Gitnang Luzon
Ang Gitnang Luzon (Kapampangan: Kalibudtarang Luzon, Pangasinan: Pegley na Luzon, Ilokano: Tengnga a Luzon, Ingles: Central Luzon), itinalagang Rehiyong III, ay isang administratibong rehiyon sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ibuo ang pitong mga lalawigan ng malawak na gitnang mga kapatagan ng pulo ng Luzon (ang pinakamalaking pulo), para sa layuning pampangasiwaan. Taglay ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary of the Philippines").[1] Ang mga lalawigang bumubuo rito ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.[5]
Gitnang Luzon Rehiyong III | |
---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Look ng Baler; Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan; bahagi ng Sierra Madre malapit sa Gabaldon, Nueva Ecija; Heritage District ng Angeles sa Pampanga; Bundok Pinatubo sa Zambales | |
Palayaw: Bangan ng Bigas ng Pilipinas[1] | |
Kinaroroonan sa Philippines | |
Mga koordinado: 15°28′N 120°45′E / 15.47°N 120.75°E | |
Bansa | Pilipinas |
Pangkat ng pulo | Luzon |
Regional center | San Fernando (Pampanga)[2] |
Lawak | |
• Kabuuan | 22,014.63 km2 (8,499.90 milya kuwadrado) |
Populasyon (senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 12,422,172 |
• Kapal | 560/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao | |
• HDI (2018) | 0.726[4] high · Pang-apat |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-03 |
Mga lalawigan | |
Malayang mga lungsod | |
Mga bayan | 116 |
Mga barangay | 3,102 |
Mga distritong oambatas | 20 |
Mga wika |
Etimolohiya
baguhinAng kasalukuyang pangalan ng rehiyon tumutukoy sa lokasyon nito sa malaking pulo ng Luzon. Nagmula ang termino sa mga Amerikanong mananakop kasunod ng pagkatalo ng Unang Republika ng Pilipinas. May mga panukala para palitan sa "rehiyon ng Luzones" ang pangalan ng rehiyon. Ang ipinapanukalang pangalan ay isang pagtukoy sa dating pangalan ng pulo ng Luzon – Luções – na ginamit paglaon upang matukoy sa gitnang lugar ng pulo na umaabot mula Pagasinan sa hilaga hanggang Pampanga sa timog. Ang salitang Luções ay literal na nagngangahulugang Luzones.[6][7]
Paglalarawan
baguhinMatatagpuan ang rehiyon ng Gitnang Luzon sa hilaga ng Maynila, ang pambansang kabisera. Kahangga nito ay mga rehiyon ng Ilocos at Lambak ng Cagayan sa hilaga; Pambansang Punong Rehiyon, Calabarzon at mga katubigan ng Look ng Maynila sa timog; Dagat Timog Tsina (o Dagat Kanlurang Pilipinas) sa kanluran; at ang Dagat Pilipinas sa silangan.[8] Sa kasaysayan, kalinangan, at heograpiya, ang Pangasinan ay isang mahalagang bahagi ng rehiyon, ngunit ginawang pampolitika na bahagi ng rehiyon ng Ilocos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Hunyo 22, 1973.[9]
Ang Gitnang Luzon ay nag-aani ng pinakamaraming bigas sa buong bansa. Inihahatid at iniluluwas ang labis na bigas sa ibang mga rehiyon ng Pilipinas.
Ang lungsod ng San Fernando, na panlalawigang kabisera ng Pampanga, ay itinalagang sentro panrehiyon. Inilipat ang lalawigan ng Aurora sa rehiyon mula sa Rehiyong IV sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 noong Mayo 2002.[10]
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1990 | 6,338,590 | — |
2000 | 8,204,742 | +2.61% |
2007 | 9,720,982 | +2.37% |
2010 | 10,137,737 | +1.54% |
2015 | 11,218,177 | +1.95% |
Pinagmulan: PSA[11][12] |
Mga wika
baguhinAng katutubong mga wika ng Gitnang Luzon ay:
- Kapampangan, sinasalita sa kabuoan ng Pampanga at katimugang Tarlac, gayon din sa timog-silangang Zambales, hilagang-silangang Bataan, kanlurang Bulacan, at timog-kanlurang Nueva Ecija.
- Pangasinan, sinaslita sa hilagang Tarlac, hilagang-silangang Zambales, at hilagang-kanlurang Nueva Ecija.
