AlDub
Ang AlDub ay isang kathang-isip na tambalan na ipinalalabas sa bahagi ng Kalyeserye ng "Juan for All, All for Juan" na segment ng pananghaliang programa sa Pilipinas na Eat Bulaga!. Nabuo ang pangalang ito mula sa pagsasanib ng mga pangalan ng2 mga tauhan ng tambalan—ang Pilipinong aktor na si Alden Richards, na ginagampanan ang kathang-isip na bersiyon ng kanyang sarili; at si Yaya Dub, na ginagampanan ng artistang Pilipina na si Maine Mendoza. Parehong naging bahagi ng programa ang dalawa noong 2015; unang lumitaw si Richards bilang isa sa mga punong-abala (host) ng mga bahagi ng Eat Bulaga! gaya ng "That's My Bae". Habang si Mendoza naman ay orihinal na gumanap bilang si Yaya Dub sa bahagi ng programa na "Juan for All, All for Juan". Sa simula'y nagkakatagpo lamang ang bawat isa sa pamamagitan ng mga split screen ng programa, at kinalauna'y nagkikita na rin sila nang personal; bago sila personal na magkita'y nakapag-uusap lamang ang dalawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dubbing ng mga sikat na kanta, mga linya sa pelikula at telebisyon.
Isang mala-seryeng palabas na may habang 30 hanggang 45 minuto at tinawag na Kalyeserye (o seryeng nagaganap sa kalye) ang nilikha sa loob ng bahagi ng "Juan for All, All for Juan" para sa tambalan, na nagtatampok saal na nagaganap na pag-arte mula sa tambalang AlDub, dagdag pa rito ang mga tauhang Pilipinong komedyante—sina Wally Bayola (bilang Lola Nidora), Jose Manalo (bilang Lola Tinidora), at Paolo Ballesteros (bilang Lola Tidora). Ang nasabing bahagi ay napatunayang matagumpay sa parehong telebisyon at social media, na nagresulta sa pagtaas ng bilang ng mga manonood at sa kasikatan ng Eat Bulaga!. Nakapagbigay ito ng ambag sa mga karera nina Richards at Mendoza.
Sa kasalukuyan ay itinuturing ng iba't ibang manunuri mula sa iba't ibang midya ang AlDub bilang isang social media phenomenon, matapos ang tagumpay nito sa araw-araw na pagiging trending sa Twitter at iba pang uri ng social media. Naaabot nito ang mga iba't ibang rekord na may kinalaman sa patuloy na pag-usbong ng kanilang pag-iibigan. Isang halimbawa ay noong 5 Setyembre 2015, kung saan nagkita na sa wakas ang tambalan sa unang pagkakataon matapos ang kani-kanilang mga pagtatanghal sa segment na Bulaga Pa More! Dabarkads Pa More! Wildcard Edition. Nasundan pa ang mga pagkikitang ito, na nagpausad sa takbo ng Kalyeserye.
Noong 26 Setyembre 2015, una nilang naabot ang pinakamataas na bilang ng mga tweet sa Twitter para sa #ALDubEBforLOVE na 25.6 na milyon sa loob lamang ng isang araw, na bumasag sa kanilang dating rekord na 12.1 milyong tweet sa loob ng 24 na oras para sa #ALDUBMostAwaitedDate noong 19 Setyembre 2015. Parehong naging natatangi ang nasabing mga kabanata para sa relasyon ng tambalang AlDub.
Noong 24 Oktubre 2015, nagkita na sa wakas ang tambalan nang walang hadlang sa pamamagitan ng isang konsiyertong pangkawanggawa (benefit concert) ng Eat Bulaga! na isinagawa sa Philippine Arena at tinawag na "Sa Tamang Panahon." Ang konsiyerto ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-36 na taon ng palabas at bilang handog din sa mga tagahanga ng AlDub. Lahat ng nalikom mula sa pagbenta ng mga tiket ay mapupunta upang pondohan ang mga silid-aklatan ng iba't ibang mga paaralan sa buong Pilipinas. Noong araw ring iyon, ang hashtag na #ALDubEBTamangPanahon ay nakapagtala ng mahigit 41 milyong tweets, na bumasag sa rekord ng 2014 World Cup semi-final match sa pagitan ng Brazil at Alemanya, na nakapagtala noon ng 37.6 na milyong tweets. Ayon kay Rishi Jaitly, isa sa mga ehekutibo ng Twitter, ang mga tweets ay "totoo, sariwa, at natural." Bukod sa mga rekord sa social media, nakapagtala rin ang konsiyerto ng live audience na 55,000 katao at muling nakapagtala ng panibagong rekord matapos maipagbili ang lahat ng tiket sa loob lamang ng 24 na oras.
