Si Richard Reyes Faulkerson, Jr. (ipinanganak noong 2 Enero 1992), o higit na kilala sa pangalang Alden Richards, ay isang Pilipinong modelo, mang-aawit at aktor sa telebisyon, na kasalukuyang nakalagda sa GMA Network.[1] Siya ay higit na nakilala sa mga palabas gaya ng Alakdana, Tween Hearts, Karelasyon at One True Love at sa itinuturing na pinakauna niyang pelikula, ang The Road.[2]

Alden Richards
Si Alden Richards noong 2011
Kapanganakan
Richard Reyes Faulkerson Jr.

(1992-01-02) 2 Enero 1992 (edad 32)
TrabahoModelo, Aktor, Mang-aawit
Aktibong taon2010–kasulukayan
Tangkad1.80 m (5 ft 11 in)
KinakasamaKathryn Bernardo

Noong Mayo 2013, inilabas ang kanyang paunang album sa ilalim ng Universal Records.[3]

Noong 2015, higit na nabigyang-pansin si Richards nang siya ay napabilang sa pananghaliang programa na Eat Bulaga upang maging isa sa mga kasamang punong-abala (co-host), at di-inaasahang naitambal kay Maine Mendoza, kilala rin sa nasabing programa bilang si Yaya Dub, dahilan upang mabuo at makilala sila sa tawag na AlDub (pinagsamang Alden Richards at Yaya Dub).[4]

Buhay at Karera

baguhin

Pagsisimula

baguhin

Ipinanganak si Alden noong 2 Enero 1992 sa Santa Rosa, Laguna, Pilipinas bilang ikalawang anak nina Richard Faulkerson Sr., isang katutubo ng Laguna, at Rosario Reyes Faulkerson, na katutubo ng Pampanga.[5] Si Alden ay isang mag-aaral sa kursong Business Administration ng De La Salle Canlubang sa Canlubang, Biñan, Laguna.[6] Bago siya naging aktor, sumali siya sa iba't ibang patimpalak para sa mga kalalakihan sa Laguna, at nagtrabaho bilang part-time commercial model. Hawak niya ang mga titulong Ginoong Sta. Rosa 2009 at Ginoong Laguna 2010.[7] Sinubukan niya rin ang kanyang kapalaran sa mundo ng pag-aartista sa pamamagitan ng pagsali sa StarStruck noong 2009 at Pinoy Big Brother noong 2010, subalit hindi siya pinalad na makapasok sa parehong reality show.[8] Lumitaw rin siya sa isang patalastas sa telebisyon para sa isang produkto ng mga bitamina.[9]

2010-2011: Pagpasok sa pag-aartista, The Road at mga parangal

baguhin

Matapos makapasa sa mga odisyon, inilunsad si Richards bilang isang aktor ng GMA Network para sa panghapong drama na Alakdana at ginampanan ang papel ng isang may kapansanan na si Joma. Itinambal siya sa baguhan ding aktres noon na si Louise delos Reyes. Lumagda rin siya ng limang taóng kontrata sa network.[10][11][12] Noong 2011, naging bahagi siya ng matagumpay na pangkabataang serye na Tween Hearts at naging tampok din sa naging pelikula nito, ang Tween Hearts: Class of 2012.[13] Nagtanghal din siya sa lingguhang palabas ng GMA Network na Party Pilipinas at Sunday All Stars. Nakita rin siya sa dalawang kabanata ng Spooky Nights sa Singil at sa pamaskong pagtatanghal nito bilang si Elmer.[14] Pinuri ng mga kritiko si Richards sa kanyang pagganap bilang isang psychopath sa pelikulang The Road.[15] Sa pagtatapos ng 2011, ginampanan niya si Gobi sa patok sa takilyang pelikula na Ang Panday 2 na kalahok sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila ng 2011.[16] Pinuri rin si Richards ng ilang mga manunulat sa aliwan (entertainment) dahil sa pagiging magiliw nito at sa kanyang mga natatanging pagganap, na humulang siya'y magiging susunod na malaking bituin ng GMA Network.[17][18]