- Tagalog, sinasalita sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Bataan, and Zambales. Ito ang rehiyonal na lingua franca.
- Iloko, sinasalita sa hilagang Nueva Ecija at sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales, at Aurora.
- Sambal, ginagamit ng karamihan sa Zambales at sa ilang nakakalat na mga pook sa Bataan at Pampanga.
Relihiyon
baguhinWalumpu't porsyento ng populasyon ng Gitnang Luzon ay Katoliko. Ang iba pang mga relihiyon na kumakatawan ay mga Protestante (kasama ang mga Evangelical), Islam, Iglesia Ni Cristo, at katutubong mga relihiyon tulad ng Anitismo. Mayroon din ibang mga denominasyon tulad ng Jesus Is Lord, Pentecostal Missionary Church of Christ, Ang Dating Daan, Jesus Miracle Crusade, Nagkakaisang Metodistang Simbahan at iba pa.
Mga pagkakahating administratibo
baguhinAng Gitnang Luzon ay binubuo ng 7 mga lalawigan, 2 mataas na urbanisadong mga lungsod, 12 nakapaloob na mga lungsod, 116 mga bayan, at 3,102 mga barangay.[13]
Lalawigan or HUC | Kabisera | Wika | Populasyon (2015)[12] | Sukat[14] | Kapal ng populasyon |
Mga lungsod | Muni. | Barangay | ||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
km2 | sq mi | /km2 | /sq mi | |||||||||
Aurora | Baler | Casiguranin/Tagalog/Iloko | 1.9% | 214,336 | 3,147.32 | 1,215.19 | 68 | 180 | 0 | 8 | 151 | |
Bataan | Balanga | Sambal/Kapampangan/Tagalog | 6.8% | 760,650 | 1,372.98 | 530.11 | 550 | 1,400 | 1 | 11 | 237 | |
Bulacan | Malolos | Bulakenyong Tagalog/Kapampangan | 29.3% | 3,292,071 | 2,796.10 | 1,079.58 | 1,200 | 3,100 | 3 | 21 | 569 | |
Nueva Ecija | Palayan | Bulakenyong Tagalog/Iloko | 19.2% | 2,151,461 | 5,751.33 | 2,220.60 | 370 | 960 | 5 | 27 | 849 | |
Pampanga | San Fernando | Kapampangan/Bulakenyong Tagalog | 19.6% | 2,198,110 | 2,002.20 | 773.05 | 1,100 | 2,800 | 2 | 19 | 505 | |
Tarlac | Lungsod ng Tarlac | Kapampangan/Iloko | 12.2% | 1,366,027 | 3,053.60 | 1,179.00 | 450 | 1,200 | 1 | 17 | 511 | |
Zambales | Iba | Sambal/Iloko/Tagalog | 5.3% | 590,848 | 3,645.83 | 1,407.66 | 160 | 410 | 0 | 13 | 230 | |
Angeles | † | — | Kapampangan/Ingles | 3.7% | 411,634 | 60.27 | 23.27 | 6,800 | 18,000 | — | — | 33 |
Olongapo | † | — | Tagalog/Sambal | 2.1% | 233,040 | 185.00 | 71.43 | 1,300 | 3,400 | — | — | 17 |
Kabuoan | 11,218,177 | 22,014.63 | 8,499.90 | 510 | 1,300 | 14 | 116 | 3,102 | ||||
† Ang Angeles at Olongapo ay mga matataas na urbanisadong lungsod; hiwalay ang mga pigura sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales. |
Mga Lungsod
baguhinMay labing-apat na mga lungsod ang rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang San Jose del Monte ay may pinakamaraming populasyon habang pinakamatao naman ang Angeles. Batay sa lawak ng lupa ang Lungsod ng Tarlac ay ang pinakamalaki sa rehiyon.
