Yoon Suk Yeol

Ika-13 na Pangulo ng Timog Korea

Si Yoon Suk-yeol (ipinanganak noong Disyembre 18, 1960) ay isang politiko mula sa Timog Korea, dati rin siyang pampublikong tagausig at abogado na ngayo'y nagsisilbing ika-13 at kasalukuyang pangulo ng Timog Korea mula noong 2022. Bago ang kanyang pagkapangulo, nagsilbi siya bilang pangkalahatang piskal sa Timog Korea mula 2019 at 2021.


Yoon Suk-yeol
윤석열
Opisyal na larawan, 2021
Ika-13 na Pangulo ng Timog Korea
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
10 Mayo 2022
Punong Ministro
Nakaraang sinundanMoon Jae-in
Pangkalahatang Piskal ng Timog Korea
Nasa puwesto
25 Hulyo 2019 – 4 Marso 2021
PanguloMoon Jae-in
Nakaraang sinundanMoon Moo-il
Sinundan niKim Oh-soo
Personal na detalye
Isinilang (1960-12-18) 18 Disyembre 1960 (edad 64)
Seoul, Timog Korea
Partidong pampolitikaPeople Power (2021–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
Walang ka-partido (bago 2021)
AsawaKim Keon-hee (k. 2012)
AmaChoi Jeong-ja
InaYoon Ki-jung
TahananPresidential residence
Alma materSeoul National University (LLB, LLM)
TrabahoPolitiko
PropesyonAbogado
RelihiyonRoman Catholicism (Christian name: Ambrose)[1]
Pirma
Pangalang Koreano
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonYun Seok-yeol
McCune–ReischauerYun Sŏgyŏl
IPAPagbabaybay sa Koreano: [jun.sʰʌ̹ŋ.ɲ̟ʌ̹ɭ / jun.sʰʌ̹.ɟʌ̹ɭ]

Ipinanganak sa Seoul, pumasok si Yoon sa Pambansang Unibersidad ng Seoul. Sa kanyang kapasidad bilang pinuno ng Distritong Sentral ng Seoul sa Opisina ng Piskal, gumanap siya ng mahalagang papel sa paghatol sa mga dating pangulo katulad nina Park Geun-hye at Lee Myung-bak para sa kanilang mga pang-aabuso sa kapangyarihan. [2] [3] [4] Si Yoon ay hinirang na pangkalahatang piskal ng Timog Korea ni Pangulong Moon Jae-in noong Hulyo 2019. Sa pamumuno ni Yoon, nagsagawa ang Opisinang Piskal ng Korte Suprema ng mga kontrobersyal na imbestigasyon kay Cho Kuk, isang maimpluwensyang tao sa administrasyon ni Pangulong Moon, na magdadala sa pagbitiw ni Cho sa puwesto. [5] [6] Ang mga pakikibaka ni Yoon sa administrasyong Moon hanggang sa kanyang pagbitiw bilang pangkalahatang piskal noong Marso 2021 ay humantong sa kanyang pagbangon bilang kandidato sa pagkapangulo. [2]

Noong Hunyo 2021, inihayag ni Yoon ang kanyang pagkandidato sa 2022 South Korean presidential election. Sumali siya sa isang konserbatibong partidong People Power Party noong Hulyo, at nanalo sa nominasyon ng PPP noong Nobyembre. Makitid na tinalo ni Yoon ang nominado ng Demokratikong Partido na si Lee Jae-myung noong 9 Marso 2022 at nanungkulan bilang pangulo noong 10 Mayo 2022. [7]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "윤석열 후보자 정보 대선2022". joongang.co.kr (sa wikang Koreano). Nakuha noong 4 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Who is Yoon Seok-youl, South Korea's conservative candidate for president?". The Economist. ISSN 0013-0613. Nakuha noong 13 Pebrero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Shin, Hyonhee (5 Nobyembre 2021). "S.Korea's ex-top prosecutor to challenge Moon's party in 2022 presidential election". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Pebrero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Shin, Mitch (5 Nobyembre 2021). "Yoon Suk-yeol Wins People Power Party's Presidential Primary". The Diplomat. Nakuha noong 9 Mayo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gibson, Jenna (Oktubre 16, 2019). "South Korea's Cho Kuk Saga Ends". thediplomat.com. Nakuha noong 2 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Gibson, Jenna (Disyembre 10, 2020). "South Korea's Prosecution Reform Saga Heads Toward Final Showdown". thediplomat.com. Nakuha noong 2 Nobyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Kim, Eun-Joong (10 Mayo 2022). "尹 대통령, 0시 임기 시작… 국군통수권 이양 받아". 조선일보 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 9 Mayo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)