Ang UP Kalilayan ay isang organisasyon na binubuo ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas na nagmumula sa probinsya ng Quezon at Aurora.[1]

Pinagmulan

baguhin

Pagtatatag

baguhin

Ang UP Kalilayan ay itinatag ng magkakaibigang sina Rogelio Almazan, Guillermo Franco, Jose Olivera, at Rene Raya noong dekada '70 upang itaguyod ang pagkakaibigan sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman mula sa Quezon at Aurora at makabuo ng isang samahan na makatutulong na malampasan ang hirap at pagod ng kolehiyo. Opisyal na kinilala bilang organisasyon ang UP Kalilayan noong 19 Agosto 1975.

Pangalan at Selyo

baguhin

Ang pangalang Kalilayan ay hango mula sa Tagalog na salitang lilay, isang uri ng damo na sagana ang pagtubo sa maraming bahagi ng Quezon at Aurora.

Ang selyo ng UP Kalilayan ay binubuo ng isang bilog, isang agila sa ibaba at ng mga letra na bumubuo sa UP Kalilayan sa itaas. Nakasentro sa bilog ang letrang K (bilang Kalilayan) at sa likod nito ay anim na sinag ng araw na sumisimbolo sa anim na prinsipyo ng organisasyon: kapayapaan, pegkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pagkakaisa at pagkakaibigan. Ang mga sinag ng araw ay kumakatawan din sa alab ng pag-asa at paninindigan ng mga kasapi sa pagtataguyod ng mga prinsipyong ito. Sa ibabang bahagi ng agila ay isang tatsulok na sumasagisag sa kalayaan, katarungan at pagkakapantay-pantay, mga prinsipyong nagkakatulad sa UP Kalilayan at sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang pagkakaisa sa organisasyon ay inilalarawan din ng tatsulok. Sa mga pakpak ng agila ay nakaukit ang "1975", taon na itinatag ang UP Kalilayan.

Pula at dilaw ang opisyal na kulay ng organisasyon. Ang pula ang sumisimbolo sa katapangan at masidhing paninindigan ng mga miyembro sa pagpapatupad at pagtataguyod ng mga layunin at prinsipyo ng organisasyon. Ang dilaw naman ang kumakatawan sa pagkakaisa ng mga miyembro, at pag-asa sa anumang adhikain ng UP Kalilayan.

Ang Pamunuan

baguhin

Ang pamunuan ng UP Kalilayan ay binubuo ng:

  • Executive Director
  • Executive Secretary
  • Director for Academics and Advocacy
  • Director for External Affairs
  • Director for Finance and Marketing
  • Director for Internal Affairs
  • Director for Publicity

Mga Proyekto

baguhin

Career Orientation and Review

baguhin

Ang Career Orientation and Review o CORe ay isang proyekto ng UP Kalilayan na layong ihanda ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa kanilang pagkuha ng eksamen sa mga kolehiyo at unibersidad. Layunin din ng CORe na mabigyan ng ideya ang mga mag-aaral sa kung ano ang maari nilang harapin sa pagtatapos nila sa high school.

Neil Eria Educational Discussion Series

baguhin

Ang Neil Eria Educational Discussion Series o NEEDS ay proyekto naman ng organisasyon kung saan isinusulong ang kaalaman ng estudyante sa mataas na paaralan sa mga kasalukuyang panlipunan, pampolitika or panrelihiyong isyu na kinahakaharap ng bansa. Karaniwang isinasagawa proyektong ito sa pamamagitan ng debate.

Free Medical and Dental Mission

baguhin

Lalong naibabahagi ng UP Kalilayan ang kanilang serbisyo sa kanilang mga kababayan sa Quezon at Aurora sa tuwing isinasagawa nila ang kanilang Free Medical and Dental Mission sa mga bayan sa Quezon at Aurora na nangangailangan ng tulong. Nagbibigay ng libreng medical at dental checkup at libreng gamot ang organisasyon sa tulong sa mga lokal na opisyal, mga lokal na pagamutan at maging na rin sa ibang mga organisasyon na nagbibigay din ng libreng serbisyo sa kalusugan.

Tagisan

baguhin

Isang kumpetisyon para sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Quezon ang Tagisan. Sinusubok ang galing ng mga estudyante sa Quiz Bee, Essay Writing, Pagsulat ng Sanaysay, Extemporaneous Speaking, at Poster Making Contest. Ang mga nagwawagi sa Tagisan ay sila namang isinasali sa Patalasanlahi. Lahat ng nananalo sa sari-sariling paligsahan ng mga organisasyong pamprobinsiya sa Unibersidad ng Pilipinas ay sa Patalasanlahi naglalaban.

Sirang Plaka

baguhin
  1. "UP Kalilayan". Iskomunidad (sa wikang Ingles). 2012-10-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-01-03. Nakuha noong 2024-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)