El Nido, Palawan

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Palawan
(Idinirekta mula sa El Nido)

Ang Bayan ng El Nido ay isang bayan at marine reserve park sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ito ay may 420 kilometrong layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 50,494 sa may 12,632 na kabahayan. 85% ng mga tao dito ay naninirahan sa mga bukirin, samantalang 15% na nalalabi ay makikita sa Población (town proper).

El Nido

Bayan ng El Nido
Mapa ng Palawan na nagpapakita sa lokasyon ng El Nido.
Mapa ng Palawan na nagpapakita sa lokasyon ng El Nido.
Map
El Nido is located in Pilipinas
El Nido
El Nido
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 11°11′44″N 119°24′27″E / 11.19556°N 119.4075°E / 11.19556; 119.4075
Bansa Pilipinas
RehiyonMimaropa (Rehiyong IV-B)
LalawiganPalawan
Distrito— 1705312000
Mga barangay18 (alamin)
Pamahalaan
 • Punong-bayanDr. Leonor Dangan-Corral
 • Manghalalal33,692 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan923.26 km2 (356.47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan50,494
 • Kapal55/km2 (140/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
12,632
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan15.35% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Kodigong Pangsulat
5313
PSGC
1705312000
Kodigong pantawag48
Uri ng klimaklimang tropiko
Mga wikaWikang Palawano
wikang Tagalog
Websaytelnidopalawan.gov.ph
Ang El Nido mula sa himpapawid
Limestone islands ng El Nido

Ang bayan ay makikita sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan. Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba't ibang itsura at porma. Katulad ng kabuuang Palawan, ang El Nido ay kabilang sa Eurasian Plate, isang plate na hiwalay sa Philippine Plate na siyang kinabibilangan ng kabuuang bansa. Ang mga limestone cliffs na matatagpuan dito ay katulad ng mga matatagpuan sa Ha Long Bay sa Vietnam, Krabi sa Tailanda at Guillin sa Tsina na bahagi rin ng Eurasian Plate.

Pamahalaan

baguhin

Noong panahon ng mga Espanyol, ang El Nido ay parte ng Probinsiya ng Castilla, kung saan ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Taytay. Ngunit noong 1916 ito ay inihiwalay sa munisipyo ng Taytay at naging isang malayang bayan.

Ang El Nido ay nahahati sa 18 mga barangay:

  • Bagong Bayan
  • Buena Suerte (2.ª Zona)
  • Barotuan
  • Bebeladan
  • Corong-corong (4ª Zona)
  • Mabini (anteriormente Oton)
  • Manlag
  • Masagana (3.ª Zona)
  • New Ibajay
  • Pasadeña
  • Maligaya (4.ª Zona)
  • San Fernando
  • Sibaltan
  • Teneguiban
  • Villa Libertad
  • Villa Paz
  • Bucana
  • Aberawan

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
El Nido
TaonPop.±% p.a.
1918 1,789—    
1939 2,280+1.16%
1948 2,306+0.13%
1960 4,075+4.86%
1970 7,358+6.08%
1975 8,749+3.53%
1980 11,657+5.91%
1990 18,832+4.91%
1995 21,948+2.91%
2000 27,029+4.57%
2007 30,249+1.56%
2010 36,191+6.74%
2015 41,606+2.69%
2020 50,494+3.88%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-B (Mimaropa)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin