Burdeos
Ang Burdeos (Pranses at Inggles: Bordeaux; Gascon: Bordèu) ay isang daungang-lungsod sa Ilog Garona sa timog-kanlurang Pransiya, na may tinatayang populasyon (2008) na 250,082. Ang kalakhang Burdeos-Archachon-Libourne ay may populasyon na 1.0 milyon at bumubuo ng ika-6 na pinakamataong kalakhan sa Pransiya. Ito ang kabisera ng rehiyon ng Aquitania, at gayun din ang punong-bayan ng lalawigan ng Gironda. Ang mga mamamayan nito ay tinagurian mga Bordelais.
Burdeos Bordeaux Bordèu | |||
---|---|---|---|
commune of France, big city | |||
| |||
Mga koordinado: 44°50′16″N 0°34′46″W / 44.8378°N 0.5794°W | |||
Bansa | Pransiya | ||
Lokasyon | arrondissement of Bordeaux, Gironda, Nouvelle-Aquitaine, Metropolitan France, Pransiya | ||
Itinatag | 5th dantaon BCE (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• mayor of Bordeaux | Pierre Hurmic | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 49.36 km2 (19.06 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2021, Senso) | |||
• Kabuuan | 261,804 | ||
• Kapal | 5,300/km2 (14,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Websayt | https://www.bordeaux.fr |
Ang Burdeos ay pinakatanyag na kabisera ng industriya ng alak sa daigdig. Dito ginaganap ang pangunahing kumbensiyon ng mga mag-aalak, ang Vinexpo,[1] habang ang ekonomiya ng alak sa kabayanan nito ay kumikita ng 14.5 bilyong euro bawat taon.[2] Ang alak ng Burdeos ay tinitimpla na sa rehiyong ito noon pang ika-8 siglo. Ang makasaysayang bahagi ng lungsod ay nasa UNESCO World Heritage List bilang "bukod-tanging koleksiyon ng urbanidad at arkitektura" mula sa ika-18 siglo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-14. Nakuha noong 2011-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Portage salarial à Bordeaux et communauté urbaine". Ventoris.fr. Retrieved 2011-06-02.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.