Pinarangalan din si Richards bilang unang Pilipinong Amazing Male Newcomer sa unang Yahoo! OMG! Philippines Awards (2011).[19] Nanalo rin siya bilang Pinakamahusay na Bagong Aktor sa Golden Screen Awards.[20] Nagtamo rin ang aktor ng dalawang parangal sa loob ng isang taon na nagpapakita ng banayad na pag-angat ng kanyang karera.[20] Hindi rin siya nangiming ibahagi ang kanyang buhay pag-ibig sa midya, na pinatotohanan niya sa pag-imbita sa FHM Sexiest ng 2011 na si Sam Pinto para sa isang date sa pambansang telebisyon.[21] Tinanggap ng huli ang imbitasyon at nagsagawa ng isang cruise date sa Look ng Maynila, subalit ibinunyag ng seksing aktres na ito ay isa lamang friendly date.[21] Noong Araw ng mga Puso ng 2012, isang promo ng GMA Network, ang A Date with Alden Richards, ang lumitaw sa telebisyon at sa social media na Twitter, kung saan ito'y nag-trend.[22]

2012-2014: One True Love, iba pang mga palabas at karerang pangmusika

baguhin

Noong unang bahagi ng 2012, iniulat ng pang-umagang palabas ng GMA Network na Unang Hirit na sinubukan ni Richards ang mga bagong hamon at gumawa ng mapangahas na mga hakbang sa kanyang karera sa pamamagitan ng pagpustura nang walang pang-itaas para sa kanyang kauna-unahang sexy pictorial para sa koleksiyong pang-tag-araw ng tindahan ng mga damit na Folded & Hung kasama ang mga artistang sina JM De Guzman at Enrique Gil.[23][24] Ginampanan ni Richards ang papel ng isang magnanakaw na nagngangalang Rico sa panggabing serye na My Beloved na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.[23][25] Gumanap din siya sa kabanatang UNOS (Calamity) ng ikaapat na pagtatanghal para sa Mahal na Araw na Tanikala na itinanghal ng Christian Broadcasting Network.[26][27] Pinangunahan naman ni Richards ang kanyang unang pagbibida sa panggabing serye sa telebisyon sa One True Love na nagsimula noong 11 Hunyo 2012.[28][29] Ito ay tungkol sa di-natitinag na lakas ng pag-ibig mula sa dalawang may magkaibang pamumuhay. Sa seryeng ito, muli siyang itinambal sa kanyang ka-love team na si Louise delos Reyes.[30][31] Dahil sa tagumpay ng serye, humaba pa ito nang limang linggo, na sinang-ayunan ng network noong 20 Agosto 2012.[32][33] Ayon sa GMA Network sa kanilang opisyal na pahayag, pinahaba nila ito dahil sa pagiging matagumpay nito sa ratings kumpara sa katapat nitong programa mula nang ito'y nag-umpisa.[34] Si Richards, na gumanap bilang si "Tisoy", ay isang mahirap na lalaking nahulog sa isang mayamang babae. Pinuri ng mga manonood at kritiko si Richards sa kanyang pagganap sa TV drama. Ayon sa kanya, ang serye ay kanyang pinakamalaking pagkakataon o break sa industriya.[35][36] Bagama't ang One True Love ang nagpatunay ng kakayahan ni Richards sa pag-arte, matagal din bago siya nabigyan ng bagong proyekto sa TV o pelikula hanggang siya'y maitampok bilang batang Simeon (ang karakter na ginampanan ni Bong Revilla) sa dramang pangkasaysayan na Indio, isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Network para sa 2013.[37] Ayon kay Richards, "Ipinagmamalaki kong gampanan ang papel ng batang Bong Revilla. Hindi ko inisip na matagal akong walang palabas, subalit nang binilang ko ang mga araw, napagtanto kong anim na buwan na pala akong hindi umaarte sa isang regular na palabas..."[37]

Ang kuwento ng buhay ni Richards ay naitampok sa dramang antolohiya na Magpakailanman na umere noong 09 Marso 2013 kung saan ginampanan niya ang kanyang sarili.[38][39] Sa parehong taon, muling nagtambal sina Richards at Delos Reyes sa seryeng melodrama na pinamagatang Mundo Mo'y Akin kasama ang mga aktres na sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz.[40] Isa itong dramang pampamilya na sumusunod sa isang nakapipilit na balangkas ng kuwentong sumisiyasat sa di-mapigilang paghahanap sa kagandahan at kayamanan.[41] Nakikita ng mga tauhan ang kanilang sarili na nasisilo sa laro ng panlilinlang, pagtataksil, pagkakamit ng kapangyarihan at kasikatan.[41][42][43]

