Ilustrado

Mga nakapag aral noong panahon ng middle class o panggitnang lipunan

Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan".[1] Nakaaangat sa lipunan ang mga ilustrado ng Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila. Sila ang mga panggitnang-klase mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Naghangad ng "mas makataong kasunduang pampolitika at pang-ekonomiya" ang mga Pilipinong ilustrado sa ilalim ng mga Kastila. Sa kaniyang In Our Image: America's Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), tinawag ni Stanley Karnow ang mga ilustrado bilang mga "mayayamang grupo ng mga marurunong" (rich intelligentsia) sapagkat ang mga ito ay mga anak ng mga maykayang nagmamay-ari ng lupa. Ikinalat nila ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.[1][2][3][4][5][6]

Ang mga ilustrado: José Rizal, Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce (mula sa kaliwa).

Adhikain ng mga ilustrado

baguhin

Sina Graciano López Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna at José Rizal, ang bayaning pang-nasyonal ng Pilipinas, ang mga pinaka-kilala sa mga ilustrado. Sa pamamagitan ng mga nobelang Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) at El Filibusterismo (Ang Subersibo), naipakita ni Rizal sa mundo ang karahasang dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila.[5][7]

Sa simula, hindi ibig ni Rizal at ng kaniyang mga kasamang ilustrado na magkamit ng kalayaan ang Pilipinas mula sa Espanya, sa halip ay gusto nilang magkaroon ng legal na pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino at ang mga Kastila ng kolonya. Kasama sa mga hinihiling na pagbabagong pampolitika, pang-pananampalataya at pang-ekonomiya ng mga ilustrado na "ang Pilipinas ay magkaroon ng representasyon sa parliyamento at maging probinsiya ng Espanya, at ang sekularisasyon ng mga parokya".[6][7]

Subalit noong 1872, lumakas ang adhikaing nasyonalismo nang ginarote ng mga makapangyarihang Kastila ang tatlong paring Pilipino dahil sa "bintang na pamumuno ng rebelyong militar sa Cavite, malapit sa Maynila". Ang pangyayari at iba pang mga mapang-aliping gawain at ikinagalit ng mga ilustrado.[6] Dahil sa kaniyang mga isinulat at mga gawain, si Rizal ay binaril ng mga Kastila noong 30 Disyembre 1896. Ang pagbaril kay Rizal ng nagbunsod sa mga ilustrado na mag-alsa laban sa Espanya. Ito rin ang naging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga ilustrado ng mga katipunero ni Andres Bonifacio.[6]

Katayuang panlipunan sa ilalim ng mga Amerikano

baguhin

Pinatibay ng mga alituntuning pang-Pilipinas ng mga Amerikano ang mataas na katayuan ng mga ilustrado sa loob ng lipunang Pilipino. Ang lupa na dating pag-aari ng mga prayle ay ipinagbili sa mga ilustrado at ang karamihan sa mga posisyon sa gobiyerno ay inalok sa mga ito.[6] Sila din ang mga taong maaaring makipagtalik o makapag-asawa sa mga Kastila. [kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin

Mga talababa

baguhin

Bibliyograpiya

baguhin