Slovakia

(Idinirekta mula sa Slobakya)

Ang Eslobakya (Eslobako: Slovensko), opisyal na Republikang Eslobako, ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Hinahanggan ito ng Polonya sa hilaga, Ukranya sa silangan, Tsekya sa hilagang-kanluran, Hungriya sa timog, at Austria sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 49,035 km2 at may populasyon na higit 5.4 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Bratislava.

Republikang Eslobako
Slovenská republika (Eslobako)
Awitin: Nad Tatrou sa blýska
"Kidlat sa Ibabaw ng Tatras"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bratislava
48°09′N 17°07′E / 48.150°N 17.117°E / 48.150; 17.117
Wikang opisyalEslobako
KatawaganEslobako
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Peter Pellegrini
Robert Fico
LehislaturaPambansang Konseho
Kasarinlan 
• Pagpapahayag
28 Oktubre 1918
• Pasistang Estado
14 March 1939
• Tsekoslobakyang Komunista
25 Pebrero 1948
• Sosyalistang Republika
1 Enero 1969
• Diborsyong Tersyopelo
31 Disyembre 1992
Lawak
• Kabuuan
49,035 km2 (18,933 mi kuw) (ika-127)
• Katubigan (%)
0.72 (2015)
Populasyon
• Senso ng 2022
Neutral increase 5,460,185 (ika-117)
• Densidad
111/km2 (287.5/mi kuw) (ika-88)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $247.540 bilyon (ika-70)
• Bawat kapita
Increase $45,630 (ika-46)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $142.620 bilyon (ika-61)
• Bawat kapita
Increase $26,290 (ika-44)
Gini (2022)21.2
mababa
TKP (2022)Decrease 0.855
napakataas · ika-45
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono+421
Internet TLD
  • .sk
  • .eu

Kasaysayan

baguhin

Namalagi at nanahanan ang mga unang mamamayan sa teritoryo ng Eslobakya mga isangdaang taon na ang nakalilipas, noong mga Kapanahunang Paleolitiko. Isang katibayan nito ang natagpuang hubog ng ulo ng isang Taong Neanderthal sa Gánovce malapit sa Poprad. Natagpuan sa Eslobakya ang pinakamatandang laruang-kariton ng isang bata. Nagmula ang laruang ginawa noong Panahon ng Tanso at nahukay mula sa isang libingan sa Nižná Myšľa malapit sa Košice. Marami pang ibang mga bagay na may kaugnayan sa arkeolohiyang nahukay sa Eslobakya na maiuugnay sa kalinangan ng mga mamamayang Otomano, noong mga 1,600 BC.[1]

Mga mamamayan

baguhin

Sa ngayon, mayroong populasyong 5,379, 455 katao ang Eslobakya na binubuo ng mga Eslobako (85.6%), Unggaro (10.8%), Romani (1.5%), Ukranyano (0.3%), Rutenyano (0.3%), at mga Aleman at Polako.[1]

Politika

baguhin

Sumali ang Eslobakya sa NATO noong 29 Marso 2004, at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004. Nagkaroon ng mga eleksiyon sa pagkapangulo noong 3 Abril 2004 at 17 Abril 2004.

Ang pinuno ng estado ng Eslobakya ay ang pangulo, na hinahalal sa pamamagitan ng direktong botong popular para sa isang mandato ng 5 taon. Karamihan sa kapangyarihang ehekutibo ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang unikameral na Sangguniang Pambansa ng Republikang Eslobako (Národná rada Slovenskej republiky), na may 150 kinatawan. Hinahalal ang mga delegado sa mandato ng 4 taon base sa representasyong proporsyonal. Ang pinakamataas na katawang hudisyal ay ang Hukumang Konstitusyonal (Ústavný súd), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal. Ang 13 na kasapi ng hukumang ito ay itinatakda ng pangulo mula sa isang tala ng mga kandidatong hinihirang ng parlamento.

Pagkahati

baguhin

Pangunahing artikulo: Mga rehiyon ng Slovakia, Mga kondado ng Eslobakya

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Eslobakya sa 8 kraj (kondado), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod. Sa dibisyong panterritoryo naman at sa definisyon ng nagsasariling entities, mula 2002, nahahati ang Eslobakya sa 8 vyšší územný celok o VÚC na tinatawag na samosprávny kraj (rehyong awtonomo):

 
  1. Bratislavský kraj (tingnan din Bratislava)
  2. Trnavský kraj (tingnan din Trnava)
  3. Trenčiansky kraj (tingnan din Trenčín)
  4. Nitriansky kraj (tingnan din Nitra)
  5. Žilinský kraj (tingnan din Žilina)
  6. Banskobystrický kraj (tingnan din Banská Bystrica)
  7. Prešovský kraj (tingnan din Prešov)
  8. Košický kraj (tingnan din Košice)

(Maaari ding palitan ang salitang kraj ng samosprávny kraj sa bawat kaso.)

Nahahati rin ang kraje sa maraming okres (distrito). Kasalukuyang may 79 okres ang Eslobakya.

 
Mapa ng Eslobakya

Mga talababa at sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Slovakia, nilipon ni Eugene Lazišťan, nilimbag sa tulong ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Republikang Slovak, 1999, ISBN 80-88892-23-6

Mga kawing panlabas

baguhin