Inilunsad si Richards bilang isang mang-aawit sa pamamagitan ng #Summercrash na kabanata ng lingguhang pananghaliang programa na Party Pilipinas.[44] Inilunsad niya ang kanyang unang isahang awit, ang "Haplos", ang kanyang bersiyon ng awitin ng Shamrock na mabibili sa My Music Store[45] at iTunes noong 05 Abril 2013.[44][46] Ang album ay sa ilalim ng Universal Records at inilabas noong 26 Mayo 2013.[47] Naitampok din siya bilang Myx Celebrity VJ para sa buwan ng Hunyo, 2013.[48]

Noong 2014, napatunayan si Richards bilang isa sa mga pinakahinahanap na leading man nang siya ay itinambal sa tinaguriang reyna ng primetime ng GMA Network na si Marian Rivera sa seryeng pantelebisyon na Carmela. Nagbida rin siya sa maikling pelikulang pinamagatang Kinabukasan kasama ang superstar ng Pilipinas na si Nora Aunor. Sa huling bahagi ng 2014, nagkaroon muli siya ng seryeng pantelebisyong ipinrodyus ng GMA News and Public Affairs na may pamagat na Ilustrado. Ginampanan niya rito ang pinag-aagawang papel ni Jose Rizal.

2015-kasalukuyan: Eat Bulaga! at AlDub

baguhin

Noong 2015, naging bahagi si Richards ng pinakamatagal na pananghaliang programa sa Pilipinas, ang Eat Bulaga!. Kasalukuyan siyang napapanood bilang kasamang punong-abala (co-host) sa segment na That's My Bae. Higit na umangat ang kanyang kasikatan hindi lamang dahil sa araw-araw siyang nakikita sa telebisyon bilang punong-abala (host), kundi dahil din sa pagkakabuo ng di-inaasahang tambalan o love team sa pagitan niya at ng kanyang kasamang punong-abala na si Maine "Yaya Dub" Mendoza.

Ang tambalan, na tinawag ng mga tagahanga na AlDub, ay naging tuluy-tuloy na trending na paksa sa Twitter sa Pilipinas at sa buong mundo. Dahil sa kanilang matinding kasikatan, bumuo ang Eat Bulaga! ng isang munting serye para sa AlDub na tinawag ni Joey de Leon na KalyeSerye sa loob ng segment ng Juan For All, All for Juan. Samantala, sumikat online ang mga trailer na likha ng mga tagahangang humihiling ng pelikula o palabas sa telebisyon para sa kanila; ang isa rito ay ang muling pagsasagawa (remake) ng Koreanovela na My Love from the Star na ibinalita ng GMA Network.[49] Noong 06 Agosto 2015, lumagda si Richards ng isang apat na taóng kontrata sa APT Entertainment,[50] ang kumpanyang pampelikula ng nagpoprodyus ng Eat Bulaga! na TAPE Inc. Dito umingay ang mga balitang binabalak buuin ang isang pelikula para sa AlDub.

Kasalukuyan ding napapanood si Richards bilang isa sa mga punong-abala ng lingguhang pananghaliang programa ng GMA Network na Sunday PINASaya.[51]

Noong 13 Agosto 2015, lumagda si Richards ng isang kontrata ng rekording sa GMA Records. Maglalaman ang parating na album ng di-bababa sa dalawang orihinal na awitin at mga bersiyon.[52] Ang kanyang unang isahang awit, ang Wish I May, mula sa kanyang parating na album ay isang orihinal na komposisyon ni Agat-Obar Morallo at inilabas upang madiskarga (download) online at mapakinggan noong Setyembre 2015.[53][54]

Diskograpiya

baguhin

Mga extended play na album

baguhin

Mga Isahang Awit

baguhin
  • "Haplos" (2013)
  • "Wish I May" (2015)

Mga Compilation albums

baguhin
  • One More Try, Favorite Teleserye Love Songs & Other OPM Hits (2014)
    • Track 4: "Haplos"
    • Track 11: "Di Na Mababawi"
    • Track 12: "Sa Aking Tabi"