- † Sentrong panrehiyon
Lungsod | Populasyon (2015)[12] | Lawak[15] | Kapal ng populasyon |
Uri ng lungsod | Kaurian sa kita | Lalawigan | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Angeles | 411,634 | 60.27 | 23.27 | 6,800 | 18,000 | Mataas na Urbanisado | Una | Pampanga |
Balanga | 96,061 | 111.63 | 43.10 | 860 | 2,200 | Nakapaloob | Ika-apat | Bataan |
Cabanatuan | 302,231 | 192.29 | 74.24 | 1,600 | 4,100 | Nakapaloob | Una | Nueva Ecija |
Gapan | 110,303 | 164.44 | 63.49 | 670 | 1,700 | Nakapaloob | Ika-apat | Nueva Ecija |
Mabalacat | 250,799 | 83.18 | 32.12 | 3,000 | 7,800 | Nakapaloob | Una | Pampanga |
Malolos | 252,074 | 67.25 | 25.97 | 3,700 | 9,600 | Nakapaloob | Una | Bulacan |
Meycauayan | 209,083 | 32.10 | 12.39 | 6,500 | 17,000 | Nakapaloob | Una | Bulacan |
Muñoz | 81,483 | 163.05 | 62.95 | 500 | 1,300 | Nakapaloob | Ika-apat | Nueva Ecija |
Olongapo | 233,040 | 185.00 | 71.43 | 1,300 | 3,400 | Mataas na Urbanisado | Una | Zambales |
Palayan | 41,041 | 101.40 | 39.15 | 400 | 1,000 | Nakapaloob | Ikalima | Nueva Ecija |
† San Fernando | 306,659 | 67.74 | 26.15 | 4,500 | 12,000 | Nakapaloob | Una | Pampanga |
San Jose | 139,738 | 185.99 | 71.81 | 750 | 1,900 | Nakapaloob | Ikalawa | Nueva Ecija |
San Jose del Monte | 574,089 | 105.53 | 40.75 | 5,400 | 14,000 | Nakapaloob | Una | Bulacan |
Lungsod ng Tarlac | 342,493 | 274.66 | 106.05 | 1,200 | 3,100 | Nakapaloob | Una | Tarlac |
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Ranggo | Lalawigan | Pop. | |||||||
San Jose del Monte Angeles |
1 | San Jose del Monte | Bulacan | 651,813 | Tarlac City San Fernando | ||||
2 | Angeles | Pampanga | 462,928 | ||||||
3 | Tarlac City | Tarlac | 385,398 | ||||||
4 | San Fernando | Pampanga | 354,666 | ||||||
5 | Cabanatuan | Nueva Ecija | 327,325 | ||||||
6 | Mabalacat | Pampanga | 293,244 | ||||||
7 | Malolos | Bulacan | 261,189 | ||||||
8 | Olongapo | Zambales | 260,317 | ||||||
9 | Meycauayan | Bulacan | 225,673 | ||||||
10 | San Jose | Nueva Ecija | 150,917 |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Edenhofer, Ottmar; Wallacher, Johannes; Lotze-Campen, Hermann; Reder, Michael; Knopf, Brigitte; Müller, Johannes (Hunyo 25, 2012). Climate Change, Justice and Sustainability: Linking Climate and Development Policy (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. p. 206. ISBN 9789400745407.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DILG Region 3 - Regional Management". Department of the Interior and Local Government. Nakuha noong Mayo 29, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population (Region 3)". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 9, 2019. Nakuha noong Mayo 29, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org. Nakuha noong Marso 13, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Central Luzon, Region III, Philippines". flagspot.net.
- ↑ http://opinion.inquirer.net/95645/change-name-will-good-philippines
- ↑ http://news.abs-cbn.com/news/06/13/17/should-the-philippines-be-renamed-historian-weighs-in
- ↑ "Region III, Central Luzon, Geographical Location". evis.net.ph.
- ↑ "Presidential Decree № 224". Nakuha noong Nobyembre 5, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Executive Order No. 103; Dividing Region IV into Region IV-A and Region IV-B, Transferring the Province of Aurora to Region III and for Other Purposes". Philippine Statistics Authority. Mayo 17, 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 18, 2016. Nakuha noong Marso 29, 2016.
SECTION 4. The Province of Aurora is hereby transferred to and shall form part of Region III.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). 2010 Census and Housing Population. Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 28, 2013. Nakuha noong Agosto 9, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of Regions". National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2008. Nakuha noong Enero 9, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSGC Interactive; List of Provinces". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2013. Nakuha noong Marso 29, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSGC Interactive; List of Cities". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 29, 2011. Nakuha noong Marso 29, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Gitnang Luzon mula sa Wikivoyage
- Central Luzon Local Search Naka-arkibo December 4, 2020, sa Wayback Machine.
- North Luzon Super Region: Potentials Naka-arkibo June 15, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine.
- North Luzon Super Region: Projects Naka-arkibo June 15, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine.
- Executive Order No. 103