Gutom

(Idinirekta mula sa Kagutuman)

Ang gutom, kagutuman, o pagkagutom, na kilala rin bilang istarbasyon, gawat, tagbisi, kauplakan, pasal, pagkalam ng sikmura dahil sa gutom, ay ang paglalarawan ng kalagayang panlipunan ng mga tao o mga organismo na palaging nakakaranas, o namumuhay na may panganib na makaranas ng damdaming pangkatawan na pagnanais ng pagkain. Sa makapanitikang diwa, katumbas ito ng paghahangad, pagnanais, o pananabik sa ibang bagay.[1] Bagaman tinatawag din itong istarbasyon, mas tiyak na tumutukoy ang istarbasyon sa katayuan ng tao o hayop na hindi kumakain ng pagkain sa loob ng isang panahon kung kaya't hindi sila nakakagawa ng mga bagay sa normal na paraan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Hunger - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.