Ang artikulo o seksiyong ito ay kailangang isapanahon. Ilang bahagi rin ng artikulo o seksiyon ay hindi na nasasapanahon. Pakiragdag ang mga pamanahong pagkukulang upang maayos ang artikulo, at pakitanggal ang suleras na ito kapag tapos na ang pagsasapanahon. |
Ang Twitter ay isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet", na hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang ito'y lumawig hanggang 280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng mga user ang twitter sa pamamagitan ng websayt interfeys nito, SMS, o isang app sa isang mobile device. Ang Twitter Inc. ay matatagpuan sa San Franciso, California, Estados Unidos, at mayroong higit sa 25 opisina sa buong mundo.
![]() | |
Uri | Pampubliko (NYSE: TWTR) |
---|---|
Itinatag | 21 Marso 2006[1] |
Punong tanggapan | San Francisco, California, Estados Unidos[2] |
Lugar ng paglilingkod | Buong mundo |
(Mga) tagapagtatag | Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone, Evan Williams |
Key people | Jack Dorsey (Chairman) Dick Costolo (CEO) |
Industriya | Internet |
Revenue | ![]() |
Net income | ![]() |
May-ari | Elon Musk |
Mga mangagawa | 3,300 (2014)[3] |
Mga sangay | Vine |
Websayt | twitter.com |
Katayuan sa Alexa | ![]() |
Uri ng sayt | Social networking service |
Pagrehistro | Kailangan sa ibang bagay |
Mga tagagamit | 335 milyong aktibo (Hulyo 2018)[5] |
Mga wikang mayroon | Marami |
Inilunsad | 15 Hulyo 2006[6] |
Kasalukuyang katayuan | Gumagana |
Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone, at Evan Williams, at inilunsad noong Hulyo. Mabilis na nagkaroon ang serbisyo ng pandaigdigang katanyagan. Noong taong 2012, mahigit sa 100 milyong mga user ang nagpost ng 340 milyong tweet kada araw, at nagkaroon ang serbisyo ng 1.6 bilyong search query kada araw. Noong 2013, naging isa ito sa sampung pinakabinibisitang websayt at inilarawan bílang "ang SMS ng Internet". Noong taóng 2016, naitala na mayroon itong 319 milyong aktibong user kada buwan.
Sa taong 2017 mahigit 2 milyong aktibong gumagamit nito, sumunod ito sa account nang Facebook, na aktibo rin, ang pinagkaiba nang twitter, instagram sa Facebook ay magkakasalungat ang Facebook ay siyang buo ang twitter ay makapagbigay ng balita, comments (komento) at ang Instagram ay sa letrato, kalimitan lamang ginagamit ang twitter, Bagaman puwede ka rin mag iwan ng post or share sa mga taong ibabahagi na gumagamit nito.
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ Dorsey, Jack (Marso 21, 2006). "just setting up my twttr". Twitter. Kinuha noong Pebrero 4, 2011.
- ↑ "About Twitter, Inc". Tinago mula orihinal hanggang 2015-10-28. Kinuha noong 2014-09-30.
- ↑ "Twitter Company Info". Twitter. 2014-05-02. Tinago mula orihinal hanggang 2015-10-28. Kinuha noong 2014-05-02.
- ↑ "Twitter.com Site Info". Alexa Internet. Kinuha noong 2014-04-01.
- ↑ "Twitter Reports Second Quarter 2014 Results]". Twitter. 2014-07-29. Tinago mula orihinal hanggang 2014-07-30. Kinuha noong 2014-07-29.
- ↑ Arrington, Michael (Hulyo 15, 2006). "Odeo Releases Twttr". TechCrunch. AOL. Kinuha noong Setyembre 18, 2010.
Mga kawing panlabasBaguhin
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong: |
- Opisyal na websayt
- Twitter Search
- Twitter Demographics and Audience Profile at Quantcast
- Twitter in Depth Archive by The Daily Telegraph
Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.