Epiko
Sa tradisyunal na kahulugan, ang isang epiko ay isang uri ng panulaan, na kilala rin bilang panulaang epiko.[1] Bagaman, sa makabagong katawagan, kadalasang napapalawig ito sa ibang anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo,[1] kung saan may mga tema ang kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan,[2] katulad sa panulaang epiko.