenyo ang mga deskriptibong salita laban sa terminong henosidyo, tulad ng "daw", "sinasabing", o "pinagtatalunang", o nailalarawan ito bilang "kontrobersya", o balewalain ito bilang "alegasyon ng mga Armenyo","pahayag ng mga Armenyo",[27] o" kasinungalingan ng mga Armenyo", o gumamit ng mga pahiman upang maiwasan ang salitang henosidyo, tulad ng pagtawag nito bilang "magkabi-kabilang trahedya", o "ang mga kaganapan ng 1915".[28] Inilarawan ang paggamit ni Barack Obama, dating Pangulo ng Amerika, ng terminong Medz Yeghern kapag tinutukoy ang Henosidyong Armenyo "upang maiwasan ang salitang henosidyo".[29]

Nagsagawa ang mga ilang pandaigdigang organisasyon ng mga pag-aaarl ng mga kalupitan, at bawat isa'y nagpasya na angkop ang salitang "henosidyo" sa paglalawaran ng "Otomanong masaker ng mga Armenyo noong 1915–16".[30] Kabilang sa mga organisasyong nagpapatibay sa konklusyong ito ang Pandaigdigang Lunduyan para sa Katarungang Transisyonal,[30] the Pandaigdigang Samahan ng mga Isklor ng Henosidyo,[31] at ang Sub-Komisyon sa Pag-iwas sa Diskriminasyon and Proteksyon ng mga Minoridad ng mga Nagkakaisang Bansa.[32]

Noong 2005, ipinatibay ng Pandaigdigang Samahan ng mga Isklor ng Henosidyo o IAGS na inilantad ng mga kabatirang ebidensya na "Nagpasimula ang goberyno ng Batang Turko ng Imperyong Otomano ng sistematikong henosidyo ng kanyang mamamayang Armenyo – isang Kristiyanong minoridad na walang armas. Higit sa isang milyon ang nalipol sa direktang pagpatay, pagpapakagutom, pagpapahirap, at sapilitang martsa ng kamatayan."[33] Ikinonenda rin ng IAGS ang mga Turkong pagtatangka na tanggihan ang makatotohanang at moral na realidad ng Henosidyong Armenyo. Noong 2007, nagsagawa ang Elie Wiesel Foundation for Humanity ng sulat[34] na nilagda ng 53 nagwagi ng gantimpalang Nobel na muling nagpatibay sa konklusyon ng mga Isklor ng Henosidyo na naibilang na henosidyo.[35][36]

Audio recording ng Seksyon 3 ng Martyred Armenia ("Armenyang Pinaslang"), ni Fa'iz El-Ghusein

Iminungkahi ni Bat Ye'or na "ang naging henosidyo ng mga Armenyo ay jihad".[37] Matibay na pinaniniwalaan ni Ye'or na jihad at ang tinatawag niyang "dhimmitude" ang dalawa sa mga "prinsipyo at pinahahalagahan" na humantong sa Henosidyong Armenyo.[38] Hinamon ang perspektibong ito ni Fà'iz el-Ghusein, isang Bedouinong Arabeng saksi ng pag-uusig ng mga Armenyo; nilayon ng kanyang 1918 akda na "tumanggi patiuna ang mga imbento at paninirang-puri laban sa Pananampalatayang Islam at Muslim sa pangkalahatan ... Ang mga dinaranas ng mga Armenyo ay iiugnay dapat sa Komite ng Unyon at Progreso ... Nangyari ito dahil sa kanilang nasyonalistang panatisismo at ang kanilang paninibugho sa mga Armenyo, at mga ito lamang; walang sala ang Pananampalatayang Islam sa kanilang mga gawain.".[39]:49 Isinulat ni Arnold J. Toynbee na "pinagana ng mga Batang Turko ang Pan-Islamismo and Nasyonalismong Turko nang magkasama para sa kanilang layunin, ngunit ipinakita ng kinalabasan ng kanilang patakaran na umatras nang umatras ang Islamikong bahagi at lumaganap nang lumaganap ang Nasyonalismo".[40] Iniulat ni Toynbee at ng mga iba pang sanggunian na marami ang mga nakaligtas na Armenyo mula sa kamatayan sa pagkakasal sa mga Turkong pamilya o sa pagkumberte sa Islam. Nag-alala na ituturing ng mga taga-Kanluran ang "pagkalipol ng mga Armenyo" bilang "isang maitim na mantsa sa kasaysayan ng Islam na hindi mabubura ng kapanahunan", inobserba rin ni El-Ghusein na ipinatay ang maraming Armenyong kumbertido.[39]:39 Sa isang halimbawa, noong humiling ng isang Islamikong lider na patawarin ang mga Armenyong kumbertido sa Islam, sinipi ni El-Ghusein ang isang opisyal ng pamahalaan na tumugon na "walang relihiyon ang pulitika", bago niyang ihatid ang mga kumbertido sa kanilang kamatayan.[39]:49

