Unang Sulat ni Clemente
(Idinirekta mula sa 1 Clemente)
Ang Unang Sulat ni Clemente o The First Epistle of Clement, (literal na Clement to Corinth; Griyego Κλήμεντος πρὸς Κορινθίους, Klēmentos pros Korinthious) ay isang liham na isinulat para sa mga Kristiyano sa lungsod ng Corinto. Ang sulat na ito ay may petsa na ika-1 o simula ng ika-2 siglo CE at may ranggo kasama ng Didache na isa sa pinakauna kung hindi ang pinakauna sa mga umiiral na dokumentong Kristiyano sa labas ng Bagong Tipan. Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, ang isang Ikalawang Sulat ni Clemente ay alam ngunit ito ay isang kalaunang akda at isinulat ng ibang may akda;