Ang Manchuko (伪满) ay isang papet na rehiyon sa Manchuria at silangang Kalooban ng Mongolia. Ang rehiyon ay ang pinakamakasaysayang lugar sa Dinastiyang Qing. Ginawa ng dating opisyal ng dinastiyang Qing sa tulong ng Imperyo ng Hapon noong 1932. Ang rehiyon ay pinamamahalaan ng Imeryo ng Hapon at ni Puyi, ang huling emperador ng dinastiyang Qing bilang nominal regent at emperador. Ang gobyerno ng Manchukuo ay binuwag noong 1945 pagkatapos matalo ng Imperyo ng Hapon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Manchus ang bumuo ng minorya sa Manchukuo, pinakamalaking tribo ang Han Chinese. Meron ding Koreano, Hapon mga puting Ruson at iba pang mayorya Ang rehiyon sa Mongolia sa Kanlurang Manchuria ay pinamumunuan ng iba't ibang sistema ng tradisyon ng mga Mongol

Pagkatapos masakop ng Tribong Manchu ang Tsina pinalitan nla ang Dinastiyang Ming sa Dinastiyang Qing. Pagkatapos humina ang kapangyarihan ng Krote sa Beijing maraming lugar ang bumagsak sa kamay ng mga Imperyo o naging malaya. Noong 1880's ang Imperyo ng Ruso ay interesado sa mga lupa sa Hilaga sa Imperyong Qing. Noong 1858's, nakuha ng mga Ruso ang kontrol sa mga lupang tinatawag na Outer Manchuria salamat sa Supplementary Treaty of Beijing na nagtapos sa Ikalawang Opium war. Ngunit hindi kuntento dito ang Ruso, at ang Dinastiyang Qing ay patuloy na humihina, gumawa sila ng mga pagkilos upang kuhanin ang natitirang lupa ng Manchuria na naging malakas sa ilalim ng impluwensiya ng mga Ruso noong 1890's sa pagtatayo ng Chinese Eastern Railway patunggong Harbin hanggang Vladiovostok.

Mga pinagmulan

baguhin

Bilang resulta ng Russo- Japanese war ( 1904-1905) pinalitan ng impluwensiya ng Hapon ang Ruso sa Inner Manchuria. Noong 1906, ginawa ng Hapon ang South Manchurian Railway hanggang Port Arthur. Sa pagitan ng Una at Ikalawang digmaang pandaigdig ang Manchuria ay naging pampolitika at militar na Battleground sa pagitan ng Rusya, tsina at Hapon. Umurong ang Hapon sa Outer Manchuria bilang resulta sa Rebolusyon Ruso ng 1917. Ang pinagsamang Tagumpay ng militar ng Sobyet at pressure sa ekonomiya ng Amerika ay nagtulak sa Hapon na umalis sa area, gayunpaman ng Outer Manchuria ay ibinalik sa Sobyet noong 1925