Sanligan

baguhin

Mga Armenyo sa ilalim ng pamamahalang Turko

baguhin

Ang kanlurang bahagi ng makasaysayang Armenya, kilala bilang Kanlurang Armenia, ay nasakop ng mga Otomano sa pamamagitan ng Kapayapaan ng Amasya (1555) at permanenteng hiniwalay mula sa Silangang Armenia sa pamamagitan ng Kasunduan ng Zuhab (1639).[41][42] Pagkatapos noon, Armenyang "Turko" o Armenyang "Otomano" ang pagtukoy sa rehiyon.[43] Pinagsama-sama ang karamihan ng mga Armenyo sa isang halos nagsasariling komunidad, ang Armenyong millet, na pinamunuan ng isa sa mga espirituwal na pinuno ng Simbahang Apostolikong Armenyo, ang Armenyong Patriyarka ng Konstantinopla. Natipon ang karamihan ng mga Armenyo sa mga Silangang lalawigan ng Imperyong Otomano, ngunit nagkaroong ng mga malalaking komunidad sa mga kanlurang lalawigan, tulad ng kabisera, Konstantinopla.

Mga tala

baguhin
  1. Kadalasang nauugnay ang Henosidyong Armenyo sa 1915, ang taon kung kailan naganap ang karamihan ng mga kalupitan.[kailangan ng sanggunian] Umiiba-iba ang panahong itinagal ayon sa sanggunian: 1915–1916, 1915–1917, 1915–1918, 1915–1923, 1894–1915, 1894–1923[kailangan ng sanggunian]
  2. 2.0 2.1 1.5 milyon ang pinakainilathalang bilang,[3] subalit iba-iba ang mga kalkulasyon mula 700,000[4] hanggang 1,800,000[5][6][7]:98[8]
  3. Հայոց ցեղասպանութիւն sa klasikong ortograpiyang Armenyo
  4. Armenyo: Հայոց ցեղասպանություն,[note 3] Hayots tseghaspanutyun; Turko: Ermeni Soykırımı/Ermeni Kırımı; Pranses: Génocide arménien