Pilmograpiya

baguhin

Telebisyon

baguhin
Taon Pamagat Ginampanan Network
2011 Alakdana Joma Perez GMA Network
Reel Love Presents: Tween Hearts Dennis
Spooky Nights Presents: Bahay ni Lolo Alvin
Spooky Nights Presents: Singil Alvin
Spooky Nights Presents: Parol Elmer
2011-2013 Party Pilipinas Siya mismo/Nagtatanghal
2012 My Beloved Rico Castor
Spooky Nights Presents: Orasyon Ringgo
Tanikala: Ang Ikaapat na Yugto - UNOS Angelo CBN Asia/GMA Network
One True Love Tisoy Bulaong GMA Network
2013 Indio Kabataang Malaya
Teen Gen Rafael "Raffy" Castillo
Wagas: The Tom and Jeza Love Story Tom Fernandez GMA News TV
Wagas: The Arnel and Lolet Love Story
Magpakailanman: The Alden Richards Story Siya mismo GMA Network
Mundo Mo'y Akin Jerome Alvarez
Magpakailanman: Kawalan ng Karapatan Dondon Lanuza
2013–2015 Sunday All Stars Siya mismo/Nagtatanghal
2014 Carmela Santiago "Yago" Alcid Torres
Magpakailanman: Gas Mo Bukas Ko Jovel Javier
Ilustrado José Rizal GMA News TV / GMA Network
Bet ng Bayan Host GMA Network
2015 Wish Ko Lang Heneral
2015–kasalukuyan Eat Bulaga Siya mismo/Kasamang punong-abala
2015 Magpakailanman: Rehas ng Pag-ibig Danny
2015–kasalukuyan Unang Hirit Siya mismo / Punong-abala
2015 Karelasyon: Talent Adrian
2015–kasalukuyan Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento Andrew
Sunday PINASaya Siya mismo/Kasamang punong-abala

Mga pelikula

baguhin
Taon Pelikula Ginampanan Istudyo Mga talà
2011 Ang Panday 2 Gubli
Kalahok sa ika-37 Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
The Road Kabataang Luis GMA Films Nominado—PMPC Star Award for Movies for New Movie Actor of the Year
Nominado—Golden Screen Award for Breakthrough Performance by an Actor
Tween Academy: Class of 2012 Christian
2012 Sossy Problems Iñaki Kalahok sa ika-38 Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
Si Agimat, Si Enteng at Ako Fino
2015 Romcom-in Mo Ako TBA Kalahok sa ika-41 Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
2016 Cain at Abel TBA GMA Films Kinukunan
2019 Hello, Love, Goodbye Ethan Del Rosario Star Cinema Unang Pelikula sa Star Cinema, pinakamataas na grossing film sa pilipinas

Mga parangal

baguhin
Taon Naggawad ng parangal Parangal Resulta
2015 EdukCircle Film and Television Awards Most Phenomenal Love Team of the Year (kasama si Maine Mendoza) Nanalo
2014 PMPC Star Awards for Television Best Single Performance by an Actor Nominado
Golden Screen TV Awards Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series Nominado
2013 Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series Nominado
2012 Favorite Movies,TV Show,& Music Awards Most Improved TV Actor Nanalo
MEG Top Choice Awards Top Fashion Forward Celeb (Male) Nanalo
Yahoo! OMG! Awards 2012 Breakthrough Actor of the Year Nominado
Golden Screen Awards Breakthrough Performance by an Actor [55][56] Nominado
PMPC Star Awards for Movies New Movie Actor of the Year [57] Nominado
2011 PMPC Star Awards for TV Best New Male Personality Nominado
Golden Screen TV Awards Outstanding Breakthrough Performance by an Actor Nanalo
59th FAMAS Awards German Moreno Youth Achievement Awardee [58] Nanalo
Golden Screen Awards Best New Actor [20] Nanalo
1st Yahoo OMG Awards Amazing Male Newcomer [19] Nanalo