Kaligirang pangkasaysayan
baguhinNoong 2015, si Alden Richards, na katatapos lamang sa pagganap sa palabas na Ilustrado (2014), ay inanyayahang maging bahagi ng Eat Bulaga! bilang punong-abala sa loob ng isang buwan. Pinangunahan niya ang iba't ibang mga segment gaya ng "Pak na Pak" at kinalauna'y "That's My Bae" kasama ang DJ sa radyo na si Sam YG.[1] Isang buwan ang lumipas, si Maine Mendoza naman, na unang sumikat dahil sa pagpapaskil ng mga bidyo ng Dubsmash sa iba't ibang social media, ay nag-odisyon para sa programa matapos siyang mapansin ng mga prodyuser ng programa.[2] Kinalauna'y napasali si Mendoza sa programa noong Hulyo 2015.[2] Naalala niyang orihinal dapat siyang gaganap bilang abogado sa "Juan for All, All for Juan" segment ng programa, subalit sa huli'y itinampok siya bilang si Yaya Dub (Divina Ursula Bukbukova Smash), isang kasambahay para sa karakter ni Wally Bayola na si Lola Nidora.[2] Gamit ang kanyang kasikatan sa Dubsmash, nakikipagtalastasan lamang si Mendoza sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga dubbing at unang ginampanan ang pagiging isang supladang Yaya Dub.[2] Subalit sa 16 Hulyo 2015 na pagsasahimpapawid ng programa,[3] nawala sa karakter si Yaya Dub nang siya'y ngumiti at kinilig habang ipinakikita sa split screen si Richards, na siyang nagbunsod sa mga prodyuser ng Eat Bulaga! na gawing tambalan ang dalawa.[2][3] Ibinunyag ni Mike Tuviera, direktor ng programa, na aksidente lamang ang pagkakabuo ng tambalan.[4] Ang pangalang "AlDub" ay isinilang mula sa pagsasanib ng pangalan ng tambalan, ang Alden at Yaya Dub.[5] Bagama't naitatampok sa programa, hindi pa nagtatagpo ang dalawa nang personal, at nakapag-uusap lamang sa pamamagitan ng mga bintana ng split screen at paggamit ng mga linya ng audio sample mula sa mga sikat na palabas sa pelikula at telebisyon.[6]
"Kalyeserye"
baguhinDahil sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa tambalang AlDub, nagpasya ang mga prodyuser ng Eat Bulaga! na gumawa ng isang mala-seryeng programang may habang 30 minuto sa segment ng "Juan For All, All for Juan" para sa dalawa.[7] Tinawag na "Kalyeserye" (o seryeng nagaganap sa kalye), inilarawan ito bilang isang halaw sa mga dramang pantelebisyon sa Pilipinas na isinasagawa sa pamamagitan ng aktuwal na pagganap, at isinasahimpapawid nang live mula sa isang kalye ng barangay na tampok sa "Juan for All, All for Juan".[7] Inilarawan ni Poochie Rivera, isa sa mga direktor ng programa, ang serye bilang "natural at walang kinakabisang diyalogo", at inilahad niyang "Wala ritong ineensayo. Tinatangka naming panatilihin ang pagiging natural ng programa dahil iyon ay malaking bahagi ng kagandahan ng programa."[7] Pinangungunahan ng tambalang nag-iibigan na AlDub, tampok din sa KalyeSerye sina Wally Bayola (bilang Donya/Lola Nidora at iba't ibang tauhan); Jose Manalo (bilang Frankie A. Arinoli, Lola Tinidora at iba't ibang tauhan), at Paolo Ballesteros (bilang Lola Tidora at iba't ibang tauhan) at iba pang mga karakter.[7]
Ilan sa mga nalikhang patawa at kuwento sa loob ng nasabing serye ay kinabibilangan ng "Pabebe Wave" (isang pagbabago mula sa pagkaway ng mga kalahok sa timpalak-kagandahan) sa pagitan nina Alden at Yaya Dub,[1][5] ang pagpupumilit ni Lola Nidora na pagtambalin sina Yaya Dub at Frankie (na tinawag na "YaKie", pinagsamang mga pangalan nila),[8] ang pagbibigay ni Lola Nidora ng mga mahihirap na pagsubok kay Alden,[9] at ang pagiging walang silbi nina Rogelio, Rogelio, Rogelio at Rogelio, ang mga bodyguard o bantay-tauhan ni Lola Nidora.[10] Ang pangunahing kuwento ng KalyeSerye ay isang mala-Cinderella na pagbabawal sa pag-iibigan sa pagitang ng tambalang AlDub, na may pangunahing layuning magkita ng personal ang dalawa, bagay na patuloy na tinututulan ni Lola Nidora.[5][7][11]
