Pag-awit
Ang pag-awit ay ang paglikha ng musika gamit ang tinig. Ito ay maikukumpara sa pagsasalita na may kasamang tono. Ang isang taong umaawit at tinatawag na mang-aawit o kaya ay bokalista. Ang pag-awit ay maaaring gawin na meron o walang instrumento. Ang pag-awit ng walang instrumento ay tinatawag na acapella. Maaari ding kumantang mag-isa o na may kasamang ibang tao sa isang pangkat gaya ng koro o banda.
Nakakaawit halos lahat ng nagsasalita, yayamang isang anyo ng matagalang pagsasalita ang awitin. Maaari itong impormal at para lamang sa kasiyahan, halimbawa, ang pag-awit sa banyo; o maaari itong maging pormal, katulad ng propesyunal na pagganap o pag-awit sa isang istudyong nag-rerekord. Ang pag-awit sa isang mataas na antas ng baguhan o propesyunal ay kadalasang kinakailangan ng isang tiyak na halaga ng likas na talento at isang madalas na pagsasanay, at/o instruksiyon.[1] Kadalasang nasa isang partikular na uri ng musika ang karera ng propesyunal na mang-aawit at sumasailalim sila sa pagsasanay ng tinig, na binibigay ng isang guro o tagapag-turo ng boses sa kanyang buong karera.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.