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lo, Ricky (2 Mar 2012). "Body Talk with Alden Richards". philstar.com. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mendoza, Ruel (15 Nob 2011). "GMA-7 places its bet on Alden Richards, Kristoffer Martin, and Derrick Monasterio as next Kapuso leading men". pep.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-15. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Borja, Feliz (11 Hun 2013). "ALDEN RICHARDS Releases His Self-Titled Debut Album!". Myxph.com. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gabinete, Jojo (25 Hul 2015). "The Source: Alden at Yaya Dub, source ng kilig ng milyones na fans!". Abante Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-08-16. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Alden Richards' life a tearjerker". Tempo Online. 15 Mar 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2015. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Asilo, Rito (9 Nob 2012). "Alden Richards is living his mother's dream". Inquirer.net. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Maestro Orobia (17 Peb 2012). "Alden Richards: the hardworking teen star". Pinoy Parazzi. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Llanes, Rommel (7 Ago 2015). "#FlashbackFriday: Alden Richards compares life to Candy Crush...Wow, ang deep!". pep.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-15. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Alipio, Elli (15 Mar 2012). "PEP EXCLUSIVE: Alden Richards reveals "turndowns" before becoming an artista". pep.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2015. Nakuha noong 8 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "GMA Network: Alden Richards as leading men". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2015. Nakuha noong 31 Ene 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Be Online: Alden going up". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-22. Nakuha noong 3 Peb 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "PEP Portal: Alakdana". Nakuha noong 31 Ene 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Philippine Star: Hearthrob with a big heart http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=714427[patay na link] Retrieved January 31, 2012.
  14. GMA Network: Spooky Nights Parol http://www.gmanetwork.com/entertainment/stars/alden-richards/articles/2011-12-09/7502/GMA-7s-Spooky-Nights-continues-its-horror-Christmas-features-this-Saturday#list Retrieved January 31, 2012.
  15. PEP Portal: Yam Laranas praised Alden Richards http://www.pep.ph/guide/movies/9231/direk-yam-laranas-impressed-by-alden-richards39-performance-in-psycho-thriller-film-the-road#39;-performance-in-psycho-thriller-film-%20the-road Retrieved January 31, 2012.
  16. Showbiz Portal: Alden Richards http://www.showbiz-portal.com/2011/11/alden-richards-is-bad-boy.html Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine. Retrieved February 3, 2012.
  17. Philippine Entertainment Portal: Alden Richards http://www.pep.ph/news/32140/Alden-Richards-reveals-that-new-project-in-2012-pairs-him-anew-with-Louise-de-los-Reyes Naka-arkibo 2013-09-21 sa Wayback Machine. Retrieved February 3, 2012.
  18. Malaya Business Insight: Stars are lining up for Alden Richards http://www.malaya.com.ph/dec29/ent3.html[patay na link] Retrieved February 3, 2012.
  19. 19.0 19.1 Yahoo Philippines: OMG Awards Winners http://ph.omg.yahoo.com/news/omg--awards-winners-thank-voters.html Retrieved January 31, 2012.
  20. 20.0 20.1 20.2 Showbiz News: Best New Actor http://www.showbiz-portal.com/2011/12/alden-richards-best-new-actor-in-golden.html Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine. Retrieved January 31, 2012.
  21. 21.0 21.1 PEP: Sam Pinto and Alden Richards on a cruise date http://www.gmanetwork.com/news/story/228517/showbiz/pep-sam-pinto-and-alden-richards-go-on-cruise-date Retrieved February 3, 2012.
  22. Network, win a Date with Alden Richards GMA Network Retrieved February 12, 2012.
  23. 23.0 23.1 Manila Bulettin: A Sexy Alden Richards http://mb.com.ph/articles/349330/next-attraction-a-sexy-alden-richards Naka-arkibo 2012-04-26 sa Wayback Machine. Retrieved February 3, 2012.
  24. Philippine Star: Folden and Hung Marvels http://www.philstar.com/youngstar/ysarticle.aspx?articleid=742129&publicationsubcategoryid=84[patay na link] Retrieved February 3, 2012.
  25. My Beloved starring Marian Rivera and Dingdong Dantes Naka-arkibo 2015-07-01 sa Wayback Machine. Asia Novela Retrieved. March 7, 2012.
  26. Baguhang Actor, nanguna sa Tanikala ng CBN Asia Naka-arkibo 2012-03-25 sa Wayback Machine. Abante Online. Retrieved March 28, 2012.
  27. Alden Richards on CBN Asia's Tanikala Naka-arkibo 2015-06-30 sa Wayback Machine. Jeff Alagar Website. Retrieved March 28, 2012.
  28. Alden napuri sa breakdown scene: One True Love Naka-arkibo 2012-12-08 at Archive.is Philippine Star. Retrieved May 29, 2012