Umiikot din ito sa istorya ang mga muntikang pagtatagpo ng tambalang AlDub sa live na telebisyon. Sa 8 Agosto 2015 na pagpapalabas nito, na nagtampok sa kasalan ng tambalang "YaKie", hinimatay si Mendoza habang gumaganap nang live sa telebisyon, at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital, na nagresulta sa pagbabago sa pagganap ng mga natitirang mga tauhan, kabilang mismo si Alden.[12][13] Kinalauna'y inihayag ni Mendoza na nakaranas siya ng matinding pagod ilang oras bago ang pagsasahimpapawid ng programa.[14] Sa 12 Agosto 2015 na pagpapalabas naman nito, nagpakita si Yaya Dub sa TAPE Eastside Studio ng Broadway Centrum para sa kanyang mala-Cinderella na pagtatanghal sa segment ng Eat Bulaga! na "Bulaga Pa More!". Nagmarka ang nasabing palabas dahil sa muntikang pagtatagpo ng dalawa, na siya namang ginambala ni Lola Nidora bilang mangkukulam sa huling sandali.[11][15]
Pagtanggap ng mga manonood at impluwensiyang pangkultura
baguhinNaging isang malaking kaganapan ang tambalang AlDub sa parehong telebisyon at social media.[16][17] Ang kabanata ng kasalan sa pagitan ng tambalang YaKie noong 8 Agosto 2015 ay nakapagbigay ng 32% rating at 300% na pagtaas sa bilang ng mga manonood ng Eat Bulaga!, ayon sa ratings ng Nielsen na isinagawa ng AGB Nielsen Philippines.[7][18] Sa lingguhang survey ng Kantar Media Philippines, tinukoy ang tambalang AlDub na sanhi upang makatulong sa programang maging numero unong pang-arawang palabas sa loob ng ilang linggo.[19][20] Ayon sa pagsasaliksik ng AGB Nielsen, ang 12 Agosto 2015 na pagsasahimpapawid ng Eat Bulaga! ang nagbigay ng pinakamataas na rating para sa taong 2015, na nagmarka ng 36.1%, na pangunahing nagmula sa muntikang pagtatagpo ng tambalang AlDub.[21] Teorya ni Rivera, ang matagumpay na pagtanggap ng mga manonood sa tambalan ay dahil sa mga Pilipinong nadarama rin kung ano ang mga suliranin ng dalawa.[7] Sinabi pa niyang "Ang mga taong may mga mahal sa buhay sa ibang bansa'y kadalasang nakakaugnayan lamang ang mga ito online sa pamamagitan ng Skype o FaceTime."[7] Komento ni Pauleen Luna, isa sa mga host ng Eat Bulaga! na ang AlDub ay "nagbigay ng kakaibang enerhiya sa palabas".[22] Ayon naman kay Anna Leah Sarabia, isang Pilipinong antropologo, tinukoy niya na ang paggamit ng "KalyeSerye" sa fairy tale at balangkas ng soap opera ay nakatulong sa umaangat na popularidad ng tambalan, na nagsabing "Isa itong mala-Cinderella na istoryang hindi totoo at tunay rin."[7] Tinukoy rin ng Pilipinong ehekutibong pantelebisyon na si Malou Choa-Fagar na ang hindi mahuhulaang daloy ng istorya ay nakapag-ambag nang malaki sa tagumpay ng AlDub.[7] Sa social media site na Twitter, ang mga hashtag na may AlDub ay nagiging pangunahing paksa sa Pilipinas at sa buong mundo.[23] Pinuri rin ng iba't ibang samahan ang paggamit ng nasabing palabas ng dati at bagong midya para sa tambalang AlDub, na nagbunsod din sa pagtaas ng halaga ng aplikasyong Dubsmash sa Pilipinas.[24] Ilan din sa mga pulitikong Pilipino ay ginagamit ang tambalang AlDub sa maraming panayam: ginamit ni Ralph Recto ang tambalan bilang simbolismo patungkol sa mga plaka ng sasakyan na inilalabas ng Land Transportation Office,[25] habang ginamit din ni Mar Roxas ang AlDub sa kanyang kampanyang pampanguluhan sa 2016.[26]
Ang tagumpay ng tambalang AlDub ay nakapag-ambag din sa mga karera nina Richards at Mendoza. Nakatulong kay Richards ang tagumpay ng AlDub upang magkaroon siya ng apat na taóng kontratang pampelikula sa APT Entertainment, habang ang koponan ng Barangay Ginebra San Miguel ng Philippine Basketball Association ay napabalitang kinukunsidera nilang imbitahan si Mendoza bilang kanilang musa sa season ng PBA para sa taong 2015–16.[27][28] Lumitaw na rin sina Mendoza at Richards sa magkahiwalay na mga panayam hinggil sa tagumpay ng AlDub sa programang pantelebisyon na Kapuso Mo, Jessica Soho.[29][30] Ibinunyag din ni Tuviera sa isang panayam ang posibilidad na gumawa ng isang tampok na pelikula ng 2015 na pinagbibidahan ng tambalang AlDub.[27]
Epekto sa social media
baguhinMula sa 3.5 milyong tweet sa loob ng 24 na oras, napakabilis dumami ng mga sumusunod sa AlDub sa Twitter, na dumoble at naging mahigit 6 na milyon noong 5 Setyembre 2015, at muli pang dumoble at naging 12 milyon noong 19 Setyembre 2015. Noong 26 Setyembre 2015, naabot nila ang pinakamataas na bilang ng tweet sa Twitter para sa #ALDubEBforLOVE, na nagtala ng 25.6 na milyong tweet sa loob lamang ng isang araw, na bumasag sa kanilang sariling rekord na 12.1 milyong tweet sa loob ng 24 na oras para sa #ALDUBMostAwaitedDate noong 19 Setyembre. Parehong naging espesyal ang mga kabanatang iyon ng Kalyeserye para sa relasyon ng tambalang AlDub. Maging ang ratings nito sa telebisyon ay umangat nang husto at naabot pa ang antas ng mga laban ni Manny Pacquiao; nakapagtala sila ng napakataas na 45.7% sa Mega Manila, habang sa buong Pilipinas naman ay 30.8%.[31][32][33][34][35]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1
Lo, Ricky (16 Ago 2015). "Alden Pa More!". The Philippine Star. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4
Lo, Ricky (24 Hul 2015). "Maine Mendoza a.k.a. Bukbukova, a.k.a. Yaya Dub". The Philippine Star. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Wang, Nickie (28 Hul 2015). "Make way for Alden and Yaya Dub". The Standard. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Magbanua, Djan (16 Ago 2015). "Alden Richards, Yaya Dub; 'accidental' love team – Direk". Bandera. Philippine Daily Inquirer Inc. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2
"#AlDub, the story so far: Alden and Yaya Dub's forbidden love". Rappler. 9 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"#AlDub: The fun tandem of Alden Richards and 'Yaya Dub'". Rappler. 30 Hul 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.00 7.01 7.02 7.03 7.04 7.05 7.06 7.07 7.08 7.09
San Diego, Bayani Jr. (16 Ago 2015). "Split-screen TV fairy tale 'AlDub' hit in old, new media". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Look: 'Yakie' wedding entourage at prenup photos". GMA News. GMA Network. 8 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Kalyeserye, naging extra challenge dahil sa hamon ni Lola Nidora kay Alden". GMA News. GMA Network. 8 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Alden, may regalo para kay Lola Nidora; Rogelio, Rogelio, Rogelio, nasabon ni Lola". GMA News. GMA Network. 10 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1
"#AlDub: Yaya Dub and Alden's 'Cinderella' moment". Rappler. 12 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Lo, Ricky (10 Ago 2015). "Jose Manalo says Yaya Dub fainting for real". The Philippine Star. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Jose Manalo reveals how they improvised on the spot when Yaya Dub fainted". GMA News. GMA Network. 10 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Yaya Dub: Passing out in 'Eat Bulaga' not scripted". Philippine Daily Inquirer. 8 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Yaya Dub as muse of Ginebra? Team exec batting for her selection". GMA News. GMA Network. 15 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Minions fail to destroy cutie with scandal". Philippine Daily Inquirer. 29 Hul 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Zamora, Fe B. (16 Ago 2015). "Netizens go gaga over 'AlDub'". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "People ...are talking about: AlDub fever". The Standard. 13 Ago 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ching, Mark Angelo (10 Ago 2015). "Kantar Media-TNS Nationwide Ratings (July 23-31, 2015): Eat Bulaga consistently beats It's Showtime; Ningning debuts on top of daytime charts". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Ching, Mark Angelo (10 Ago 2015). "Kantar Media-TNS Nationwide Ratings (August 1-7, 2015): Eat Bulaga! overtakes It's Showtime; Bridges of Love finale defeats The Rich Man's Daughter". