Wikang Armenyo
Ang wikang Armenyo (Հայոց լեզու; Romanisasyon: Hayots’ lezu) ay isang wikang Indo-Europeo na kabilang sa isang malayang sangay kung saan ito'y natatanging kasapi. Ito ang opisyal na wika ng Armenya. Makasaysayang sinalita sa kabundukang Armenyo, malawak na sinasalita ang wika sa diasporang Armenyo. Ang sistema ng pagsusulat nito ay ang alpabetong Armenyo na ipinakilala noong 405 ni paring Mesrop Mashtots. Tinatayang higit 5 hanggang 7 milyong tao ang nagsasalita ng Armenyo.
Kasaysayan
baguhinKlasipikasyon at pinagmulan
baguhinAng Armenyo ay independiyenteng sangay ng mga wikang Indo-Europeo. Nagkaiinteres ang mga lingguwista sa itong wika dahil sa kakaibang mga pagbabagong pantunog sa loob ng itong pamilya. Pansamantalang ipinalalagay ng ilang mga lingguwista na ang Armenyo, Griyego (at Prihiyo) at Indo-Iraniyo ay medyo tulad.
Nagkakaroon ang wikang Armenyo ng isang matagal na kasaysayang pampanitikan, at ang unang teksto na nananatili ay isang pagsasalin ng Bibliya mula sa ika-5 na siglo.
Mga unang kontakto
baguhinEbolusyon
baguhinAng Klasikong Armenyo (Armenyo: գրաբար, romanisado: grabar), na ipinakita mula sa ika-5 hanggang sa ika-19 na siglo bilang ulirang pampanitikan (at, hanggang sa ika-11 na siglo, isang wikang nagsalita na may mga diyalekto) ay parsyal na pinalitan ng Gitnang Armenyo, na ipinakita mula sa ika-12 hanggang sa ika-18 na siglo. Minamabuti ng panitikang espesyalista ang "Lumang Armenyo" para sa buong grabar, at "Klasikong Armenyo" para sa wika na ginamit sa panitikan ng ika-5 na siglo, "Post-Grabar" mula sa ika-5 hanggang sa ika-8 na siglo, at "Huling Grabar" para sa panahon ng ika-8–11 na mga siglo. Mamaya, ang grabar ay pangunahing ginamit sa panitikang relihiyoso at espesyalista, maliban sa isang pagbuhay habang maagang modernong panahon, kapag ginawa ang mga pagsubok para magtatag niya bilang wika ng isang renasimiyentong pampanitikan, na may mga inklinasyong neoklasikal, sa pamamagitan ng paglikha at pagpapakalat ng panitikan sa iba't ibang genre, lalo na ng mga Mekhitarista. Ang unang Armenyong pahayagan, Azdarar, ay inilathala sa grabar sa 1794.
Humiram ang klasikong porma ng napakaraming salita mula sa mga wikang Gitnang Indo-Iraniyo, lalo na wikang Parto, at naglalaman ng mga mas maliit na imbentaryo ng mga hiram na salita mula sa Griyego, Siriako, Arameo, Arabe, Monggol, Persa, at mga katutubong wika tulad ng Urartiyano. Ang isang pagsisikap para magpabago ng wika sa Armenyang Bagratid at Kahariang Armenyo ng Silisia (ika 11–14 na mga siglo) ay nauwi sa karagdagan ng dalawang mas titik sa alpabetong Armenyo ("օ" at "ֆ") na dumami ng total sa 38.