  29. Alden Richards stars on One True Love[patay na link] Philippine Star. Author: German Moreno. Retrieved May 29, 2012.
  30. One True Love on GMA tonight[patay na link] The Philippine Star. Retrieved 07-08-2012
  31. Alden Richards fervently hopes One True Love will rate well: "Kasi kapag hindi po nag-rate, baka mawalan tayo ng trabaho after. Matagal po tayong ma-standby." Naka-arkibo 2012-11-14 sa Wayback Machine. PEP.ph. Retrieved 08-27-2012
  32. One True Love' Extended[patay na link] Manila Bulletin. Retrieved 08-27-2012
  33. Alden proud of 'One True Love' success Naka-arkibo 2015-09-24 sa Wayback Machine. By: Glaiza Jarloc. SunStar. Retrieved 08-27-2012
  34. Alden Richards-Louise delos Reyes starrer, One True Love, gets five-week extension on GMA-7[patay na link] PEP.ph. Retrieved 08-27-2012
  35. Alden Richards gets big break[patay na link] Tempo. Retrieved 08-27-2012
  36. Alden, Lucho, the business of aspiration and all that drama By: Gerard Ramos. Business Mirror. Retrieved 08-27-2012
  37. 37.0 37.1 Calderon, Ricky (18 Marso 2013). "Alden Richards returns to primetime TV in "Mundo Mo'y Akin"". Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Canlas, Nelson. "Kwento ng buhay ni Alden Richards, tampok sa magpakailanman sa Sabado". GMA News. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Pagiging malapit ni Alden Richards sa pumanaw na ina, matutunghayan sa Magpakailanman". GMA News. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Santiago, Lhar. "Balik-tambalan nina Louise delos Reyes at Alden Richards sa 'Mundo Mo'y Akin,' mapapanood na simula ngayong gabi". 24 Oras. GMA News. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. 41.0 41.1 R, P (17 Marso 2013). "Treachery, lies, betrayal in Mundo Mo'y Akin". SunStar. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Marso 2013. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Barrameda, Joe (21 Marso 2013). "'Mundo' ni Alden, talk of the town agad". Abante. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2013. Nakuha noong 21 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Red, Isah (20 March 2013). "Kapuso's new series promises complex drama". Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Septiyembre 2013. Nakuha noong 21 March 2013. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  44. 44.0 44.1 "Alden Richards will launch album on Party Pilipinas this Sunday". PEP.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2013. Nakuha noong 26 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Alden Richards- Haplos". My Music Store. Nakuha noong 26 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  46. "Haplos - Single Alden Richards". iTunes. Nakuha noong 26 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Garcia, Rose. "Alden Richards on being linked to "Elmo's girls" Julie Anne San Jose and Lauren Young: "Yun nga po, sinasabi po nila sa akin, 'Lahat na lang inaagaw mo.'"". PEP.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2013. Nakuha noong 26 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. http://myxph.com/features/5594/our-myx-celebrity-vj-for-the-month-of-june-is-alden-richards/
  49. Dabu, Bianca Rose. "Fans pitch 'My Love from the Star' remake starring Alden and Yaya Dub". GMA News Online. Nakuha noong Agosto 10, 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Gonzales, Rommel. "Alden Richards will not be paired with other leading ladies because of AlDub loveteam". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 15, 2015. Nakuha noong August 10, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong); Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)
  51. Sun, Cherry (6 Ago 2015). "Mga host ng 'Sunday PinaSaya,' ipinakilala na". GMANetwork.com. Nakuha noong 23 Ago 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Sun, Cherry. "Alden Richards, pumirma ng kontrata sa GMA Records". GMA News Online. Nakuha noong Agosto 13, 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Fallore, Renuel (2 Set 2015). "WATCH: ALDEN RICHARDS Releases "Wish I May" Lyric Video!". Myx. Nakuha noong 3 Set 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Ligunas, Mary Louise (3 Set 2015). "'Wish I May' by Alden Richards debuts at the top spot of iTunes charts". GMA Network. Nakuha noong 3 Set 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Golden Screen Awards Nominees for 2012". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Septiyembre 2012. Nakuha noong 29 Mar 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  56. "EnPress reveals nominees for Golden Screen Awards". Yahoo! Philippines. Nakuha noong 29 Mar 2012. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "PMPC Star Awards Nominees". Manila Bulettin. Nakuha noong 29 Mar 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  58. "59th FAMAS Awards List of Winners". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 13 Abr 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin