Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan,[1] pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

Sally Ride
portrait
Si Ride noong 1984
Kapanganakan
Sally Kristen Ride

26 Mayo 1951(1951-05-26)
Los Angeles, California, Estados Unidos
Kamatayan23 Hulyo 2012(2012-07-23) (edad 61)
San Diego, California, Estados Unidos
EdukasyonKolehiyong Swarthmore
Unibersidad ng California, Los Angeles
Pamantasang Stanford (BA, BS, MS, PhD)
AsawaSteven Hawley (k. 1982–87)
KinakasamaTam O'Shaughnessy (1985–2012)
ParangalPresidential Medal of Freedom o Pampanguluhang Medalya ng Kalayaan (2013, postumo)
Astronauta ng NASA
Panahon sa kalawakan
14d 7h 46m
SeleksiyonPangkat 8 ng NASA (1978)]]
Misyon
    • STS-7
    • STS-41-G
Sagisag ng misyon
mission patch ng STS-7 mission patch ng STS-41-G
PagreretiroAgosto 15, 1987

Nagtapos si Ride sa Pamantasang Stanford, kung saan nakakuha siya ng Batsilyer ng digri ng Agham sa pisika at Batsilyer ng Sining ng digri sa panitikang Ingles[2] noong 1973, Maestro ng digri ng Agham noong 1975, at Doktor of Pilosopiya noong 1978 (pareho sa pisika) para sa pananaliksik sa interaksyon ng X-ray sa midyum na interestelar.[3] Napili siya bilang isang astronautang espesyalista sa misyon sa Pangkat 8 ng Astronautang NASA, ang primera klaseng mga astronauta ng NASA na kinabibilangan ng mga babae. Matapos makumpleto ang kanyang pagsasanay noong 1979, nagsilbi siya bilang capsule communicator (CapCom)[4] na nakabase sa lupa para sa pangalawa at pangatlong lipad ng Lasador na Pangkalawakan (o Space Shuttle), at tumulong sa pagbuo ng bisig robotiko ng Space Shuttle. Noong Hunyo 1983, lumipad siya sa kalawakan sa Space Shuttle Challenger sa misyon ng STS-7. Naglunsad ang misyon ng dalawang satelayt pangkomunikasyon at ang unang Shuttle pallet satellite (SPAS-1). Pinaandar ni Ride ang bisig robotiko at kinuha ang SPAS-1. Ang kanyang pangalawang paglipad sa kalawakan ay ang misyong STS-41-G noong 1984, sakay din ng Challenger. Gumugol ng kabuuang higit sa 343 oras sa kalawakan. Umalis siya sa NASA noong 1987.

Nagtrabaho si Ride sa loob ng dalawang taon sa Stanford University's Center for International Security and Arms Control (Sentro ng Pandaigdigang Seguridad at Pagkontrol ng Armas) ng Pamantasang Standord pagkatapos, sa Unibersidad ng California, San Diego, pangunahing nagsasaliksik ng optikang di-lineyar at pangangalat na Thomson. Naglingkod siya sa mga komite na nag-imbestiga sa pagkawala ng Challenger at ng Columbia, ang tanging tao na lumahok sa pareho. Dahil ikinasal sa astronauta na si Steven Hawley sa panahon ng kanyang mga taon sa paglipad sa kalawakan at sa isang pribado at pangmatagalang relasyon sa dating manlalaro ng Women's Tennis Association (Asosasyong Tenis ng mga Kababaihan) na si Tam O'Shaughnessy, siya ang unang astronauta na kilala bilang LGBT.[5][6][7] Namatay siya sa kanser sa lapay noong 2012.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Grady, Denise (Hulyo 23, 2012). "American Woman Who Shattered Space Ceiling". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-05. Nakuha noong Mayo 5, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sherr, Lynn Sherr (2014). Sally Ride: America's First Woman in Space (sa wikang Ingles). New York: Simon & Schuster. ISBN 978-1-4767-2578-9. OCLC 885483468.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ride, Sally (1978). The interaction of X-rays with the interstellar medium (Tisis) (sa wikang Ingles). Stanford University. Nakuha noong Marso 4, 2022.{{cite thesis}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "40 Years Ago: Columbia Returns to Space on the STS-2 Mission" (sa wikang Ingles). NASA. Nobyembre 12, 2021. Nakuha noong Marso 21, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hsu, Cindy (17 Hunyo 2022). "Dr. Sally Ride honored with statue at Cradle of Aviation Museum in Garden City" (sa wikang Ingles). CBS New York. Nakuha noong 12 Setyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gohd, Chelsea (18 Hunyo 2018). "This Pride, Be Inspired by Sally Ride's Legacy". Space.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Moskowitz, Clara (Hunyo 1, 2014). "The Real Sally Ride: Astronaut, Science Champion and Lesbian". Scientific American (sa wikang Ingles). Springer Nature. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 5, 2021. Nakuha noong Oktubre 29, 2020.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)