Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila
Ang Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila (Inggles: Metro Manila Film Festival) o (MMFF) ay isang taunang kapistahang pampelikula ng Kalakhang Maynila. Ang panahon na ito ay nagsisimula sa ika-25 ng Disyembre (Pasko) ng bawat taon, mga pelikulang Pilipino lamang ang pinapalabas sa buong Pilipinas.
Sa panahon ng kapistahang pampelikula, ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga dayuhang pelikula sa buong Pilipinas. Maaari lamang ipalabas ang mga pelikulang lumahok at tinanggap ng mga hurado ng kalipunan ng MMFF. Isa sa mga katangi-tanging kaganapan sa loob ng kapistahan ang parada ng mga artista kung saan nakasakay sila sa mga magagarbong mga karo na bumabaybay sa kahabahan ng Roxas Boulevard. Mayroon ding parangal para sa mga pinakamahusay na pelikula.
Kasaysayan
baguhinUnang naitatag ang MMFF noong 1975 kung saan nanalong pinakamahusay na pelikula ang Diligan Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa sa direksiyon ni Augusto Buenaventura.