Social network
Ang isang social network ay isang panlipunang istruktura na binubuo ng isang hanay ng mga aktor gaya ng mga indibidwal o mga organisasyon at isang hanay ng mga kaugnayang dyadiko sa pagitan ng mga aktor na ito. Ang perspektibong social network ay nagbibigay ng isang hanay ng mga paraan para sa pagsisiyasat ng istruktura ng kabuuang mga entidad na panlipunan gayundin ang mga iba ibang teoriya para ipaliwanag ang mga pattern na napagmamasdan sa mga istrukturang ito. Ang pag-aaral ng mga istrukturang ito ay gumagamit ng social network analysis upang matukoy ang mga lokal at pangkalahatang mga pattern, matukoy ang mga maimpluwensiya (influential) na entidad at siyasatin ang dinamika ng network. Ang mga social network at pagsisiyasat nito ay likas na isang interdisiplinaryong larangang akademiko na umahon mula sa panlipunang sikolohiya, estadistika at teoriya ng grapo.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.