Ang halalan o eleksyon (Kastila: elección, Ingles: election) ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak sa isang publikong tanggapan. Ang mga halalan ang karaniwang mekanismo kung saan ang modernong kinatawan ng demokrasya ay isinasagawa simula ika-17 dantaon. Ang mga halalan ay maaaring humalal ng sangay na ehekutibo, mga miyembro ng lehislatura, at minsan ay ng hudikatura gayundin ng mga miyembro ng pangrehiyon at lokal na pamahalaan. Ang prosesong ito ay isinasagawa rin sa maraming mga pribado at pang-negosyong mga organisasyon.

Isang kahon ng balota

Petsa ng halalan

baguhin

Ang kalikasan ng demokrasya ay ang mga nahalal na opisyal ay nananagot sa mga botanteng humalal dito at ang mga politikong ito ay dapat bumalik sa mga botante upang humingi ng mandato upang magpatuloy sa opisina. Sa dahilang ito, ang mga demokratikong institusyon ng mga bansa ay nagtatakda ng pagdadaos ng halalan sa isang takdang panahon. Sa Estados Unidos, ang mga halalan ay idinadaos sa pagitan ng tatlo at anim na taon sa maraming mga estado maliban sa kapulungan ng mga representatibo na inihahalal bawat 2 taon. Sa pagkapangulo, ang itinakdang petsa ay iba iba sa bawat bansa. Halimbawa sa Ireland, ang pangulo ay inihahalal bawat 6 taon, sa Finland at Pilipinas, bawat 6 na taon, sa Pransiya, bawat 5 taon, sa Russia at Estados Unidos, bawat 4 na taon. Sa ilang bansang may sistemang parliamentaryo, ang pagtawag ng halalan ay depende sa kung ang gobyernong namumuno ay isang gobyernong minoridad kung saan ang mga ibang partido ay maaaring pabagsakin ang gobyernong ito kung kelan ng mga ito naisin.

Nominasyon

baguhin

Ang isang kinatawang demokrasya ay nangangailangan ng pamamaraan upang pangasiwaan ang nominasyon para isang opisinang pampolitika. Sa Estados Unidos, ang mga miyembro ng isang partido ay humahalal ng mga indibidwal na magiging opisyal na nominee ng partido para sa isang pampolitika na opisina sa isang halalan. Sa Pilipinas, ang mga nagnanais tumakbo sa isang pampolitika na opisina ay dapat magpasok(file) ng sertipikado ng kandidasya sa COMELEC. Ang lupon ng COMELEC ay magpapasya kung sino sa mga ito ang kwalipikado bilang kandidato sa isang posisyon sa gobyerno. Ang mga diskwalipikadong mga indibidwal ay tinatawag ng COMELEC na nuisance candidate.[1] Kahit ang mga hindi kwalipikado ay pwedeng tumakbo sa anumang posisyon kahit sa posisyon ng pagkapangulo basta ayon sa COMELEC ay may pera sa pagsasagawa ng kampanya.[2]

Kampanya

baguhin

Kung ang isang halalan ay tinawag, ang mga kandidato at mga tagasunod nito ay nagsasagawa ng pangangampanya na isang pakikipaligsahan sa ibang mga katunggaling kandidato para sa mga boto ng mga konsituente. Upang makuha ang mga boto, ang mga kandidato ay naghahayag ng mga plataporma at mga pangako na kanyang ipapatupad o gagawin sakaling mahalal sa posisyon.

Mga paraan ng ilang mga kandidato upang mahalal

baguhin

Ang ilan sa mga ilegal na paraan ng mga kandidato upang mahalal sa halalan ay kinabibilangan ng pagsupil at pagkokontrol ng press gamit ang mga koneksiyon nito upang ang mga botante ay hindi maging sapat na maalam sa mga isyu at mga kandidato. Kabilang din sa mga desperadong paraan ng ilang mga politiko upang manatili sa kapangyarihan ang paninira o propaganda laban sa mga katunggali, pagsasagawa ng pangingidinap, pagpatay(assassinate) ng katunggali, pananakot o panunuhol(pagbili) ng mga botante, paggamit ng mga sikretong balota, pakikipagsabwatan o panunuhol sa mga opisyal na nangagasiwa sa halalan, pakikielam sa mga balota o makina na ginagamit sa halalan, pagdadag at pagbabawas ng mga boto at iba pa.

Pilipinas

baguhin

Mga trapo

baguhin

Sa kultura ng Pilipinas, ang salitang trapo (tradisyonal na politiko) at literal na may kahulugang "basahan" ay isang panlalait na paglalarawan sa mga politikong matagal ng nakaupo sa pwesto ngunit walang silbi/inutil at mga walang kakayahan na mangasiwa ng bansa/incompetent. Ang mga ito ay karaniwang tumatakbo upang protektahan ang mga pansariling interes kesa sa interes ng mga nasasakupan nito.[3] Ito ay mga politikong walang silbi/inutil at incompetent dahil sa tagal sa pagkakaupo nito sa pwesto sa gobyerno ay nananatili pa ring isang mahirap na bansa ang Pilipinas. Sa kabila ng pagiging mga inutil, ang mga ito ay sanay sa paggawa ng mga pangako sa mga botante(na ang karamihan ay madaling mauto) na hindi naman tinutupad kapag nakaupo na sa pwesto. Bukod sa pagiging trapo, ang karamihan sa mga ito ay mga tradisyonal na politikong sanay sa pagsasagawa ng mga katiwalian sa gobyerno.

Mga sikat na personalidad

baguhin

Sa kultura ng Pilipinas, ang isang sikat na personalidad gaya ng mga artista o manlalaro kahit walang sapat na edukasyon o kakayahan sa pamamahala ay may mas malaking tsansa na manalo kesa sa mga kandidato na mas mga kwalipikado ngunit hindi sikat.

Uri ng halalan

baguhin

Dagliang halalan

baguhin

Ang dagliang halalan o snap election ay isang halalang ipinatatawag nang higit na maaga kaysa sa inaasahan. Karaniwan itong tumutukoy sa halalan sa isang sistemang parlamentaryo, kung saan ito'y ipinatatawag—kahit hindi pa ito itinatakda ng batas o ng nakasanayan—upang magamit ang natatanging pagkakataón o upang makapagpasiyá sa isang mahalagang isyung kinahaharap.

Kakaibá ang dagliang halalan sa recall na halalan, sapagkat ang dagliang halalan ay pagkukusà ng mga politiko, samantalang pagkukusà ng mga naghahalal ang isang recall na halalan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-30. Nakuha noong 2011-11-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2012-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Parliaments and Political Change in Asia