Harry S. Truman
Si Harry S. Truman (8 Mayo 1884 – 26 Disyembre 1972) ay ang ika-33 pangulo ng Estados Unidos, mula 1945 hanggang 1953. Asawa niya si Bess Wallace Truman. Naging pangulo siya pagkaraan ng kamatayan ni Franklin Roosevelt habang nanunungkulan bilang pangulo. Bilang pangulo, nakagawa si Truman ng mahahalagang mga pagpapasya na may kaugnayan sa patakarang pang-ugnayang panlabas. Siya ang nagwakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig pagkatapos ng pagpapabagsak ng mga bombang atomiko sa Hapon.[1] Inayos niya ang Europa na nawasak habang nagaganap ang digmaan. Siya ang nagpasimula ng Digmaang Malamig. Siya ang nagsangkot ng Estados Unidos sa Digmaang Koreano.
Harry S. Truman | |
---|---|
Ika-33 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 12 Abril 1945 – 20 Enero 1953 | |
Pangalwang Pangulo | wala (1945–1949), Alben W. Barkley (1949–1953) |
Nakaraang sinundan | Franklin D. Roosevelt |
Sinundan ni | Dwight D. Eisenhower |
Ika-34 Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 20 Enero 1945 – 12 Abril 1945 | |
Pangulo | Franklin D. Roosevelt |
Nakaraang sinundan | Henry A. Wallace |
Sinundan ni | Alben W. Barkley |
Senador ng Estados Unidos mula Missouri | |
Nasa puwesto 3 Enero 1935 – 17 Enero 1945 | |
Nakaraang sinundan | Roscoe Patterson |
Sinundan ni | Frank Briggs |
Personal na detalye | |
Isinilang | 8 Mayo 1884 Lamar, Missouri |
Yumao | 26 Disyembre 1972 Kansas City, Missouri | (edad 88)
Kabansaan | Amerikano |
Partidong pampolitika | Democratic |
Asawa | Bess Wallace Truman |
Serbisyo sa militar | |
Ranggo | major, colonel (reserve) |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.