Timog Katagalugan
Ang Timog Katagalugan, o Rehiyon IV, ay dating rehiyon sa Pilipinas na binubuo ngayon ng Rehiyon IV-A (CALABARZON) at Rehiyon IV-B (MIMAROPA). Ang Lalawigan ng Aurora ay napunta naman sa Rehiyon III. Nahati ang Rehiyon IV sa dalawang rehiyon noong 17 Mayo 2002. Bago ang pagkahati, ang Timog Katagalugan ang pinakamalaking rehiyon sa parehong populasyon at lawak.
Timog Katagalugan | |||||
Dating rehiyon | |||||
| |||||
History | |||||
- | Itinatag | 1965 | |||
- | Binuwag | 2002 | |||
Ngayon bahagi ng | |||||
Hinati sa CALABARZON at MIMAROPA noong 17 Mayo 2002, habang ang Aurora ay isinanib sa Gitnang Luzon |
Matatagpuan ang Rehiyon IV sa Timog Luzon. Binubuo ang Rehiyon IV-A - CALABARZON ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal samantalang ang Rehiyon IV-B - MIMAROPA ay binubuo ng Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan at Romblon.
Mga tanawin
baguhin- Sa Laguna matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan at Talon ng Batocan
- Lawa ng Laguna o Laguna de Bay - sa pagitan ng Rizal at Laguna at pinakamalaking lawa sa bansa.
- Lawa ng Taal - sa Batangas
- Bulkang Taal - nasa gitna ng lawa ng Taal
- Bundok ng Sierra Madre - nasa kahabaan ng lalawigan ng Quezon
- Bundok Banahaw - sa Quezon
- Bundok Makiling - sa Laguna
Klima
baguhin- Batangas, Cavite. Occidental Mindoro: ang tag-init ay mula Nobyembre hanggang Abril samantalang tag-ulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.
- Palawan, Rizal, Laguna: hindi tiyak ang panahon / tagtuyot mula isa hanggang tatlong buwan.
Mga mapa
baguhinMga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.