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Schaller, Dominik J; Zimmerer, Jürgen (2008). "Late Ottoman genocides: the dissolution of the Ottoman Empire and Young Turkish population and extermination policies – introduction". Journal of Genocide Research. 10 (1): 7–14. doi:10.1080/14623520801950820.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Jones, Adam (2010). Genocide: A Comprehensive Introduction. Taylor & Francis. pp. 171–72. ISBN 978-0-203-84696-4. A resolution was placed before the IAGS membership to recognize the Greek and Assyrian/Chaldean components of the Ottoman genocide against Christians, alongside the Armenian strand of the genocide (which the IAGS has already formally acknowledged). The result, passed emphatically in December 2007 despite not inconsiderable opposition, was a resolution which I co-drafted, reading as follows: ...{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Halimbawa: * Derderian, K. (1 Marso 2005). "Common Fate, Different Experience: Gender-Specific Aspects of the Armenian Genocide, 1915–1917". Holocaust and Genocide Studies (sa wikang Ingles). 19 (1): 1–25. doi:10.1093/hgs/dci001. ISSN 8756-6583. the figure of 1.5 million people is generally accepted as a reasonable estimate{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) * "Tsitsernakaberd Memorial Complex". Armenian Genocide Museum-Institute. Nakuha noong 17 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) * Kifner, John (7 Disyembre 2007). "Armenian Genocide of 1915: An Overview". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Michael J., Kelly (2002). "Can Sovereigns Be Brought to Justice? The Crime of Genocide's Evolution and the Meaning of the Milosevic Trial". St. John's Law Review. 76 (2): 267. SSRN 920900.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Göçek, Fatma Müge (2015). Denial of violence : Ottoman past, Turkish present and collective violence against the Armenians, 1789–2009. Oxford University Press. p. 1. ISBN 978-0-19-933420-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Auron, Yair (2000). The banality of indifference: Zionism & the Armenian genocide. Transaction. p. 44. ISBN 978-0-7658-0881-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Forsythe, David P. (11 Agosto 2009). Encyclopedia of human rights (Google Books). Bol. 1. Oxford University Press. p. 98. ISBN 978-0-19-533402-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Chalk, Frank Robert; Jonassohn, Kurt (10 Setyembre 1990). The history and sociology of genocide: analyses and case studies. Institut montréalais des études sur le génocide. Yale University Press. pp. 270–. ISBN 978-0-300-04446-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Hovannisian, Richard G. (1998). "Modern Turkish Identity and the Armenian Genocide: From Prejudice to Racist Nationalism". Remembrance and Denial: The Case of the Armenian Genocide (sa wikang Ingles). Wayne State University Press. pp. 23–50. ISBN 081432777X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Fisk, Robert (14 Oktubre 2006). "Let me denounce genocide from the dock". The Independent. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Enero 2014. Nakuha noong 31 Agosto 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "8 facts about the Armenian genocide 100 years ago". CNN.com. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "100 Years Ago, 1.5 Million Armenians Were Systematically Killed. Today, It's Still Not A 'Genocide'". The Huffington Post. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Kieser, Hans-Lukas; Schaller, Dominik J. (2002), Der Völkermord an den Armeniern und die Shoah [The Armenian genocide and the Shoah] (sa wikang Aleman), Chronos, p. 114, ISBN 3-0340-0561-X{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)Walker, Christopher J. (1980), Armenia: The Survival of A Nation, London: Croom Helm, pp. 200–03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)Bryce, Viscount James; Toynbee, Arnold (2000), Sarafian, Ara (pat.), The Treatment of Armenians in the Ottoman Empire, 1915–1916: Documents Presented to Viscount Grey of Falloden (ika-uncensored (na) edisyon), Princeton, NJ: Gomidas, pp. 635–649, ISBN 0-9535191-5-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "The Many Armenian Diasporas, Then and Now". GeoCurrents. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Totally Unofficial: The Autobiography of Raphael Lemkin. New Haven and London: Yale University Press. 2013. pp. 19–20. ISBN 9780300186963.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)The Armenian Genocide (1915–16): Overview, United States Holocaust Memorial Museum
  16. "Council of Europe Parliamentary Assembly Resolution". Armenian National Institute. Nakuha noong 17 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Ferguson, Niall (2006). The War of the World: Twentieth-Century Conflict and the Descent of the West. New York: Penguin Press. p. 177. ISBN 1-59420-100-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "A Letter from The International Association of Genocide Scholars" (PDF). Genocide Watch. 13 Hunyo 2005. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 11 Oktubre 2017. Nakuha noong 11 Pebrero 2020. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Rummel, RJ (1 Abril 1998). "The Holocaust in Comparative and Historical Perspective". IDEA – A Journal of Social Issues. 3 (2). ISSN 1523-1712.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "For Turkey, denying an Armenian genocide is a question of identity". america.aljazeera.com. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. The Armenian genocide : history, politics, ethics. Hovannisian, Richard G. New York: St. Martin's Press. 1992. p. xvi. ISBN 0312048475. OCLC 23768090.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: others (link)
