Ang Port Moresby ( /ˈmɔərzbi/; Tok Pisin: Pot Mosbi), tintukoy din bilang Lungsod ng Pom o pinapayak sa Moresby, ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Papua New Guinea at pinakamalaking lungsod sa Timog Pasipiko sa labas ng Australya at Bagong Zealand. Matatagpuan ito sa pampang ng Gulpo ng Papua, sa timog-kanlurang baybayin ng Tangway ng Papua sa Bagong Guinea. Umusbong ang lungsod bilang sentro ng kalakaran sa ikalawang bahagi ng ika-19 na dantaon. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ang pangunahing layon para sakupin ng puwersa ng Imperyal na Hapon noong 1942–43 bilang isang yugto ng pahahanda at baseng panghihimpawid upang tanggalin ang Australya mula sa Timog-silangang Asya at sa mga Amerika.

Port Moresby
daungang lungsod, big city, gorod, administrative territorial entity of Papua New Guinea
Watawat ng Port Moresby
Watawat
Map
Mga koordinado: 9°28′44″S 147°08′58″E / 9.4789°S 147.1494°E / -9.4789; 147.1494
Bansa Papua New Guinea
LokasyonPapua New Guinea
Itinatag1873
Lawak
 • Kabuuan240 km2 (90 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan317,374
 • Kapal1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166PG-NCD
Websaythttp://www.portmoresby.com

Noong 2020, mayroon itong isang populasyon na 383,000.[1] Ang lugar kung saan tinatag ang lungsod ay pinanirahan ng mga taong Motu-Koitabu sa mga nagdaang siglo. Si Kapitan John Moresby ng Hukbong-Dagat na Royal ang unang Briton na nakita ang pook noong 1973. Ipinangalan ang lugar bilang pagpaparangal sa kanyang ama, ang Almirante ng Armada na si Sir Fairfax Moresby.

Bagaman napapaligiran ang Port Moresby ng Gitnang Lalawigan, na kung saan ito rin ang kabisera, hindi ito bahagi ng lalawigan na iyon subalit binubuo ito ng Pambansang Distritong Kabisera. Kinakatawan ng mga tradisyunal na mga may-ari ng lupa, ang mga Motu at Koitabu, ng Kapulungan ng Motu Koita.

Naging punong-abala ang Port Moresby ng pagpupulong ng APEC noong Nobyembre 2018.[2] Bagaman, may mga pag-alala tungkol sa seguridad, hinggil sa repustasyon ng kapital sa marahas na krimen.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CIA World Factbook" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 16, 2016. Nakuha noong Oktubre 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Tlozek, Eric (30 Hunyo 2018). "Security in PNG's Port Moresby under spotlight as APEC summit approaches". ABC (sa wikang Ingles). Port Moresby. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2018. Nakuha noong 3 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)