Gary Valenciano
Si Edgardo Jose "Gary" Santiago Valenciano (ipinanganak noong 6 Agosto 1964), na kilala rin bilang Gary V. at Mr. Pure Energy, ay isang mang-aawit, mananayaw at kompositor mula sa Pilipinas. Naglabas si Valenciano ng 26 album, at nanalo sa Awit Awards para sa "Best Male Performer" nang 11 ulit. Noong 1998, siya ang naging kauna-unanhang Pambansang Embahador ng UNICEF Philippines. Kabilang sa kaniyang mga tanyag na awitin ang "'Di Bale Na Lang", "Eto Na Naman", "Sana Maulit Muli", "Natutulog Ba Ang Diyos?", "Gaya ng Dati", "Pasko Na, Sinta Ko" at "Narito".
Gary Valenciano | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Edgardo Jose Santiago Valenciano |
Kilala rin bilang | Gary V., Mr. Pure Energy |
Kapanganakan | Santa Mesa, Maynila[1] | 6 Agosto 1964
Pinagmulan | Maynila, Pilipinas |
Genre | Inspirational, pop, OPM |
Trabaho | Mang-aawit, Kompositor, Aktor, Mananayaw |
Instrumento | tinig, Keyboard, Perkusyon |
Taong aktibo | 1983–kasalukuyan |
Label | Dati: WEA, Universal Records (Philippines) |
Website | GaryV.com |
Kasalukuyan siyang bahagi ng ABS-CBN, at madalas siyang napipiling umawit para sa mga awit na pangteleserye ng mismong estasyon at ng mga pelikula ng Star Cinema.
Pinagkalooban si Gary Valenciano ng ASAP Elite Platinum Circle Award for 2008 para sa kaniyang mga pambihirang natamong tagumpay sa local na panghimig na industriya. Sa higit na tatlong dekada sa industriyang panghimig, ginantimpalaan siya ng 5 platinum albums, 4 na dobleng platinum albums, 3 tripleng platinum albums, at 2 sekstuple (anim na ulit) na platinum albums.
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Gary Valenciano sa Santa Mesa, Maynila noong 6 Agosto 1964. Ikaanim siya sa pitong anak nila Vicente Calacas Valenciano, isang Bikolano na mula sa Camalig, Albay[2] at Grimilda Santiago y Olmo, isang Puwertorikenya na mayroong lahing Italyano[3][4] mula sa Arecibo.[1] Nagkakilala ang kaniyang mga magulang sa New York, nagpakasal at nanirahan sa Maynila.
Personal na buhay
baguhinIkinasal si Gary Valenciano kay Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan at mayroon silang tatlong anak: Paolo Valenciano (bokalista ng bandang Salamin at ikinasal kay Samantha Godinez), José Angelo Gabriel Valenciano (mang-aawit, mananayaw at pianist, at ikinasal kay Tricia Centenera) at Kristiana Maria Mikaela. Kasalukuyan siyang mayroong diabetes at nagging tagapag-taguyod siya ng ilang produktong pangkalusugan na mayroon kinalaman sa kaniyang kalagayan.[5]
Pilmograpiya
baguhinPelikula
baguhinTaon | Pamagat | Pagganap | Mga Tala |
---|---|---|---|
1984 | Hotshots[6] | ||
1986 | Horsey-horsey: Tigidig-tigidig | Tommy | |
1986 | Payaso[7] | ||
1987 | Di bale na lang[8] | Nelson | |
1987 | Maria Went to Town | Fernando | |
1988 | Ibulong mo sa Diyos[9] | ||
1988 | Rock-a-Bye Baby[10] | Mike | |
1988 | Natutulog Pa Ang Diyos | Mark Vilchez | |
1990 | Kung tapos na ang kailanman[11] | ||
1990 | Papa's Girl[12] | Raffy | |
1995 | Hataw na[13] | Robbie Mallorca | |
1996 | SPO1 Don Juan: Da Dancing Policeman[14] | Bicycle Cop | |
2005 | Gary V: Music Video Collection" | Himself | Gary Valenciano's Music Video Collection |
2007 | The Bicycle(Gulong) | ||
2011 | Subject: I Love You | Choy | Based on the "I Love You" computer virus of 2000. |
2012 | I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila! | Nick Fuentebella | Won Best Motion Picture (Musical or Comedy) |
2016 | Fruits N' Vegetables: Mga Bulakboleros | Sir Efren de Villa |
Telebisyon
baguhinTaon | Programa | Pagganap | Mga Tala | Himpilan |
---|---|---|---|---|
1995 | CBN Asia Holy Week Special | GMA Network | ||
1995–Kasalukuyan | ASAP | Siya mismo | Pangunahing host/tagapagtanghal | ABS-CBN |
2002 | Ikaw Lang Ang Mamahalin | cameo na pagganap | GMA Network | |
2006 | Sa Ngalan Ng Anak: A CBN Asia Holy Week Special | GMA Network | ||
2008 | Maalaala Mo Kaya? | ABS-CBN | ||
2009 | May Bukas Pa | Panauhin | ||
2010 | Gulong: A CBN Asia Holy Week Special | GMA Network | ||
2010 | Twist and Shout | Siya mismo | Host | ABS-CBN |
2011 | Minsan Lang Kita Iibigin | Siya mismo | panauhin/tagapag-awit | |
2012 | The X Factor Philippines | Siya mismo | Hurado | |
2012 | Walang Hanggan | Siya mismo | panauhin/tagapag-awit | |
2013 | The Voice of the Philippines | Siya mismo | pangtiwalang tagapayo ni Sarah Geronimo | |
2015 | Your Face Sounds Familiar Season 1 | Siya mismo | Hurado | |
2015 | Your Face Sounds Familiar Season 2 | Siya mismo | Hurado |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Philippines, Manila, Civil Registration, 1899-1984 Image Philippines, Manila, Civil Registration, 1899-1984; ark:/61903/3:1:939F-VPSH-YS — FamilySearch.org". Nakuha noong Oktubre 30, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ bulletin.gif[patay na link]
- ↑ PEP.ph. "Gary V: Live at 25! | Gallery | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz". PEP.ph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-11-11. Nakuha noong 2012-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gary Valenciano: A Winning Lifestyle". Cbn.com. Nakuha noong 2012-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gary Valenciano currently living with diabetes.
- ↑ http://80spinas.blogspot.com/2009/12/hotshots-1984.html
- ↑ http://starforallseasons.com/2013/01/31/filmography-payaso-1986/
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2016-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://starforallseasons.com/2009/11/16/filmography-ibulong-mo-sa-diyos-1988/
- ↑ http://film.famousfix.com/tpx_995989/rock-a-bye-baby-tatlo-ang-daddy/
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2016-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2016-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2016-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2016-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga link na panlabas
baguhin- Gary Valenciano sa IMDb
- Gary Valenciano's Official Website
- Gary Valenciano sa Instagram
- Gary Valenciano sa Twitter.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.