  22. Stanley, Alessandra (17 Abril 2006). "A PBS Documentary Makes Its Case for the Armenian Genocide, With or Without a Debate". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Mouradian, Khatchig (23 Setyembre 2006). "Explaining the Unexplainable: The Terminology Employed by the Armenian Media when Referring to 1915". The Armenian Weekly. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Pebrero 2018. Nakuha noong 11 Pebrero 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Beledian, Krikor (1995). "L'expérience de la catastrophe dans la littérature arménienne". Revue d'histoire arménienne contemporaine (1): 131.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Hovanessian, Martine (2006). "Exil et catastrophe arménienne: le difficile travail de deuil". Sa Berthomière, William; Chivallon, Christine (mga pat.). Les diasporas dans le monde contemporain. Paris: Karthala-MSHA. p. 231.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Hovhannissian, Nikolay (2005). Le génocide arménien. Yerevan: Zangak-97. p. 5. ISBN 9993023299.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Erdoğan tells Germany to look at own 'genocide' history". Yeni Şafak. 6 Hunyo 2016. Armenian claims of 'genocide' during the 1915 events ... Turkey denies the alleged Armenian 'genocide'{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "History group head slams 'outlandish' German resolution". Anadolu Agency. 7 Hunyo 2016. Nakuha noong 17 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Erbal, Ayda (2012). "Mea Culpas, Negotiations, Apologias: Revisiting the 'Apology' of Turkish Intellectuals". Sa Schwelling, Birgit (pat.). Reconciliation, Civil Society, and the Politics of Memory: Transnational Initiatives in the 20th Century. Bielefeld: Transcript Verlag. p. 88. Seemingly unaware that any term used to refer to a historical crime of this nature is necessarily always already 'politicized', when used in this context, just as when President Obama used the same term as a means of avoiding the word 'genocide', Medz Yeghern ceases to be a private term of communal mourning for Armenians, it becomes something else: a political instrument in the hands of others.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 "Turkey Recalls Envoys Over Armenian Genocide". International Center for Transitional Justice. 8 Mayo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Bartrop, Paul R.; Leonard Jacobs, Steven (2014). Modern Genocide: The Definitive Resource and Document Collection. p. 170. ISBN 978-1610693646.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Dadrian, Vahakn N. (2004). "The Armenian Genocide: an interpretation". Sa Winter, Jay (pat.). America and the Armenian Genocide of 1915. Cambridge University Press. pp. 52–53. ISBN 9781139450188. This is the report of the British expert, Benjamin Whitaker, who was tasked by the Sub-Commission to research the problem and come up with his evaluation. After eight years of research, Whitaker concluded that the First World War Armenian experience was a case of genocide within the terms of the meaning of the UN Convention on the Prevention and Punishment of the Crime of Genocide. Whitaker saw fit, however, to describe it as a war-conditioned 'aberration'.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. International Association of Genocide Scholars (13 Hunyo 2005). "Letter to Prime Minister Erdogan". Genocide Watch. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Nobel Laureates call for tolerance, contact and cooperation between Turks and Armenians" (PDF). Elie Wiesel Foundation. 9 Abril 2007. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Hulyo 2007. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Danielyan, Emil (10 Abril 2007). "Nobel Laureates Call For Armenian-Turkish Reconciliation". Radio Free Europe/Radio Liberty. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Phillips, David L. (9 Abril 2007). "Nobel Laureates Call For Turkish-Armenian Reconciliation" (PDF). The Elie Wiesel Foundation for Humanity. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Bostom, Andrew G. (26 Agosto 2007). "Congress Must Recognize the Armenian Genocide". American Thinker. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2007.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unfit URL (link)
  38. Ye'or, Bat (2002). Islam and Dhimmitude. Madison, New Jersey: Fairleigh Dickinson University Press. p. 374.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. 39.0 39.1 39.2 El-Ghusein, Fà'iz (1918). Martyred Armenia . ISBN 0-87899-003-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Toynbee, Arnold Joseph (1917). Turkey: a Past and a Future. pp. 22–23.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Herzig, Edmund; Kurkchiyan, Marina (2004). The Armenians: Past and Present in the Making of National Identity. Routledge. p. 47. ISBN 978-1-135-79837-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Khachaturian, Lisa (2011). Cultivating Nationhood in Imperial Russia: The Periodical Press and the Formation of a Modern Armenian Identity. Transaction Publishers. p. 1. ISBN 978-1-4128-1372-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Adalian, Rouben Paul (2010). Historical Dictionary of Armenia (ika-2nd (na) edisyon). Scarecrow Press. p. 337. ISBN 978-0-8108-7450-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)