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Septiyembre 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Ching, Mark Angelo (10 Ago 2015). "AGB Nielsen Mega Manila Ratings (August 9-12, 2015): On The Wings of Love defeats rival; AlDub near-meeting pushes Eat Bulaga rating to more than four times the rating of It's Showtime". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2018. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Rula, Gorgy (8 Ago 2015). "Pauleen Luna: 'AlDub has brought a different kind of energy to the show'". GMA News. GMA Network. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gonzales, Francis (1 Ago 2015). "#ALDUB of Eat Bulaga is social media hit, raises barometer of "kilig" to fandom definition". Radio Veritas 846. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Agosto 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mongaya, Anol (16 Ago 2015). "Mongaya: Aldub and startups". Sun.Star Cebu. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LTO promises for P1.97-billion 2016 budget: New plates in 1 week, driver's license in 1 hour, etc". News5. TV5 Network, Inc. 17 Ago 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Agosto 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Roxas: 'Mar-Poe' like 'AlDub'". Philippine Daily Inquirer. 17 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 27.0 27.1
Uson, Yaggy (14 Ago 2015). "AlDub movie in the works?". Manila Bulletin. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Yaya Dub, nag-perform sa #BulagaPaMore; Lola Nidora, pinigilan ang pagkikita nila ni Alden". GMA News. GMA Network. 15 Ago 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Yaya Dub, na-feature sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'". GMA News. GMA Network. 13 Hul 2015. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Acar, Aedrianne (15 Ago 2015). "Pambansang Bae Alden Richards on 'Kapuso Mo, Jessica Soho' this Sunday!". GMA News. GMA Network. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santiago, Erwin (20 Set 2015). "AlDub first date amasses 12M tweets; "God Gave Me You" singer asks: 'What is ALDUB?'". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Okt 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Here are some of the 12 million ALDUB Twitterati showing how crazy they are for their idols". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. 20 Set 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Okt 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "(UPDATED) How did AlDub second date #ALDUBEBforLOVE and #ShowtimeKapamilyaDay fare in ratings game?". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. 28 Set 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Septiyembre 2015. Nakuha noong 18 Okt 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Santiago, Erwin (27 Set 2015). "#ALDubEBforLOVE breaks new Twitter record with 25.6M tweets". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Okt 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santiago, Erwin (26 Set 2015). "Alden Richards and Maine Mendoza overwhelmed by more than 20M tweets for #ALDubEBforLOVE". Philippine Entertainment Portal. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2015. Nakuha noong 18 Okt 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Karagdagang babasahin
baguhin- de Leon, Joey (16 Ago 2015). "'Kalyeserye Pa More'". The Philippine Star. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Villanueva, Marichu A. (17 Ago 2015). "Spurned political Don Juans". The Philippine Star. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Gan, Iggy (15 Ago 2015). "The social media phenomenon that is AlDub". GMA News. GMA Network. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Bais, Andy (15 Ago 2015). "AlDub's innovative surprises". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Ago 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)