Ang Aklat ng mga Panaghoy (huwag ikalito sa biblikong aklat) ni Gregorio ng Narek (951–1003) ay isang halimbawa ng kaunlaran ng isang pampanitikang pagkakasulat ng Lumang Armenyo noong ika-10 na siglo. Ni Gregorio ay hindi lang itinaas ang estilong pampanitikan at bokabularyo ng wikang Armenyo sa pamamagitan ng karagdagan ng mahigit isang libo ang mga bagong salita, kundi pati, sa pamamagitan ng niyang ibang mga himno at tula, ipinakita sa kaniyang mga kahalili kung paano saklawin ang mga sekular na tema at bernakular na wika sa kanilang sariling mga sulat. Ang tematikong kambiyo, mula sa pangunahing relihiyosong mga teksto hanggang sa mga pagsulat na may sekular na mga tingin, mas lalo pa nga napaganda at nagpayaman ang bokabularyo. Ang "Isang Salita ng Karunungan", isang tula ni Hovhannes Sargavak na itinalaga sa isang martines, ay ginawang lehitimo ang tula na itinalaga sa kalikasan, pag-ibig, o kagandahang pambabae. Unti-unting sumalamin ang ibang mga obrang pampanitikan ng mga interes ng heneral na populasyon. Di pangkaraniwan na para sa panahon, namuna ni Konsdantin Yerzinkatsi at mga iba ang establisimyentong eklesiastiko at sosyal na mga suliranin ng Armenyong tinubuang-lupa. Maski kinatawan ng itong mga kambiyo ang ugali ng pampanitikang estilo at sintaksis, hindi bumuo ng napakalalaki kambiyo para sa mga pundamental ng balarila o morpolohiya ng wika. Kapag ginawang pamantayan ng mga manunulat (sa anumang wika) ang isang diyalekto na sinalita, ang mga ibang tagagamit ng wika ay tumulad din ng istrukturang iyon sa pamamagitan ng paralelismo.
Noong ika-19 na siglo, ang tradisyonal na Armenyong tinubuang-lupa ay hinati ulit. Sa pagkakataong ito, Silangang Armenya ay sinakop ng Imperyong Ruso mula sa Dinastiyang Kayar, habang Kanlurang Armenya, na may dalawang-katlo ng makasaysayang Armenya, nanatili sa ilalim ng kontrol ng mga Otomano. Ang kaugnayang magkaaway sa pagitan ng mga imperyong Ruso at Otomano ay nauwi sa pagkatha ng dalawang paligid, hiwalay at kakaiba, para sa mga Armenyo. Noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, sumulpot ang dalawang mahahalagang konsentrasyon ng mga Armenyong pamayanan. Dahil sa mga persekusyon o hanap para mas magagandang pagkakataong ekonomiko, ang mararaming Armenyo na nabuhay sa ilalim ng Otomanong pamamahala ay lumipat sa Istanbul, yamang naging Tbilis ang sentro para sa mga Armenyo sa ilalim ng Rusong pamamahala. Agad na ang itong dalawang kosmopolitanong lungsod naging mga pangunahing polo ng Armenyong buhay na intelektual at kultural.
Ang pagpapakilala ng mga bagong pampanitikang porma at estilo, at saka mararaming bagong ideya na nakopo ang Europa, ay umabot sa mga Armenyo na nabuhay sa dalawang rehiyon. Ito ay lumikha ang isong apurahang kailangan para itaas ang bernakular, Ashkharhabar, sa karangalan ng isang modernong pampanitikang wika, sa kaibahan sa Grabar, ngayon anakronistiko. May napakaraming diyalekto nasa mga tradisyonal na Armenyong rehiyon, na, ngunit kakaiba, nagkaroon ng mga parehong basikong katangian. Batay sa itong mga katangian, lumitaw ang dalawang pangunahing uliran:
- Kanlurang uliran: Ang dagsa ng mga dayuhan mula sa kakaibang mga bahagi ng tradisyonal na Armenyong tinubuang-lupa hanggang sa Istanbul ay itinatag ang mga karaniwang elemento ng mga rehiyonal na diyalekto, na napadali ng isang pagkakasulat na mas pleksible kaysa sa Grabar.
- Silangang uliran: Pinagkalooban ng diyalektong Ereban, na may sentro nasa Tbilisi, Heorhiya, ang mga pangunahing elemento ng Silangang Armenyo. Tulad sa baryanteng Kanlurang Armenyo, ang Modernong Silangan ay na mararaming paraan mas magagamit kaysa sa Grabar.
Pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang pagiging ng dalawang modernong bersyon ng mismong wika ay pinaigting mas lalo pa nga. Ang Republikang Sosyalistang Sobyetiko ng Armenya ay gumamit ng Silangang Armenyo bilang kaniyang opisyal na wika, yamang ang diaspora na nilalang ng Henosidyong Armenyo ay nagpanatili ng diyalektong Kanlurang Armenyo.
Ang dalawang modernong diyalektong pampanitikan, Kanluran (na orihinal na nagkasama sa mga manunulat sa Imperyong Otomano) at Silangan (na orihinal na nagkasama sa mga manunulat sa Imperyong Ruso) ay halos ganap na nag-alis ng mga Turkong leksikong impluwensiya noong ika-20 na siglo pagkatapos ng Henosidyong Armenyo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Armenia at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.